Kabanata 5

133 14 15
                                    

"Hmm ang sarap, pwede ka ng maging chef" sabi ko.

I froze when I saw him looking at me. Nakalimutan kong umupo ng maayos, gosh! nilabag ko ang rule number five niya.

"Sorry" nakayuko kong sabi.

"It's okay, let's eat comfortably once in a while" sabi nito at ngumiti saakin. Totoo ba itong nakikita ko? ngumiti siya saakin? Gosh mas lalo siyang gumwapo pagnaka ngiti.

Natapos kaming kumain at ako na naghugas ng mga pinggan kahit masakit pa ang pulso ko. "Ouch" daing ko ng sumakit na naman ito.

"What happened to your wrist?" napaigtad ako ng may nagsalita sa likod. Lumingon ako at nakita ko si Kevin na nakatayo habang ang mga kamay ay nasa bulsa niya.

"I got a sprained wrist during our practice" nakangusong sabi ko.

"How could you be this careless"

"Okay lang naman ako"

"Go wait for me at the sofa. I'll give you a pain relieve cream there." natigilan naman ako sa sinabi niya. Ba't ang bait ng lalaking to?

"Leave all the dishes here, I'll take care of them." He said then iniwan ako.

Nagtungo nalamang ako sa sala at umupo sa sofa. Mayamaya lang ay lumabas si Kevin sa kwarto niya na may dala dalang first aid kit.

Naramdaman kong tumabi siya saakin at kinuha ang kamay ko para lagyan ng pain relieve cream.

Tinitigan ko lamang ang seryosong mukha ni Kevin habang naglalagay ng pain relieve cream sa wrist ko. Napaka seryoso niya, pagtripan ko kaya?

"Araay, dahan dahan naman masakit" natatawa kong sabi. "Are you making fun of me?" masungit na tanong nito.

"Ang seryoso mo kasi. Ngumiti ka naman diyan" pangungulit ko naman. Pero mas lalong nagseryoso ang mukha nito.

"Galit ka?" tanong ko, masyado namang sensitive tong lalaki na 'to.

"No" madiing sagot nito.

"Yes you are. Sorry na kasi" sabi ko at nilapit ko ang mukha ko sakanya nakita kong napalunok ito sa ginawa ko.

"Hindi ako galit" Nilayo naman nito ang mukha saakin at binalik uli ang atensyon sa wrist ko.

Napairap naman ako, sungit talaga.

"Do you mind if I ask you something?" tanong ko. "Go ahead" sabi nito habang ginagamot parin ang pulso ko.

"Why do you choose to study Laws" I asked. Tumingin ito saakin kaya kumalabog ang puso ko. Shit! ba't ang gwapo ng nilalang na ito?

"I don't like to see things that are not right. So I have always wanted to become a judge ever since I was young" seryosong sabi nito at nilagyan na ng crepe bandage ang wrist ko.

"I'm done, huwag mo lang masyadong igalaw ang wrist mo baka bumalik na naman ang sakit" sabi nito at niligpit ang first aid kit niya.

"Good night" sabi niya at iniwan ako.
Sungit talaga.

NAGISING ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Tiningnan ko ang relo ko, 6 am na.

Agad na akong bumangon para maligo. Huhubarin ko na sana ang damit ko ng nakaramdam ako ng kirot sa wrist ko. Hindi ko kayang mahubad itong damit ko dahil kumikirot ang palapulsuhan ko. What should I do?

Naisip ko naman bigla si Kevin, no way! hindi ako magpapahubad sa masungit na lalaking iyon.

Tumingin ako sa orasan ko, tumatakbo ang oras kailangan ko ng maligo baka malate pa ako. Bahala na si batman.

Nagtungo ako sa kwarto ni Kevin, huminga muna ako ng malalim bago ako kumatok. Maya maya kang ay lumabas si Kevin sa kwarto niya.

"What are you doing here?" masungit na tanong niya

Napakamot naman ako sa batok ko bago sumagot.

"May problema kasi ako, hindi ko mahubad ang damit ko.... I want you to take off my shirt." Nahihiya kong sabi.

"What?"

"Come on, parang di mo ito ginagawa dati sa mga babae mo" nakangisi kong sabi. Nagsalubong naman ang makapal niyang kilay dahil sa sinabi ko.

"So you haven't seen women's bare body in person?" malambing kong tanong at pinadaosdos ang kamay ko sa leeg niya pababa sa dibdib niya. Nakita ko namang namumula ang tenga niya.

Kinuha nito ang kamay ko sa dibdib niya at tiningnan ako ng masama.

"What are you doing? You are girl. You should not talk and come to me like this. " masungit nitong sabi.

"Ang seryoso mo naman, nagjojoke lang naman ako. Don't worry may dala naman akong sleeping eye mask para di ka makasilip" sabi ko.

"Sige na please" nakanguso kong sabi at ngumiti sakanya.

"Alright" tipid nitong sabi. Binigay ko naman sa'kanya ang sleeping eye mask at sinuot niya ito.

"You can't see anything right, now?" tanong ko ng maisuot na niya ang eye mask. Nakita kong tumango siya kaya dahan dahan kong dinala ang mga kamay niya sa damit ko.

Napalunok ako ng maramdaman kong dahan dahan niya hinuhubad ang damit ko. Nararamdaman ko ang kamay niya sa balat ko. Shet kalma lang puso ko.

Nang mahubad na niya ito ng tuluyan agad akong tumakbo papasok sa kwarto ko. Napahawak ako sa dibdib ko ng naramdaman kong mabilis ang tibok nito

BAGO ako lumabas ng kwarto luminga linga muna ako sa paligid. Ayaw kong makita si Kevin ngayon, nahihiya ako sa nangyari kanina.

Napansin kong tahimik ang buong bahay kaya dahan dahan akong lumabas sa kwarto at tuloy tuloy na naglakad palabas ng bahay.

Nakahinga lamang ako ng maluwag ng tuluyan na akong makalabas.

Nagulat ako ng nay bigla humablot sa bag ko. "Hey, that's my bag, Kevin" sabi ko ng makita ko siya hinablot ang bag ko sa balikat ko. Parang wala lang itong narinig at tuloy tuloy lang itong naglakad at pumasok sa kotse niya.

"Hoy yung bag ko!" galit kong sigaw. Nakita kong binaba ni Kevin ang salamin ng kanyang kotse at tumingin ito saakin.

"Get in" utos niya.

"Ayaw ko. Give me my bag" masungit kong sabi at inirapan siya.

"I have a lecture at 8 a.m, kung tatayo ka lang diyan. Iiwan na kita" masungit na sabi nito at isasarado na sana ang salamin ng pigilan ko siya.

"Fine!, sasakay na ako"

Remembering HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon