Kabanata 8

143 11 7
                                    

Bahagyan kong binukas ang aking mata ng may narinig akong nagring. Hinanap ko ang aking cellphone sa bedside table. Nang makuha ko na ito tiningnan ko kung sino yung tumawag. Halos manlaki ang aking mata ng makita ko ang pangalan ni mommy sa cellphone ko, agad ko naman itong sinagot.

"Hey honey, how are you?" tanong ni mommy sa kabilang linya, namiss ko ang malambing na boses ni mommy.

"Okay lang ako dito, kayo ni dad?" nag-aalalang tanong ko.

"I'm fine pero ang daddy mo madalas magkasakit." malungkot na sabi ni mommy. "Bakit pa kasi kayo umalis, ayan tuloy" mangiyak ngiyak kong sabi.

"Don't worry, malapit na kaming umuwi ng dad mo. Kunting tiis nalang anak" sabi ni mommy
"I have to end this call, may gagawin pa ako" narinig kong sabi ni mommy. "Bye, I miss you" malulungkot kong sabi. "I miss you too honey" she said and ended the call.

Binalik ko uli ang phone ko sa bedside table at bumangon na. Naghilamos lamang ako at nagsuklay bago lumabas ng kwarto. Nadatnan ko sa sala si Kevin na nagbabasa na naman ng libro.

"Good morning" nakangiting sabi ko.
"Morning" tipid niyang sabi, tss wala manlang good sa morning niya .Tinalikuran ko na lamang siya at nagtungo sa kitchen para magtimpla ng coffee.

Natapos akong magtimpla kaya bumalik uli ako sa salas, busy parin si Kevin sa binabasa niyang libro.

"Wala ka bang klase ngayon?" tanong ko sa kanya at umupo sa sofa. "Meron pero mamayang hapon pa" sabi niya habang ang atensyon niya ay nasa binabasa niyang libro.

Tumango nalamang ako sa sinabi niya at ininom ang kape ko, napangiwi ako ng malasahan ko ito, ang pait naman. Tumayo uli ako at nagtungo sa kitchen para kumuha ng asukal.

Bumalik uli ako sa sala. Kinabahan naman ako ng makita ko si Kevin na nakatingin saakin.

"May problema ba?" tanong ko. Nakita kong kumurap kurap siya at lumunok, ano kaya problema nito?

"You have blood stain on your short" mahinang sabi nito na nagpainit ng mukha ko. Agad kong tiningnan ang likod ko, shit! ba't nakalimutan ko. Dali dali akong nagtungo sa kwarto ko at tiningnan ang kalendaryo, shit! bakit ko nakalimutan. Kaya pala medyo masakit puson ko kanina, dadatnan na pala ako.

Damn! Nakakahiya kay Kevin, lupa lamunin mo na ako. Napasapo ako sa noo ko ng maalala kong wala akong napkin ngayon. Kumuha muna ako ng tuwalya at ipinalibot ito sa bewang ko.

Lumabas ako ng kwarto. Nakita kong wala na si Kevin sa sala kaya kumatok ako kwarto niya.

"Bakit? may kailangan ka ba?" tanong nito ng bumukas na ang pinto.

"Ano kasi.. ah eh wala akong stack ng napkin" nahihiyang sabi ko at napakamot sa batok ko. "So?" walang buhay na tanong niya.

"May malapit naman sigurong convenience store dito. Kakapalan ko na mukha ko, pwedeng bilhan mo ako ng napkin?" Nakita kong umuwang ang labi niya dahil sa sinabi ko.

"Mukhang ayaw mo, sige ako nalang bibili" sabi ko at akmang tatalikod na ng magsalita uli siya.

"Alright, I'll buy you a napkin" narinig kong sabi niya kaya ngumiti ako sakanya. "Salamat" nakangiti kong sabi.

ANG TAGAL naman ni Kevin sumasakit na puson ko. Napahawak ako sa puson ko ng biglang sumakit na naman ito. Damn! red days.

May narinig akong may kumatok kaya lumapit ako dito at binuksan. Nakita ko si Kevin na may dalang cellophane.

"You look pale" sabi niya at binigay saakin ang cellophane na may lamang napkin.

"Tuwing first day ng period ko, sumasakit ang puson ko at namumutla ako." saad ko. "Bakit ang dami nito?" tanong ko ng makita ko ang laman ng cellophane.

"Hindi ko alam kong anong brand ng napkin mo kaya binili ko nalang lahat ng brand" walang emosyong sabi niya at umalis na.

Natungo nalamang ako sa cr para magpalit. Nang matapos akong magbihis agad akong lumabas ng kwarto at hinanap si Kevin. Nakita ko siyang nagluluto kaya lumapit ako sakanya.

"Ano niluluto mo?" tanong ko.
"Chiken soup" sagot niya at tumingin sa'akin.

Tapos si Kevin magluto, inilagay niya sa isang maliit na mangkok ang niluto niyang chiken soup. "Kumain ka na, inumin mo rin itong pain killer pag tapos ka ng kumain, " sabi niya at may nilagay sa mesa na pain killer medicine.

"I have to go, may klase pa ako." sabi nito at pumasok sa kwarto niya.

Natapos akong kumain at ininom ko ang binigay na pain killer ni Kevin. Mabuti nalang wala kaming pasok ngayon.

Nagpunta ako sa sala at nanood ng KDrama. Hindi ko pa tapos panoorin yung W Two World. Habong nanonood ako nakita kong lumabas si Kevin sa kwarto niya, nakabihis na ito ngayon.

"I have an appointment this evening kaya late na ako makakauwi. Make sure na ilolock mo ang pinto" saad niya at akmang lalabas ng bahay.

"Wait lang Kevin" sabi ko at lumapit sakanya. "Wala akong number sayo, paano kung may emergency? Kailangan kitang tawagan" sabi ko. Nakita kong dinukot niya ang phone niya sa bulsa.

"Here" sabi niya at binigay saakin ang cellphone niya. Kinuha ko ang number niya at nilagay ko narin ang number ko sa contacts niya.

"Nandyan narin number ko" nakangiting sabi ko at binalik sakanya ang phone niya.

Remembering HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon