Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Nagulat ako ng makita kong nasa kama ako. Sa pagkaka alam ko nakatulog ako sa sofa kagabi dahil hinihintay ko si Kevin. Siguro binuhat niya ako, mabait din pala yung mokong na yun.
Naligo muna ako bago lumabas ng kwarto baka matulad na naman kahapon na nakita ni Kevin na may tagos ang aking short.
Nagtungo ako sa sala, nagulat ako ng makita ko si Kaye. Anong ginagawa ng hitad na to dito?
"Hi Minute, I'm Kaye" sabi nito ng makita niya ako. Inilahad niya ang kamay niya para makipagshake hands sa'kin pero hindi ko ito tinanggap.
Napahiya ito dahil sa ginawa ko kaya ngumiti nalang siya ng pilit. Anong akala niya, close kami? ayaw ko sa hitad.
"What are you doing here?" naiinis kong tanong. Nakita kong ngumisi siya. "May gagawin lang kami ni Kevin" sabi niya.
"Ano ang gagawin niyo?" usisa ko pero hindi siya sumagot. Iniwan ako nito sa sala at pumasok sa office ni Kevin. Aba lechugas eh kung sabunutan ko kaya siya.
Limang minuto na ang lumipas pero hindi parin sila lumalabas. Ano kaya ginagawa nila sa office?
Lumapit ako sa pinto ng office ni Kevin at idinikit ko ang tenga ko roon. Walanju naman ba't wala akong marinig, sound proof ata tong office niya. Mas lalo kong idiniin ang tenga ko sa pinto, nagbabaka sakali lang naman na may marinig ako.
Nagulat ng biglang bumukas ang pinto kaya natumba ako sa sahig.
"Ano ginagawa mo diyan?" tanong ni Kevin. Dali dali naman akong tumayo, at tiningnan siya. "Ah eh.. Nag pupush up ako, bakit masama ba?" palusot ko.
"Walang masama kung magpupush up ka, huwag lang dito sa harap ng pintuan ng office ko" masungit nitong sabi.
Nakita kong lumabas din si Kaye sa office, natatawa ito ng makita ako.
"Hi uli Minute" mapangasar na sabi niya."Hindi ako na inform Kevin na may housemate ka na pala. Wala ka bang bahay Minute, kawawa ka naman. Mabuti naawa pa sayo si Kevin" mapangasar na sabi ni Kaye at ngumisi saakin. Sapakin ko kaya tong panget na to.
"Bakit sino ka ba na dapat i-inform ni Kevin na nakatira ako dito?" masungit na tanong ko at tinarayan siya.
"Nasa library ang mga documents na kailangan mo Kaye, kunin mo nalang ang mga iyon at pwede ka ng umuwi" wala ganang sabi ni Kevin at tumingin sa'kin.
"You have to cook again" seryosong sabi niya. "Na naman?" nakangusong sabi ko. Tumango siya at pumasok sa kwarto niya.
"Kunin mo na yung documents at umuwi ka na" mataray na sabi ko kay Kaye at iniwan siyang nakatulala.
Nagtungo ako sa kitchen at binuksa ang ref. "Baliw ata yung mokong na yun pinagluto pa ako, alam niyang hindi ako marunong" bulong ko sa sarili. Kumuha ako ng chiken at hinugasan ito.
Nagsearch din ako sa google kung paano mag prito ng manok. Madaling lang naman pala.
Katapos kong hugasan ang manok, nilagay ko na sa stove ang frying pan at naghintay muna na uminit ito. Nang uminit na ito, nilagyan ko na ng cooking oil ang kawali.
Dahan dahan ko naman inilagay ang manok sa kumukulong mantika.
"Ouch" daing ko ng may tumalsik na mantika sa kamay ko. Sht ba't may ganito? bakit tumatalsik? di ako inform.
Natapos akong magluto at tinignan ang mga ito. Halos maiyak ako ng makita kong puro sunog ang mga ito.
Nakita kong papalapit si Kevin saakin. "Tapos na?" tanong niya. Pinakita ko naman sakanya yung sunog na fried chicken, ewan ko kong fried chicken pa tawag dito.
Napapikit ng mariin si Kevin at tiningnan ako ng masama.
"Wala ka bang alam gawin? simpleng pagpriprito hindi mo magawa! mahina ba talaga utak mo?" galit na sabi ni Kevin. Ang sakit magsalita ng mokong na to, eh hindi nga kasi ako marunong."Oo na wala akong alam! bobo nga kasi ako. Hindi kasi ako katulad mo na matalino. Jusko sinabi ko naman sayo na hindi ako marunong magluto, pinilit mo pa ako!" galit na sabi ko at padabog na iniwan siya sa kitchen.
Pumasok ako sa kwarto ko at naupo sa kama ko. Nararamdaman kong may tumulong luha sa mata ko, marahas ko naman itong hinawi. Ang harsh niyang magsalita, edi siya na matalino.
Wala nga talaga akong nagawang tama sa tanang buhay ko. Lumapit ako sa maliit na cabinet ko at kinuha ang binigay ni mommy na timepiece. Ito ang unang regalong binigay saakin ni mommy noong first birthday ko. Kaso nasira ko ito noong graduation ko sa high school.
Humiga muna ako sa kama at pinagmasdan ang timepiece hanggang sa nakatulog ako.
NAGISING ako dahil may biglang kumatok sa pinto. Bumangon ako at nilibot ang tingin sa buong silid, napatingin ako sa bintana. Gosh! gabi na pala, ilang oras ba ako nakatulog?.
Nabaling ang tingin ko sa pinto ng may kumatok uli. Tumayo ako sa kama at binuksan ang pinto.
"Kumain ka na, nasa mesa na ang pagkain" seryosong sabi ni Kevin at akmang aalis na pero pinigilan ko ito.
"Sorry nga pala kanina, kung sinigawan kita. Alam kong wala akong karapatang sigaw sigawan ka dahil nakikitira lang ako dito. Sorry talaga" paumanhin ko. Tumango lamang si Kevin sa sinabi ko at iniwan ako mag-isa.
Kinain ko nalamang ang kanyang niluto. Katapos kong kumain hinugasan ko ang ginamit kong pinggan at kutsara.
Bumalik uli ako sa kwarto. Napatingin naman ako sa kama, nandoon parin ang timepiece. Kinuha ko ito at tinitigan.
Mahilig si Kevin sa timepieces, I think kaya niya itong i-repair. Nagtungo ako sa kwarto ni Kevin at kumatok.
"It's getting late at night. What are you doing here?" seryosong tanong nito. Hmp balik na naman siya sa pagiging masungit.
"Uhm. I have a favor to ask" mahinang sabi ko.
"Uhhm, Do you know how to fix timepiece?" tanong ko at pinakita ko sakanya yung necklace. Kinuha niya ito saakin at pinagmasdan.
"I give it a try" simpleng sagot nito at pumasok sa kwarto niya. Sumunod narin ako kay Kevin. Nakita ko itong umupo at chineck ang timepiece.
"What do you think? can you fix it?" tanong ko kaya napatingin ito saakin.
"Well, there's a possibility. But this one is quite old. I need to get some replacement part" seryosong sabi niya
at binalik uli ang atensyon sa timepiece. Tinitigan ko nalamang ang blankong ekspresyon niyang mukha."Pwede ba akong magtanong" sabi ko.
"Go ahead" tipid na sagot niya at tumingin saakin. Nagtama ang aming mga mata kaya biglang kumalabog ang puso ko. Bakit ba kasi ang gwapo ng nilalang na to?
"Wala ba kayong relasyon ni Kaye?" tanong ko. "Wala" tipid na sagot niya.
"May ideal girl ka ba?, siguro gusto mo yung mga babaeng matangkad, sexy at higit sa lahat matalino" wika ko. "Wala akong ideal girl" walang ganang sabi niya.
"So posible na magkagusto ka sa'kin" sabi ko at lumapit sakanya. Nakita kong napalunok siya ng hawakan ko ang leeg niya. "Come on, just admit if you like me" panunukso ko. Hmm pagtripan ko kaya to.
"What are you doing?" seryosong sabi niya. "What do you think? tayo lang naman ang nandito. Admit it Kevin, you like me, do you?" mapang-akit kong tanong at nilipat ang mukha ko sakanya. Kunting kunti nalang hahagalpak na ako sa kakatawa dahil sa reaksiyon niya.
Nagulat naman ako ng tumayo siya at kinuha ang kamay kong nakahawak sa leeg niya. Nilapit niya ang mukha niya saakin kaya naamoy ko ang mabangong hininga niya. Shit!
"Yes, I like you" he huskily said habang ang tingin niya ay nasa labi ko. Halos manlaki ang mata ko ng bigla niya akong hinalikan.
BINABASA MO ANG
Remembering Him
Romance"If you leave without a reason don't come back with an excuse" -Kevin Jayce Arnejo [Highest Ranking : #761 in Romance]