Kabanata 1

225 19 73
                                    

"Kita mo yung lalaking gwapo?" I said at tinuro sa kaibigan ko ang gwapong lalaking nakaupo sa may bench.

"Gwapo diba?" tanong ko, tumango lamang siya at binalik uli ang atensyon sa binabasa niyang libro..

"Ano ka ba! mamaya ka na magbasa. Lalapitan ko yung guy at pagbalik ko dito, I'm sure may number na ako sa'kanya" may kompyansang sabi ko.

"Baliw ka ba? baka may girlfriend yung tao" nag-aalalang tanong nito. I know boys, hindi sila marunong makunteto.

"Tingnan lang natin" nakangising sabi ko at iniwan si Charmayne para lapitan yung gwapong guy.

"Hi" nakangiting sabi ko at tumabi sakanya.

"I'm Minute Castilo. And you are?" nilahad ko ang kanang kamay ko para makipag shake hands.

"Christian, but you can call me Christine Romero. Mas bongga iyon girl" What? ano daw?

"You're a gay?" naguguluhang tanong ko. Sunod sunod naman itong tumango at ngumiti saakin. What the heck!

"Hey babe" may narinig akong boses
ng lalaki na nagsalita. "Kanina pa ako naghihintay sayo dito, mabuti naman at nandito ka na, naiinitan na ako" malambing na sabi naman ni Christian este Christina pala. Halos malaglag ang panga ko ng makita kong nag holding hands sila.

"Bye na girl, nandito na baby ko. Nice to meet you" sabi nito saakin at iniwan akong mag-isa sa bench na nakatulala.

Bumalik uli ako sa pwesto namin ni Charmayne. "Ano daw sabi?" usisa nito ng makalapit na ako. Napanguso naman ako, hayup na yun.

"Bakla siya" naiiyak kong sabi. Humagalpak naman ng tawa si Charmayne sa narinig niya.

"Bwesit ka pinagtawanan mo pa ako" naiinis kong sabi sakanya at inirapan siya. Biglan nahagip ng mata ko si Kevin.

"Si Kevin yun diba?" tanong ko at tinuro si Kevin na naglalakad habang may dala dalang libro, what a nerd!

He's a Uprince ambassador from a Law Faculty. Madaming babae ang naghahabol sakanya dahil hindi lang siya gwapo, matalino din. Pero hindi ako kasali sa mga babaeng 'yon na baliw na baliw sa mokong na yun.

"Bakla rin yan panigurado" may kompyansang sabi ko, nakita kong nag-iba ang mukha ni Charmayne, mukhang galit ito.

"Grabe ka naman maka judge Minute, malay mo straight talaga si Kevin" wika nito. Fan ata to ni Kevin, pinagtatanggol pa ang gago.

"Alam mo ba ang kasabihang 'only judge can God you' " humagalpak naman ako ng tawa sa sinabi niya. Halos lahat ng tao nakatingin sa akin, malakas kasi akong tumawa.

"Gaga! only God can judge me yun." Nakita kong napakamot ito sa batok niya. Nakaganti din ako sakanya.

"Oh sa'n ka pupunta?" tanong nito ng makita niya akong tatayo uli.

"Magshoshoping" sagot ko. Wala na akong bagong gamit kaya naman kailangan ko ng bumili.

"Kakashopping mo palang last week diba? may practice pa tayo mamaya sa volleyball" wika nito. "Wala akong pake sa volleyball, magshoshopping muna ako. K bye bessy" saad ko at iniwan na siya.

NAGLALAKAD ako sa mall ng mahagip ng aking mata ang isang luxury jewelry shop. Hmmm wala na akong bagong relo, kailangan ko na ng bumili ng bago kaya pumasok ako sa jewelry shop.

Lumapit ako sa mga relo, mahirap pumuli kaya tatlo nalang ang bibilhin ko. "Excuse me miss I'll take this and this and this" sabi ko at tinuro ang mga napili kong relo, lumapit naman sa akin ang babaeng tindera.

"Alright" sabi nito, "Here" binigay ko sa kanya ang credit card ko. Naghintay muna ako ng ilang segundo bago bumalik ang babaeng tindera.

"Mukhang may problema itong credit card mo ma'am" napakunot noo ako dahil sa sinabi niya.

"How come? ginamit ko palang yan kanina" sabi ko.

"Pero hindi po ito gumagana sa machine namin" wika nito, tumingin naman ako sa paligid, pinagtitinginan na kami ng ibang customer. First time tong nangyari saakin.

"It's impossible. Your credit card machine must be broken" sabi ko. Gumana palang ito kanina. My credit card has unlimited money kaya imposible ang pinagsasabi ng babaeng to.

"You are self-centered as always" may narinig akong nagsalita sa likod kaya lumingon ako.

"Ikaw na naman?!" naiinis kong tanong. Sinusundan yata ako nitong baklang to. Si Kevin Jayce Arnejo ang tinutukoy ko.

"Ano ginagawa mo dito? sinusundan mo ba ako?" nakapa meywang na tanong ko sakanya.

"I'm here to buy a watch, hindi ako intrisado sayo para sundan ka" walang ganang sabi nito saakin at tumingin sa tindera.

"I'm here to pick up my order, miss" sabi ni Kevin sa tindera. Nakita ko namang biglang nagblush ang babae, wth! ang landi.

"Yes sir, wait a minute" sabi nito habang namumula parin, umalis muna ito para kunin ang order ni Kevin.

Lumipas ang ilang sigundo bumalik uli ang babaeng tindera at dala na nito ang order ni Kevin. "Ito na po ang order niyo sir" sabi ng tindera.

"How do you like to pay? cash or credit card?" pabebeng tanong ng tindera. "Cash" simpleng sagot ni Kevin at inilabas ang pera niya.

"Thank you sir" namumulang sabi ng babae, landi din nito. Tumingin muna sa'akin si Kevin bago umalis sa jewelry shop, tss.

"Kita mong nandito ako, inuna mo pa yung lalaking yun. Pinapalamon ka ba ng lalaking yun hah!" galit na sabi ko sa tindera.

"Kevin is the son of the main shareholder here ma'am kaya hindi niyo ako masisisi kong uunahin ko siya. Isa pa hindi gumagana ang credit card mo" paliwanag nito. Ano naman pake ko kay Kevin, eh ano ngayon kong anak siya ng main shareholder kuno.

"Hindi na nga ako bibili, tss" mataray kong sabi at umalis na sa jewelry shop.

Agad kong hinanap ang number ni mommy sa contacts ko at tinawagan ito. Nakailang ring ito bago sinagot ang tawag.

"Mom, buti sinagot mo. Ba't hindi na gumagana ang credit card ko?" tanong ko.

"Minute, our family is being filed by bankruptcy"

"WHAT!" hysterical kong tanong. Paano nangyari iyon, mayaman kami. Imposible ito!!

"Calm your self down honey, I and your father are packing things. We are going to hide in Australia for some time." halos mabingi ako sa sinabi ni mommy.

"What about me? Do I have to go pack up too?" tanong ko

"No honey, You can stay here. Your name is not listed in our company's constraction."

"Eh saan ako pupunta?, wala akong pera mommy" naiiyak ko ng tanong. Sana joke lang ito, myghad!

"You can sell all your designer bags and stuff if you want to have money.And rent some cheap apartment para naman makatipid ka" sabi ni mommy. No way hindi ako titira sa cheap na apartment. Maiisip ko palang yung nga daga at ipis nandidiri na ako.

"Hindi pwede ma, mahal ko ang mga gamit ko.. Hello mom? mom?"

toot toot

Napasabot ako sa sarili, anong nangyayari sa mundo? Sana panaginip lang to.

Inangat ko ang mga paper bag ko.
"Do I really need to sell these stuff?" tanong ko sa sarili ko at yinakap ang mga pinamili kong gamit.

Remembering HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon