Chapter 27

1.2K 28 8
                                    

Daniel's POV

"Love, pakagat." Sambit ko habang nakatingin sa sandwich na kinakain niya.

"What the hell, Daniel! Bastos ka talaga!" Sigaw niya

"Yung sandwich kako, pakagat. Pero kung gusto mo, willing akong kagatin ka.."

"Che! Oh. Kagat na" sabi niya sabay abot sakin ng sandwich

Ilang oras nalang, pwede na umuwi sa bahay si Kath at makakapag-mall na kami.

***

Nagdoorbell na ako sa bahay nila. Pupunta kami ngayon sa mall para mamili ng mga damit at bagay-bagay para kay baby Matthew.

"Doc Montereal." Bati ko sa daddy ni Kath na kakalabas lang ng gate nila.

"Oh, Ijo. Nasa taas si Kath, di makababa."

"Po? Bakit po?"

"Basta akyatin mo nalang dun." Nagpaalam na siya kaya pumasok narin ako.

"Oh Daniel! Ang gwapo gwapo mo talaga! Hmm. Ang bango mo pa!" Bati ng mommy ni Kath. HAHAHAHA ang cute eh no.

"Tita, si Kath po?"

"Tita? Anong tita? Di kita pamangkin ah, son-in-law kita. Mommy Karen ang itawag mo sa'kin."

Natawa naman ako. Ang kalog ni tita----mommy.

"Opo, m-mommy Karen."

"By the way, nasa taas si Kath. Yang unang pinto sa taas. Alagaan mo muna siya ha, aalis lang ako."

Tumaas na ko at dahan-dahang binuksan ang pinto.

"Kath?" Tawag ko sakanya.

May narinig akong ungol sa ilalim ng kumot. Lumapit ako doon at tinignan kung ano ang nangyayari. Shit, pinagpapawisan si Kath. Hinipo ko ang noo niya, ang taas ng lagnat!

Bumaba ako para sabihin kay tit---I mean mommy.

"Umakyat ka muna doon, bibili lang ako ng gamot." Sambit nito.

Umakyat ako at kumuha ng towel at tubig, linagay ko yun sa ulo niya at tinabihan siya.

"Thank you." Bulong niya sabay hawak sa kamay ko.

"Inaaraw-araw mo ata pagpapaalala sa'kin ah."

"Sorry, di tayo nakapag-mall.."

Humiga ako sa tabi niya at yinakap siya.

"Ano mas okay na ba pakiramdam mo ngayon?" Tanong ko. Tumawa siya ng mahina.

"Parang mawawala na yata lagnat ko." Sagot niya sabay yakap din sakin.

"Get well now, love."

Hinalikan ko siya sa ilong. Hahalikan ko na sana siya nang kumontra siya.

"Hep! Bawal muna ang kiss, baka mahawa pa kita."

Ngumiti ako.

"Sige boss, hindi na muna. Pero..."

Di ko siya sinunod, kiniss ko parin siya pero smack.

"Pasaway ka talaga, Hugh! Pero.."

Nagulat ako nang halikan niya rin ako ng smack.

"Gusto mo sabay tayong magka-sakit?" Nakangiting tanong ko.

"Ikaw gusto mo?" Nakangiting tanong niya rin. Tumango ako.

Dahan-dahan akong lumapit sakanya at hinalikan siya sa labi. Damn, ramdam na ramdam ko ang init ng katawan niya.

"Ah anak et----Dios ko Maria!!!" Napatigil kami nang sumigaw ang mommy niya. Napatayo tuloy ako. Nakakahiya!

"Sorry po, ti---mommy Karen.."

"H-ha? H-hindi sige continue niyo na yang loving loving niyo. Hehe, enjoy mga anak!" Sambit ni mommy Karen.

Nang umalis na ang mommy ni Kath, umupo ulit ako sa tabi niya.

"Continue daw love, pano ba 'yan.." Pang-aasar ko.

"Heh! Next time nalang! Kita mong nagpapagaling pa ko oh."

"Sabi mo 'yan ah. Next time." Nakangising sambit ko sabay baba para kunin kay mommy Karen 'yung gamot.

"Oh eto. Di mahilig sa gamot 'yang future asawa mo kaya gusto niya laging may juice na kasabay yung mga medicines." Pahayag niya.

Nagtimpla ako ng juice para kay Kath at agad na tumaas. Inabot ko sakanya yung gamot.

"Salamat, love."

Maya-maya din, nakatulog na siya. Bumaba muna ako para magpaalam kay Mommy Karen kasi daw may pupuntahan siya.

"Kamusta 'yung kissing portion niyo kanina? Enjoy ba?" Pang-aasar niya.

"Enjoy na enjoy po" pagbibiro ko din.

"Sige son-in-law kong gwapo, bantayan mo si Kath ha."

"Sige po mommy Karen." Pamamaalam ko.

Nang makaalis na ang mommy niya, tumingin-tingin ako sa bahay nila. Puro pictures ni Kath, mga graduation pictures. Sa nakikita ko, only child lang pala siya. Pero sa tingin ko, di naman siya naging lonely kasi parang kapatid niya na rin si Julia.

Lumibot pa ako. Nahagip ng atensyon ko ang isang litrato. May kasamang lalaki si Kath, mukhang di naman niya kapatid 'yun dahil wala naman siya sa mga family pictures nila. Mukhang kasing edad lang namin 'to.

"May payakap-yakap ka pa sa Katherine ko.." Bulong ko sa litrato nila.

Tinitigan ko yun ng mabuti, napatigil ako. Mukhang pamilyar siya, parang nakita ko na kung saan pero hindi ko matandaan. Ay ewan!

"Love.."

Napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Kath. Pababa siya sa hagdan kaya agad ko siyang tinulungang bumaba.

"Pasaway ka din, Kath. May lagnat ka pa, diba sabi ko magpahinga ka muna?"

"Eh akala ko kasi iniwan mo na ko."

"Hinding-hindi ko gagawin 'yun." Bulong ko.

"Promise?"

"Promise."

Umupo kami sa couch, nakahiga siya sa lap ko habang hinahaplos ko ang buhok niya.

"Omg Daniel! May naramdaman akong sumipa!" Sigaw niya sabay hawak sa tiyan niya.

"Ha? Dadalhin na ba kita sa ospital?!" Nagpapanic kong tanong.

"No! Sumipa si Matthew! Tignan mo!"

Linagay ko ang tenga ko sa tiyan niya, oo nga! Ngumiti ako ng malapad.

"Nag Kung Fu si baby Matthew! Ang galing!" Sigaw ko habang pumapalakpak.

"Baliw!" Natatawang sambit niya sabay palo sa'kin. Bugbog sarado talaga ako kay Kath, baka pati kay Matthew. Baka gamitan ako ng martial arts nitong bata 'to.

"Tara na, shopping?" Nakangiting sambit niya.

"May lagnat ka pa, love!"

"No, i'm fine now."

"No. Baka pag lumala yang sakit mo, di lang sumipa si Matthew baka manuntok na din 'yan. Di pwede."

Nag-pout naman siya. Ang cute!

"Lapit lang naman ng mall eh." Nakasimangot na bulong niya.

"Okay fine, sige." Pagsuko ko sa kacute-an niya.

"Yeeeey thank you!!!" Sigaw niya sabay halik sa pisngi ko.

Nagmadali siyang umakyat at nagpalit ng damit. Ganun talaga, pag gusto ni misis kailangang sundin.

Happy wife, Happy life. HAHAHAHAHAHA.

Daniel the Virgin Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon