Chapter 29

1.2K 26 17
                                    

Kath's POV

Pag-akyat ko sa kwarto ko, kinuha ko agad 'yung pinamili namin sa mall. OMG.

I am so excited and I just can't hide it. Char! Kinuha ko yung camera sa drawer at pinicture-an yung mga damit para kay baby Matthew. Ganito pala pag first time maging nanay.

Nang makahiga ako sa kama, nakatulog na agad ako. Dala ng pagod.

***

"KAAAATH!" Sigaw ni Julia sabay yakap sakin.

"Ouch, Juls. Naiipit si Matthew!" Sita ko.

Nasa university kami ngayon, last day. Yes, pauso tong school namin eh. Naka-graduate na kami tapos may last day pa.

"Yung jowa natin nandon." Sambit niya sabay turo sa mga lalaking naka-jersey. Jusko Paano?!

"Anong gagawin nila?" Tanong ko

"Kita mong naka-jersey diba, malamang magbabasketball."

"Pati si Daniel, magbabasketball?!"

"Si Daniel pa ba? Master na master niya na yan. Araw-araw ba namang nanonood ng basketball 'yan dati para sa mga fafables nya HAHAHAHA!"

Umupo na kami sa bleachers.

"GO BEBE KO! GO DOS MY LOVE!" Sigaw ni Julia. Nagpalipad naman ng flying kiss si Dos. Shet ang tamis.

"OY DANIEL! MAHAL KA RAW NI KATH!" Sigaw ni Julia kay Daniel. Napa-facepalm tuloy ako.



Daniel's POV

Team A kami nila Dos, Tres, Quatro at Singko. Panalo na kami, may manok kami dito eh.

"Tres, idaan mo na lang sa sabong." Pagbibiro ko, di tuloy ako pinansin. HAHAHA pikon.

"Oh singko! Bakit kasali ka samin?!" Tanong ni Dos.

"Masama ba fafi? Dali na, gora niyo na akes!"

Naalala ko tuloy yung sarili ko sakanya noon HAHAHAHAHA.

"Haynako Singko wag kang lalamya-lamya mamaya ha." Sambit ni Tres.

"Teka, di ba marunong magsalito si Kiko?" Tanong ko kasi kahapon ko pa napapansing walang imik yan.

"Nako, papi Daniel. Wag mo nang pagsalitain yang jejemon na 'yan. Myghodness!" Sigaw ni Singko.

"j3jEm0N?! CnUng JEj3mOn d2?!" Tanong niya. Hayup, jejemon nga!

"Ikaw phoeszx." Sagot ni Tres.

"gW4P0 kO n4mANg j3j3MOn!!! HhmP..."

WTH. Ang sakit sa ulo.

"Haynako! Ayan nanaman siya.. Nasisira beauty ko sa'yo jejemonster!" Bulong ni Singko.

Maya-maya pumito na. Tumingin muna ako kay Kath.

"GO LOVE!" Sigaw niya. Napangiti ako, let's do this!



Kath's POV

Nagsisimula na. Shet na malupet! Si Singko ang galing mag-shoot! Nakakagulantang.

Si Tres naman parang nakikipagsabong lang, si Dos magaling din. Si Quatro, laging nagjeje pose pag nakaka-shoot mygod!

Ayan na si Daniel! He's holding my heart----I mean the ball. Tumingin muna siya sa direksyon ko at shinoot yung bola.

"3 POINTS FOR DANIEL!"

Hala omg! Naka-shoot siya! Nagwala kami ni Julia.

"Para sa'yo yan, Kath"

Napatigil ako nang marinig ko ang boses niya. Shit nakakahiya! Hiniram niya pa yung mic para sabihin yun.

"Bes haba ng hair, baka matapakan ko." Pagbibiro ni Julia.

Nagiging intense na yung laban, iniiwasan ko ngang magwala kasi hello? Buntis kaya ako.

"GO DOS GO DOS!!!" Sigaw ni Julia habang nagtetwerk. HAHAHAHA.

Magshushoot na sana ni Dos yung bola nang matumba siya.

"HALA SI DOS DUMAUSDOS!!!" Sigaw ni Singko na abot hanggang kabilang building.

Maya-maya, nakatayo rin agad si Dos kaya sumigaw ulit ang lahat.

"GO UNO DOS TRES QUATRO SINGKO!!!" Sabay-sabay na sigaw ng lahat.

Sa huli, nanalo sila! Naghiyawan ang lahat.

"Y3z!!! NaN4L0 kAm3!!!" Sigaw ni Kiko.

Bumaba kami sa bleachers at inabutan ang mga boyfriends namin ng tubig.

Nang makalapit na kami, yinakap agad ako ni Daniel.

"Galing mo, love!" Sigaw ko.

"Wala bang premyo?" Nakangiting tanong niya.

Sa tuwa ko sa pagkapanalo nila, hinalikan ko siya sa cheeks. Naghiyawan naman sila.

"Bigyan din nating lahat ng kiss si Tres na nakipagsabong lang!" Pagbibiro nila. Natawa naman kaming lahat.

Hinawakan ni Daniel ang kamay ko at pumuntang canteen. Hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya nang mapansing maraming nakatingin sakanyang babae.

"Oh my god! Ang hawt." "Eng serep nye." "Pabuntis din kaya ako sakanya?"

Napatigil ako sa narinig ko. Papatulan ko na sana sila nang pigilan ako ni Daniel, hinawakan niya ako sa bewang.

"I love you, misis ko." Malakas na sabi niya sa harap ng mga babae.

"Nakikita niyo tong lalaking 'to? He's mine, mine only. Maghanap nalang kayo ng iba." Sambit ko sakanila sabay hila kay Daniel sa labas.

Paglabas namin, ginulo niya ang buhok ko.

"Napakaselosa talaga ng love ko." Bulong niya.

"Masyado mo kasing ginalingan sa basketball kanina, dumami tuloy kaagaw ko sa'yo."

"Kaagaw? Wala kang kaagaw, ikaw lang naman gusto ko eh."

Enebe nakakakilig.

"Tara dito muna tayo." Sambit niya sabay upo sa bench. Pinatong ko ang ulo ko sa balikat niya.

"Plano ko sana, love. Pag nanganak ka na, bubuo tayo ng business." Ani Daniel.

"Ha? Anong business naman?"

"Restaurant? Chef ako, Business Woman ka."

Napangiti ako.

"Yes, let's do that."

"But Kath, pwede ba kitang tanungin?" Napatingin ako sakanya.

"Ano?"

"Gusto mo ba kong makasama habang-buhay?"

"Oo naman. Bakit mo ba tinatanong?" Nagtatakang tanong ko.

"For better or for worst? In sickness and n health?"

WHAT.

"Yes, love."

"Till death do us part?"

Shit ano 'to?

"Yes, till death do us part."

"Will you marry me, Katherine Claire Montereal?"


OH MY GOD.

Daniel the Virgin Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon