Kabanata 2

174 15 21
                                    

"Waaaah daga damn you! huwag kang lalapit!" sigaw ko ng makakita ako ng daga. Dali dali naman akong umakyat sa kama. May narinig akong kumatok sa pinto kaya dahan dahan akong tumayo baka kasi lumapit saakin ang daga.

Nang makarating na ako sa pinto binuksan ko ka agad ito, bumungad saakin ang galit na mukha ng land lady.

"Pwede bang tumahimik ka, kanina ka pa sigaw ng sigaw dami ng nabubulabog sa ingay mo! patulugin mo naman kami!" sigaw nito saakin.

"Hoy manang! huwag mo akong masigaw sigaw. Kasalanan ko bang madaming daga itong bulok mong apartment huh? Sinong matinong tao ang makakatulog dito kung puno ng daga at ipis itong bulok mong apartment" ganting sigaw ko sa land lady. Qiqil na si ako.

"Aba't ang bastos mong bata ka! bukas na bukas umalis ka na dito" gigil na sabi nito saakin.

"Aalis talaga ako dito sa bulok mong apartment che!" mataray kong sabi at padabog na isinarado ang pinto.

Napaupo ako sa sahig ng tuluyan ko ng naisarado ang pinto. Lord! bakit nangyayari ito saakin, ibalik mo na ang dating buhay ko.

Nilibot ko ang tingin sa buong silid, hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwalang nangyayari ito sa buhay ko. Tumayo ako at lumapit sa mga chanel bag ko. Ito nalang ang mga natitirang gamit ko, beninta ko na kasi ang ibang louis vuitton na gamit ko.

"HINDI KA ba nakatulog kagabi? ang laki ng eyebags mo" usisa ni Charmayne ng makita niya ang mukha ko. Paano ako makakatulog doon sa apartment? puno ng insects.

Wala na akong matitirahan ngayon dahil pinaalis na ako nung kupal na landlady.

"Bes may alam ka bang rentahan ng apartment?" tanong ko sakanya. Nakita kong nagsalubong ang kanyang kilay dahil sa tanong ko.

"Bakit? pinalayas ka ba ni tita?" usisa niya. Umiling na lamang ako.

"Saan mo ako dadalhin?" tanong niya ng hinila ko siya. "Basta sumunod ka nalang" sabi ko.

Ayaw kong sabihin sakanya ang sekreto ko dito sa campus baka may makarinig pa na chismosa.

Dinala ko siya sa coffee shop na malapit sa UPrince University.

"Bakit ka pala naghahanap ng apartment" usisa ni Charmayne at ininom ang frappe niya.

Huminga muna ako ng malalim bago sumagot. "Nalugi ang negosyo namin.... Umalis muna sina dad papuntang Australia at naiwan ako dito" mahinang sabi ko.

"WHAT?" hysterical na tanong nito kaya lahat ng customer napatingin sa gawi namin.

Tinikom ko ang kanyang bibig gamit ang kamay ko "Kalma ka nga, maka what ka diyan parang ikaw yung naghihirap ngayon" sabi ko.

Tinanggal naman nito ang kamay ko sa bibig niya at nagsalita uli. "Nakakakain pa rin ba 3 times a day? saan ka natulog ka gabi?" nag aalalang tanong nito. Napangiwi naman ako sa tanong niya.

"Oa mo naman, hindi naman ako naging pulubi bes. Nakakain parin naman ako" sabi ko.

"Eh saan ka natulog kagabi?" usisa niya. Naalala ko naman yung huklubang land lady.

"Sa isang cheap na apartment. Kaso pinalayas ako" nakangusong sabi ko.

"Bakit?"

"Eh pa'no sinigaw sigawan ako kagabi kaya pinatulan ko, nakakagigil naman kasi. Bulok naman apartment niya" wika ko at ininom din ang frappe ko.

"Sa sobrang kamaldita mo pati land lady pinatulan mo" sabi nito saakin habang naka cross ang mga braso.

"Nahiya naman ako sayo. Wala ka ba talagang alam na malapit na apartment dito?" tanong ko. Wala akong matutuluyan mamayang gabi.

"Wala talaga bes, pero you can stay naman sa bahay ko" sabi nito saakin.

"Talaga?" nakangiting tanong ko. Tumango lamang siya "Wala atang nakatira doon dahil kay mama ako tumutuloy ngayon. Hindi mo na rin kailangan mag bayad" sabi nito na nagpalaki sa mata ko.

"Thank you bes" pasasalamat ko at nilapitan siya para yakapin. "Teka teka bitawan mo nga ako." nandidiring sabi nito.

"Maraming salamat talaga" wika ko at bumalik uli sa dating pwesto ko.

"What are for are friends diba?" naguluhan naman ako sa sinabi niya. Umaandar naman pagkatanga nitong kaibigan ko kaya binatukan ko siya.

"Ouch ba't ka nambabatok?" nakasimangot na tanong nito. "Gaga! baliktad na naman. What are friends are for yun" natatawang sabi ko.

KATAPOS ng klase namin agad kaming nagtungo sa bahay ni Charmayne. Ang sabi saakin ni Charmayne regalo daw ito ng dad niya para sa kanilang magkapatid.

Pumasok kami sa bahay, namangha naman ako ng nilibot ko ang tingin sa buong silid.

"Mahilig kang mangolection ng clock?" tanong ko nga makita kong puno ng antique na orasan itong bahay niya.

"Ah no! hindi yan sa'kin. Sa kapatid ko yan" biglang natigilan si Charmayne sa sinabi niya. "May problema ba?" concern na tanong ko sakanya. Sunod sunod naman itong umiling.

"Nauuhaw ka ba? pagtimpla kita ng juice" tanong nito, tumango na lamang ako. Umalis muna si Charmayne para ipagtimpla ako ng juice kaya naiwan ako dito sa sala.

Nabaling naman ang tingin ko sa mga picture frame. Ang cute cute ni Charmayne nung bata pa siya. Nahagip naman ng tingin ko ang isang batang lalaki sa picture, parang familiar tong batang to. Kinuha ko ang picture frame at tinitigan ang batang lalaki sa picture

"Who are you?" Nagulat ako ng marinig ko ang boses ni Kevin kaya nabitawan ko ang picture frame na hawak ko. Agad naman akong lumingon at tama nga ang hinala ko, si Kevin nga.

Nakita kong nagulat si Kevin ng makita nito ang mukha ko.

"Ano na naman ba ginagawa mo dito? sinusundan mo na naman ba ako?" tanong ko.

"Hindi kita sinusundan pamamahay ko ito. At sino nagsabi sayong pwede mong pakialaman ang gamit ko?" madiing tanong nito at nilapit ang mukha sa akin kaya napa atras ako.

"Kuya...Minute" Nabaling ang tingin ni Kevin kay Charmayne.

"Ba't nandito ang walang modong babaeng ito?" tanong nito kay Charmayne at nilayo ang mukha niya saakin.

"Kuya? bakit kuya tawag mo sakanya? what? magkapatid kayo" sunod sunod kong tanong.

Remembering HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon