Chapter 19

1.3K 32 24
                                    

Kath's POV

"My dear students, I have an announcement to make."

Natahimik ang lahat nang may magsalita sa speaker, I assume it's Miss Principal.

Pati kami ni Daniel na naghaharutan ay napatigil din.

"On Saturday will be your Senior's Night! Go buy your fancy dresses and suits now. I'll be keeping an eye for all of you. See you."

Nagsigawan ang lahat. Isa ito sa mga inaabangan ng mga estudyante lalo na yung may mga lovelife.

"Excited ka ba?" Tanong ni Daniel.

"Kung isasayaw mo ko pag-sapit ng 12am."

"Bakit kailangang 12am? Di ba pwedeng isayaw kita mula 10pm hanggang 12am? May iba ka bang gustong makasayaw? Ano, si Dos nanaman?!"

"Tungaw. 12am lang pwedeng magsayaw ang mga couples pag Senior's Night. Mula 10pm hanggang 11:59pm, kailangan iba isayaw mo. That's the rule."

"Di pa naman tayo couple diba? Hehehe kaya pwede kita isayaw mula 10 hanggang 12."

Binatukan ko siya.

"Hindi pala tayo couple ah! Sige pagsapit ng 12, si Dos ang isasayaw ko kasi di tayo couple diba." Galit na sambit ko.

"Tsk. Bakit kasi may ganung rule pa?!"

"Kausapin mo si principal sige." Walang gana kong sagot.

"Hays edi sino isasayaw ko pag 10 na?"

"Si Julia nalang para di ako magselos hihi."

Tumawa naman siya at ginulo ang buhok ko.

"Ikaw, sino isasayaw mo?"

"Depende, kung sino gwapo.." Pagbibiro ko napapoker face tuloy siya.

"Joke lang HAHAHAHA"

"Ikukulong kita sa CR para walang makasayaw sa'yo." Seryosong sambit niya.

"Magkulong nalang tayong dalawa sa cr hihihi." Bulong ko. Ang landi namin! HAHAHAHA

Habang nagtatawanan kami, naalala kong ipapakilala ko pala dapat si Daniel kay Daddy.

"Uhm Daniel.."

"Yes, Kathy ko?" Damn.

"Gusto ka daw makausap ni Daddy."

"Kelan daw?"

"Mamaya."

"Okay."

"Eh kasi Daniel...yung daddy ko medyo gangster. Mafia boss ata yun noon. Baka pag nagkamali ka ng sagot di ka na makauwi ng buhay."

"Tss mafia boss lang naman pala.." Nakangiting sambit niya.

Maya-maya napanganga siya.

"ANO?! MAFIA BOSS?!" Ngayon lang nag-sink in sakanya. Tumango lang ako.

"P-pwedeng b-bukas nalang?" Nauutal na tanong niya.

"Ngayon na."

"Bukas nalang."

"Ngayon na sabi."

"Bukas nalang please?"

"Ngayon na, para matapos na."

Sa huli, sumuko na siya at pumayag na ngayon siya makikipagusap kay daddy.

***

Andito na kami sa tapat ng bahay.

Daniel the Virgin Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon