Daniel's POV
Narinig kong nagbulungan ang mga tao sa paligid. Tinulak ko siya.
"What now, Daniel?! Pagkatapos mong enjoyin yung halik ko, itutulak mo lang ako?" Sigaw niya.
"C'mon, alam kong na-enjoy mo yun.." Bulong niya.
Nakatingin sa'min lahat, may mga kumukuha pa ng litrato. Sa dami ng tao, isang babae lang nabaling ang tingin ko. Si Kath.
Ang worst pa, umiiyak siya. Gusto ko siyang yakapin pero nawala lahat ng tapang sa katawan ko.
Kath's POV
Damn, ang sakit.
"Kath, don't worry hindi makakauwi ng buhay yang si Kyla." Bulong ni Julia sabay pat sa likod ko.
"Tama na. Gusto ko nang umuwi." Matamlay na sambit ko sabay alis doon.
Sabay kaming sumakay sa kotse ni Julia. Wala na akong pakialam sa event, basta gusto kong umuwi.
Tahimik buong biyahe. Alam na kasi ni Julia na kapag galit ako, ayoko ng kinakausap ako.
"Bye, Kath. Cheer up okay?" Pamamaalam ni Julia nang makarating na ako sa bahay. Ngumiti ako ng pilit.
Pag pasok ko sa kwarto, umiyak agad ako. Shit bakit ba ang sakit?
Hindi ko pa naman alam kung ginusto yun ni Daniel eh. Baka naman si Kyla ang humalik. Diba?
***
Normal nanaman ang lahat. Normal na pasok. Pero di parin kami ayos ni Daniel. Tinry ko siyang tawagan pero hindi sumasagot, kinakabahan na tuloy ako.
"Hi Kath."
May bruha nanaman sa harap ko. Puto't kutsinta naman oh!
"Nag-enjoy ka ba kahapon?" Pang-aasar niya.
"Ikaw? Nag-enjoy ka bang landiin yung boyfriend ko?"
"Yes I enjoyed it. I want more." Malanding sambit niya. Di ko na napigilan ang kamay ko at sinampal ko na siya.
"You want more? You want more sampal?!" Galit na tanong ko.
"Slap me all you want but---"
Slap her all I want pala ha. Sige. Sinampal ko siya sa kaliwa at kanan.
"I guess this is better, mas okay nang masampal physically kesa masampal emotionally right?" Nakangiting tanong niya.
"Ano?!"
"May nalaman ako about your boyfriend kuno." Natatawang sambit niya.
Natahimik ako.
"He's a gay back then diba? But now you thought he's a guy na." Conyo at maarteng pahayag niya. Ano bang pinagsasabi nito?!
"Sa tingin mo ba nagpakalalaki na yang Daniel mo?" Tanong niya sabay tawa.
"He changed because of me. Tigilan mo na kami, Kyla."
"Changed because of you? O changed because of your baby?"
What.
"Natahimik ka ano? Kasi totoo?"
"Shut up." Sambit ko sabay akmang aalis pero pinigilan niya ako.
"I saw him with a guy. Kung sa tingin mo nagsisinungaling ako, ask him. Ayan na siya oh." Sambit niya sabay turo kay Daniel.
"Bye, bitch." Pamamaalam niya.
Tumigil siya sa harap ko. Shit parang umurong yung dila ko. Kaya ba hindi niya ako sinasagot kahapon pa?
"Kath.."
"Totoo ba? M-may kasama kang lalaki kanina?"
Hindi siya nakasagot.
"Totoo nga?"
"Totoo pero---"
Siya naman ang sinampal ko ngayon. Umalis ako sa harap niya at nagkulong sa CR.
***
"Ilang sundae gusto mo?" Tanong ni Julia.
"Wala akong gana."
"Ano ka ba naman Kath. Naniwala ka kay Kyla? Eh bruha yun eh, gusto niya kayong paghiwalayin."
"Hindi Julia eh. Si Daniel na mismo nagsabi."
Sabi ko na, dapat di ako umasa. Lumaki siyang may pusong babae at impossible namang mabago ko 'yun.
"What the fuck." Napalingon ako kay Julia nag mag-mura siya. Tumingin ako sa tinitignan niya.
Nasa bulletin board yung picture ni Kyla at Daniel.
"Omg bagay sila!" "Couple of the Night sila diba?" "Nakakakilig."
"Manahimik nga kayo!" Sigaw ni Julia sakanila sabay hila sakin palayo doon.
Tinipon kami sa quadrangle para i-congratulate daw yung mga awardees kagabi sa Senior's Night. Blah blah.
"Most importantly, our Couple of the Night. Mister Daniel Hugh and Miss Kyla Alcantara."
Nagpalakpakan at hiyawan ang lahat. Nag-speech ang mga hayup.
"Ang haliparot ni Kyla. Pigilan mo ko, Kath. Pigilan mo ko masasabunutan ko yan." Bulong ni Julia.
"Di na kita pipigilan."
Umakyat si Julia sa stage at sinabunutan si Kyla. Pero syempre imagination ko lang yun.
Nagbalikan na ang lahat nang matapos na ang bullshit na to.
"Kath!" "Kath!" Napalingon ako nang may tumawag sa'kin. Not just one, but two.
Si Daniel at Tres. Si Daniel sa kaliwa at si Tres sa kanan.
"Pwede ka bang makausap?" Sabay na tanong nila. So ano to, sabayang pagbigkas?
Tinignan ko sila pareho.
"Sige Tres." Sambit ko sabay tabi kay Tres. Sabay kaming umalis sa harap ni Daniel.
Nang makalayo na kami kay Daniel. Umiyak nanaman ako.
"Kath, bakit ka umiiyak?" Tanong ni Tres sabay pat sa likod ko.
"S-sorry Tres ah." Sambit ko habang nakangiti ng mapait.
"It's okay, Kath. Andito lang ako." Bulong niya sabay yakap sakin.
Tama nga sila. Pag natikman mo ang pag-ibig, nakakaadik umasa.
BINABASA MO ANG
Daniel the Virgin
HumorHe's gay and he knew that he is still VIRGIN. But a stranger told him that he is the father of their child. What will he gonna do? Genre: Humor #4 highest rank on Kathniel #34 highest rank on Humor