Chapter 34

1.1K 29 12
                                    

Kath's POV

"We're here." Sambit ng assistant ni Leonardo. Inalalayan niya ako pababa ng kotse.

"What's your name by the way?"

"Daniel." Sagot nito kaya nanlaki ang mata ko. Shit.

"Why?" Nagtatakang tanong nito nang makitang nagulat ako.

"Nothing, I like your name." Sambit ko.

"Don't tell him that i'm meeting someone right now, he might scold me again." Natatawang tugon ko.

Naglakad na ako papasok at tinawagan siya.

"Where are you? I'm here."

"Omg speaking english! I missed you!"

"Gaga. Nasaan muna kayo?" Natatawang tanong ko.

"Dito sa...uhm san ba 'to, Daniel?" Rinig kong tanong niya sa kabilang linya. WHAT?! Kasama niya si Daniel?!?!?!

"Dito kami sa MCDO. Etong mga kupal na kasama ko, happy meal pa ang nais. HAHAHAHA"

"B-bakit kasama mo s-siya?"

"Ha? Chappy ka...chappy ka Kath. Puntahan mo nalang kami dito.." Sambit niya sabay baba ng tawag. What the fuck!

Agad ko namang hinanap ang Mcdo. Saktong malapit lang pala kaya nakarating agad ako.

Daniel's POV

"Hey, CR lang ako ah." Pamamaalam ko. Tumango lang sila. Pag pasok ko sa CR, huminga ako ng malalim.

"Ano bang nangyayari sa'yo? Bakit ka kinakabahan?" Tanong ko sa sarili ko. Inayos ko ang buhok ko at tumingin sa salamin.

"Hi Kath, how are you?" Pagpapractice ko sa salamin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Hi Kath, how are you?" Pagpapractice ko sa salamin.

"Hindi eh. Parang masyadong pormal. Paano kaya kung Hi Kath, long time no see...teka, parang ang flirt ng dating nun!" Bulong ko ulit.

"Bahala na nga." Bulong ko. Lumabas na ako sa restroom.

Paglabas ko, nanigas ako sa kinatatayuan ko nang makita ang isang magandang babae.

Paglabas ko, nanigas ako sa kinatatayuan ko nang makita ang isang magandang babae

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Shit.

"KAAATH! OMG!" Biglang sigaw ni Julia kaya natauhan ako. Linabas ko lahat ng tapang ko at pumunta sa table namin, napatingin naman siya sa'kin.

"Kath! Alam mo ba 'tong mga kupal nato? NBA players na sila!" Sigaw ni Julia.

"Wow, that's great." Nakangiting sagot niya.

"Si Daniel nga ang laging MVP. My god sobrang halimaw niyan sa court!" Napa-facepalm ako sa sinabi ni Julia.

"Ah hehe Julia hindi naman.." Nahihiyang bulong ko. Tumingin ako kay Kath at nakatingin din siya kaya sabay kaming napaiwas.

"Awkward.." Bulong ng mga kupal.

"Tara na nga, upo na tayo! Kanina pa gutom tong mga to." Sambit ni Julia.

Habang kumakain kami, lagi akong napapatingin sakanya. Ang laki na ng pinagbago niya. Hindi na kagaya ng dati na kaya ko siyang yakapin kahit kelan ko gusto, ibang-iba na ngayon. Parang ang hirap niya nang lapitan.

Nang matapos na kaming kumain, naglakad-lakad kami. Nagpahuli kami ni Tres sa likod nila.

"Bro, laki ng pinagbago niya no?" Tanong ni Tres.

"Ang sosyal na. Halata mong successful na siya." Dugtong niya.

"Oo nga.." Tanging nasagot ko.

"Pero mas lalo siyang gumanda. Shit napanganga nga ko kanina---"

"Gusto mo ba kong makitang magalit ngayong araw?" Pagbabanta ko kaya napatigil siya.

"Joke lang naman." Bulong niya.

"Eh ano na nga plano mo? Tititigan mo nalang likod niya? Okay ka na diyan?" Sunod-sunod na tanong niya.

"Ang hirap eh." Bulong ko.

"Tss. Mahina ka pala, tol."

"Oo di ako pang-sabungan eh."

"Nagsisimula ka nanaman ha, Daniel." Galit na sabi niya na ikinatawa ko.

"Tara pahinga muna tayo." Sambit ni Julia sabay upo.

Nagpahinga muna kami saglit pero maya-maya..

"Alis lang kami ni Dos ah. Bibili lang kami ticket sa sine. Bye guuuys!" Pamamaalam nila kaya naiwan kami dito ng mga kupal at si Kath.

"Teka mga kupal, may bibilhin lang ako." Pamamaalam din ni Tres.

"Ano? Feeds?" Pagbibiro ko, minura niya lang ako.

Nanadya ba sila?

"Teka lang. Maghahanap lang akis ng papi! Babush!" Pamamaalam din ni Singko.

"Sige Singko! Isusumbong kita sa boyfriend mong Nigerian!" Pagbabanta ko.

"Go on! Break na kami hihi." At tuluyan na siyang rumampa palabas.

"A4hH D4nIeL, mAy pUPUnt4hAN---" pinutol ko ang sasabihin ng jejemon na to.

"Ayusin mo muna pagsasalita mo."

"Okay. Bro, alis muna ako ha." Napanganga ako nang makapagsalita siya ng di jejemon.

"Saan ka naman pupunta?"

"Natatae ako eh. Hehe." Sagot niya sabay takbo palayo. Hays. Naiwan nalang kaming dalawa dito.

"Uh...alis din muna ako ah.." Naiilang na sabi ko.

"Pati ba ikaw, iiwan rin ako?"

"Sino ba unang nangiwan.." Wala sa sarili kong bulong. Hala! Ano ba 'yung sinabi ko?!

"Sige. You can go." Sambit niya sabay akmang tatayo pero pinigilan ko siya at yinakap.

"Kath, I missed you."


_________

Author:

Di pa 'to ang last chap! May nakahula po ng role ni Leonardo. Hindi siya sakto-saktong pero malapit na dun kaya cinonsider ko na rin. Natawa ako dun sa nag-comment ng hardinero HAHAHAHAHA. Btw, malalaman niyo role niya sa next chap. Love y'all!

Daniel the Virgin Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon