Kabanata 6

143 13 40
                                    

"Seryoso ka?" Di makapaniwalang tanong ni Charmayne. Kweninto ko kasi sa kanya ang nangyari kagabi pati kaninang umaga.

"Oo nga. You know me, hindi ako mahilig gumawa ng kwento" sabi ko.

"Di ko ma-imagined na huhubaran ka ni kuya" wika nito habang natatawa.

"Be quite" napabaling ang tingin namin sa librarian ng magsalita ito. Nakalimutan naming nandito pala kami sa library.

Bumalik uli sa pagbabasa si Charmayne. May similarities din pala si Charmayne at Kevin, mahilig silang magbasa ng libro. Ang boring kaya magbasa lalo na kung makapal ang libro, okay pa sana kong novel ito.

Nilibot ko ang tingin sa buong library, lahat ng tao nakapokus sa binabasa nilang libro. Nanlaki mata ko ng mahagip ng mata ko si Kevin, may kasama itong babae.

"Hey" tawag ko kay Charmayne, nawala ang atensyon nito sa binabasang libro at tumingin saakin.

"Kilala mo ba yung kasamang babaeng ni Kevin" sabi ko at tinuro yung babaeng kasama ni Kevin.

"Yup, Si ate Kaye yan, kaklase ni kuya" sabi niya at binalik uli ang atensyon sa binabasa niyang libro.

"Bakit ka uma-ate? close ba kayo?" naiinis kong tanong. Tumingin uli siya sa akin "Problema mo? ba't ka galit?"

"Hindi ako galit. Tsk" sabi ko at inirapan siya. Binalik ko uli ang tingin kay Kevin. Mukhang may sinasabi sakanya yung babaeng na nagngangalang Kaye ngunit nakatoon lang ang atensyon ni Kevin sa libro.

Mahina naman akong napatawa ng makita kong ngumuso yung babae dahil hindi nakikinig sakanya si Kevin.

"May saltik ka na ata sa ulo, kanina galit ka tapos ngayon tatawa ka ng walang dahilan" saad ni Charmayne.

NAPAKAMOT ako ng ulo ng mapansin kong nawawala yung pink na panty ko. Nandito lang yun eh, hinanap ko ito sa walk in closet pati din sa bagahe ko.

Wait! Walang ibang tao dito sa bahay kundi kami lang ni Kevin. Siguro tinago niya yun. Agad naman akong nagtungo sa kwarto ni Kevin at malakas na kumatok.

Lumabas ito na nakatopless lamang. Halos malaglag ang panga ko ng makita ko ang abs niya. Nararamdaman kong nag-iinit ang mukha ko at ang lakas ng kalabog ng puso ko. Kalma lang Minute, tandaan mo galit ka sakanya dahil kinuha niya panty mo.

"What now?" masungit na tanong nito.

"Ibalik mo sa akin ang panty ko, kung gusto mo bibilhan nalang kita" nakita kong nagsalubong ang makakapal niyang kilay dahil sa sinabi ko.

"Wala akong ibabalik sayo dahil wala naman akong kinuha, kasalanan ko bang burara ka?" seryoso sabi nito saakin. Nagsi sinungaling pa to eh.

"Hindi ako burara. Alam kong kinuha mo yun eh!  Pinagpapantasyahan mo ba ako? kaya kinuha mo panty ko? "

"Wala akong ninakaw sayo" madiing sabi nito at lumapit saakin kaya napaatras ako.

"Aminin mo nalang kasi na may gusto ka sa'kin" sabi ko.

"Let me tell you something. A girl like you. Cant turn me on or I should say you have turned me off" masungit na sabi nito. Bumalik uli siya sa kwarto niya at malakas na isinardo ang pinto.

"I'm not attracted to you either, dont you know that I'm the hottest girl in our faculty. Maraming lalaki ang nagkakagusto saakin." sigaw ko

"When those guys know your true color, they will run away from you" Narinig kong sabi niya.

"If girls know your true color, they will stop running after you too!" Ganting sigaw ko at tinadyakan ang pinto niya.

Dali dali akong nagtungo sa kwarto ko at pinakatitigan ang katawan ko sa salamin. Maganda naman ako pati hubog ng katawan ko, paano niya nasabing nakakaturn off ako?. Bakla ata yun.

Nagtungo nalamang ako sa bathroom para mag half bath. Nagulat ako ng makita ko ang panty ko sa lalagya ng tuwalya. Shit! ba't ngayon ka lang nagpakita? pinagbintangan ko pa si Kevin.

"Waaah" napasigaw ako ng biglang magbrownout. Dali dali ako lumabas ng kwarto ko at sunod sunod na kumatok sa pinto ni Kevin.

"Bakit nag brownout?" tanong ko ng binuksan na nito ang pinto.
"Babalik din ang ilaw mamaya kaya bumalik ka na sa kwarto mo" sabi niya at akmang isasardo ang pinto. Agad ko namang hinarang ang katawan ko para hindi niya maisarado ito.

"Ano kasi...uhm takot ako sa multo" nahihiyang sabi ko. Ayaw kong mapag-isa sa kwarto baka may lumapit na multo sa'kin.

"Balak ko sanang maghahalf bath" sabi ko habang ang nakatingin sa baba.
"So?" tanong nito.

"Can you guard me in front of the bathroom?" nahihiyang tanong ko. "Please" pakiusap ko.

KASALUKUYAN akong nagsasabon ng aking katawan ng biglang umilaw. Thanks god bumalik na yung light.

Natapos akong mag half bath at binalot ko ng tuwalya ang katawan ko at lumabas ng bathroom.

"May tatlong bibe akong nakita, mataba, mapayat mga bibe" kumakanta ako habanag papalabas na ng bathroom, tinanggal ko ang tuwalya sa katawan ko dahil magbibihis na ako. Nagulat ako ng may narinig akong kalabog.

Halos manlaki ang mata ko ng makita ko si Kevin na nakaupo sa kama ko at ang libro nito ay na sa sahig na. Dali dali kong binalik ang tuwalya sa katawan ko at tumalikod sa kanya. Shit! nakita niya ang hubad kong katawan. Nararamdaman kong nag-iinit ang pisnge ko.

"You saw it right?" kinakabahang tanong ko habang nakatalikod parin sakanya. Ayaw kong humarap baka makita niya akong namumula

"No, I didn't" simpleng sagot niya.
"Liar, you definitely saw it" giit ko.

"Whatever you'd like to think" sabi nito at mayamaya lang narinig ko ang pagsara ng pinto hudyat na lumabas na siya sa kwarto ko.

Remembering HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon