Kath's POV
"GOOD MORNING MOMMY AND DADDY!" Masiglang bati ko habang pababa sa hagdan.
"Ang hyper ng anak ko ah."
Nginitian ko sila, si daddy parang weird na weird sa'kin.
"Anak, once a day lang yung gamot ah. Baka nasobrahan ka kaya ka ganyan." Sambit ni daddy kaya tumawa ako.
Sa tingin ko nga nasobrahan ako. Pero hindi sa gamot, sa pagmamahal. Hehehehe enebe.
"Oo nga pala, anak. Wala ka pa saming pinapakilalang ama niyan ah. Wag mo sabihing one night stand 'yan.." Ani Daddy.
"Opo.."
"Ano?!?!"
Uh oh. Galit si daddy.
"Chill Daddy. Pinanagutan niya ako." Medyo kumalma naman si Daddy.
"Ipakilala mo sa'kin yan, Katherine. Kailangan naming mag-usap."
Paktay ka na, Daniel.
***
"Nagpaganda ka nanaman." Bulong ni Daniel.
"Lagi naman akong maganda." Bulong ko rin sabay flip hair.
"Tss aanhin mo pa yang ganda mo kung di ka naman sa'kin mapupunta."
Hala bumabanat.
"Sorry may Dos na ko eh." Pangaasar ko.
"Sinalo nga kita tapos ako naman yung di mo sinalo ngayon. Kathy ko naman."
"Di kita kayang saluhin, okay?"
"Tss." Bulong ni Daniel.
"Kasi pareho tayong nahuhulog duh." Banat ko din.
Yung sungit face niya naging kilig face.
"Katherine!" May epal nanaman huhuhu.
"Dos." Bati ko sakanya.
"Dumistansya ka.." Sambit ni Daniel habang nakatingin kay Dos.
"Pwede bang iwan mo muna kami ni Katherine?" Pakiusap ni Dos kay Daniel.
"Hindi." Tipid na sagot ni Daniel.
"Daniel Warren Hugh." Pananakot kaya napilitan siya.
"Dumistansya ka kung ayaw mong mapuruhan kita. Boom rhymes ABC 123." Sambit ni Daniel. Parang engot naman 'tong future husband ko.
"Shhh layas na nga, Daniel." Pangaasar ko pero nagpout lang siya.
"Kiss."
Tinampal ko siya ng mahina. Chansing pero nakakakilig hahahaha.
"Di ako aalis pag di mo kiniss." Pagiinarte niya.
"Sapak, gusto mo?"
"Okay lang sapak with kiss."
Sa paghaharot at paglalandi ni Daniel sakin, umubo si Dos. Eh andito pala siya, nakalimutan ko. HAHAHAHA.
"Aalis ka o aalis ka?" Tanong ko kay Daniel.
"Ikikiss mo ko o ikikiss mo ko?"
Anuba Daniel. Nakaka-trigger ha. Ayun, hinalikan ko na siya. But sa cheeks lang muna. Sumosobra na siya ng kiss eh.
Bago umalis si Daniel nagsign siya ng 'I got my eyes on you' kay Dos na parang binabalaan.
"Ano mo si Daniel?" Tanong niya.
"Future Husband." Sagot ko.
"Siya ang ama niyan?"
"Oo kaya sorry Dos ah."
"No it's okay. Alam ko namang umpisa pa lang, wala na kong pag-asa. Kahit saglit, napasaya mo rin naman ako Katherine." Nakangiting sambit niya.
"I'm sure naman darating na rin yung tamang babae para sa'yo. Sa gwapo mong yan!" Pagpapatawa ko to cheer him up, ngumiti naman siya.
"Thank you, Katherine." He said sabay yakap sakin.
"Oy hands-off." Singit ni Daniel.
What the heck? Saan siya galing? Doon sa likod ng poste?!
"Ano ka ba, Daniel!" Pagsaway ko sakanya.
"Sabi ko diba distansya."
"Don't worry, Daniel. Sa'yo na siya. Salamat ulit Katherine. See you around." Pamamaalam ni Dos.
Nang makalayo na siya, sinamaan ko ng tingin si Daniel.
"Bakit ka nagpapayakap don?"
"Masama ba? Tayo na ba?!" Tanong ko.
"Soon."
Namula naman ako shet.
"Pero hindi fair sa'kin yung pagyakap sa'yo ni Dos ah. Dapat yakapin mo rin ako."
Binatukan ko siya.
"Sakanya yakap, sakin batok?" Nakapout na tanong niya.
"Baka ma-overdose na ko sa kilig nito, Mister Hugh."
"It's okay, Mrs. Hugh."
DAMN DAMN DAMN.
"Kinikilig ka nanaman." Bulong niya sabay yakap sakin.
"Ang cute cute mo talaga." Bulong niya ulit sabay pat sa ulo ko.
Di ko mapigilang mapangiti. Shet ganito pala mainlove.
"Sure ka bang di ka clone ng dating Daniel? You changed a lot." Sambit ko pagkatapos ng matagal na yakapan namin.
"Love can change anything."
"So love mo ko?"
"Hindi gurl, mas bet ko si Dos."
Napanganga ako.
"Charing lang HAHAHAHA"
Binatukan ko ulit siya.
"I love you.." Bulong niya.
"Walang charot charot?" Tanong ko naman.
"Walang charot charot, Kathy ko."
Naputol ang moment namin nang mag-ring ang bell. Kung noon excited ako tuwing nagbebell, ngayon hindi na. Gusto ko pa kasi makasama si Daniel kaso magka-iba kami ng class. Sadness.
Nagpaalam na kami sa isa't-isa. This is the worst part at isa pa, history class. Pinakahate ko sa lahat.
"Kath! Kanina pa kita hinihintay!" Bungad ni Julia.
"Julia, he said I love you." Bulong ko kasi nasa harap na ang prof.
"ANO? OH MY GASH!!!" Sigaw niya kaya napa-facepalm nalang ako wtf.
"Miss Montes, what's the matter?" Tanong ng prof.
"Wala po. Hehehe sarreh."
Tumawa nalang ako ng mahina.
Di ko na inintindi yung oras kaya di ko namalayan sa lunch break na pala. Ang pinakahihintay ko.
Papalabas palang kami ng room nang makita namin si Daniel na naghihintay sa labas. Pinagbubulungan siya ng mga girls sa gilid. Damn, he's mine. Back off girls.
"Oh ayan na girl hihihi." Bulong ni Julia sabay tulak sakin papunta kay Daniel at tumakbo palayo. Hays Julia, iba ka talaga. Mabuti nalang nasalo ako ni Daniel.
"Sabi ko sa'yo eh, sasaluhin kita." Bulong niya sabay kindat.
Tinayo niya ako at hinawakan ang kamay ko. Nakatingin lahat sa amin, yung mga girls inggit na inggit sakin. Nginitian ko sila. Sorry nalang kayo, akin tong lalaking pinagnaasaan niyo.
BINABASA MO ANG
Daniel the Virgin
HumorHe's gay and he knew that he is still VIRGIN. But a stranger told him that he is the father of their child. What will he gonna do? Genre: Humor #4 highest rank on Kathniel #34 highest rank on Humor