Prologue

307 24 32
                                    

"Kevin? Ikaw? Paano?" kinakabahang tanong, It's been 5 years since I last saw him. Naging mature ang mukha niya ngayon at base sa suit niyang suot halata ang magandang hubog ng kanyang katawan.

Hindi ako makapaniwala na siya ang sinasabi ni Ma'am Dorothy na magaling na lawyer sa buong Asia.

"Yes I'm Attorney Kevin Jayce Arnejo. The one and only" he said.

"I know I've hurted you so bad, kung maghihiganti ka sa akin, please lang huwag mong idamay ang trabaho ko" matapang na sabi ko. I saw him smirk when I said those words

"Come on, Kaya ka ba nagtratrabo dahil naubos na ang perang binigay sayo ng lalaki mo?"

Hindi ako kumibo sa tanong niya. Bahala na siya kung ano man ang isipin niya sa'akin.

"Wala kang alam Kevin" Nakita ko ang pag igting ng kanyang panga dahil sa sinabi ko.

Akmang tatalikuran ko na sana siya ng hilahin niya ako papalapit sakanya.

"Where do you think you're going?" galit na tanong niya. Halos manlaki  ang mata ko ng bigla niya akong siilin ng halik. Awtomatiko akong napapikit at tinugon ang kanyang mga halik. Aaminin ko sa sarili ko na hanggang ngayon mahal ko parin siya pero alam kong hindi na siya ang dating Kevin na kilala ko. Hindi na siya ang dating Kevin ko.

Di nagtagal ay siya na mismo ang kumalas  sa halik.

"Never leave me again, Minute. Nagsisimula palang ako." mariin niya sabi.



Remembering HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon