Chapter 24

1.2K 29 8
                                    

Daniel's POV

Habang binibilang ko ang butas ng sky flakes...

"HOY DANIEL WARREN HUGH!" Sigaw ng nanay ko sakin.

"Ano ba ma! Malapit ko nang malaman kung ilan ang butas ng skyflakes eh!" Sigaw ko din.

"Graduation mo na, umayos ka nga!"

Natauhan naman ako. Mamaya na pala ang graduation ng batch namin.

Mabilis na lumipas ang mga buwan, six months nang buntis ang future wife ko at graduating na din siya.

Calling Baby❤...

Nakakailang ring palang ay sinagot na niya.

"Sunduin na kita?" Tanong ko.

"Hala susunduin mo ba ko? Sorry andito na ko eh."

"Tss sige. Paasa." Pakunwaring nagtatampong sambit ko.

"I mean andito na ko sa tapat ng bahay niyo. Buksan mo dali." Napangiti ako.

Agad akong lumabas at yinakap siya.

"Let's go, Chef Daniel."

"Yes, ma'am" nakangiting sagot ko.

Culinary ang kinuha kong course while si Kath, Business Ad.

***

"CONGRATULATIONS MY DEAR STUDENTS!" Sigaw ni miss Principal.

May mga nanay na proud na proud sa mga anak nila habang umiiyak pa, tumingin naman ako kay Mama.

"Ma, iyak ka din tignan mo nagiiyakan sila." Bulong ko, biglang binatukan tuloy ako.

"Yung iba yinayakap ang anak para i-congratulate tapos ikaw binatukan lang ako?"

"That's my way of congratulating you, anak."

"Waw nosebleed, ma. Porket graduation 'to englishera ka na?"

Binatukan niya ulit ako. Napaka-brutal naman ng nanay ko.

Pagkatapos ng mga awards chuchu at kung ano ano pa, hinanap ko agad si Kath. Aba! Kasama pa si Tres! Aba aba aba.

"KATHERINE!!!" Sigaw ko sabay sugod sakanila. Hinigit ko ang kamay niya sabay layo kay Tres.

"Bye Tres! Byeeee!" Pamamaalam pa niya.

"Ano ka ba, Daniel?" Tanong niya.

"Ano ka rin! Pati last day di pinapalampas nung Tres na yun! Hayup."

Magagalit pa sana ako nang halikan niya ako sa cheeks.

"That's my graduation gift, my love."



Kath's POV

Kinabukasan ng graduation day, nagpa-Tagatay yung University para daw sa celebration.

Sadly, di daw sagot ni Miss Principal ang pamasahe. Kanya-kanyang sasakyan daw. Tutal, malapit lang ang Tagatay samin nag-jeep nalang kami.

"Puno na eh. Sa iba nalang tayo." Sambit ni Julia at akmang bababa.

"De, Julia sige umakyat na kayo ni Dos maghihintay nalang kami ni Kath ng ibang jeep." Sagot ni Daniel.

Dito kasi sa pupuntahan namin, may Sky Eye Ferris Wheel. Kapag daw nahalikan mo yung kasama mo sa pinakatuktok non, magkakatuluyan talaga kayo. That's why sinama ni Juls si Dos. HAHAHA.

Daniel the Virgin Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon