"Bitin mo naman mag kwento" reklamo ni Kiana.
"Alam mo matulog ka na, may trabaho pa tayo bukas" sabi ko at tumayo na. Co-teacher at housemate ko si Kiana. Mabait naman siya kaso nga lang may pagka chismosa.
"Hinalikan ka niya tapos? ano nangyari?" usisa nito at sinundan ako sa kwarto ko. "Matulog ka na nga, bukas ko nalang ikwekwento" natatawang sabi ko. Ang kulit talaga nitong si Kiana.
"Oh sige, make sure na tutupad ka sa usapan. Mayghad naimagine ko na si Kevin, baka mapanaginipan ko yun mamaya" kinikilig na sabi ni Kiana. "Loka ka talaga, good night na bakla" sabi ko at pinagsadhan ko na siya ng pinto.
Naupo ako sa kama at kinuha yung timepiece na ikinumpuni ni Kevin noon. I miss him.
May pumatak na luha sa pisnge ko habang pinagmasdan ko ang timepiece, paano kaya kung hindi ko iniwan si Kevin noon? Kami pa kaya hanggang ngayon?.
~~~
Huminga muna ako ng malalim bago binuksan ang pinto. Naalala ko na naman ang nangyari kagabi. Jusko! How should I look at him when we meet?
Nagulat ako ng makita ko si Kevin sa harap ng pinto ko. Nakahalukipkip ang dalawang kamay niya sa bulsa. Umayos siya ng tayo ng makita niya ako.
"Uhm... Good morning Kevin" nahihiyang sabi ko, halos hindi ako makatingin sakanya. Nag-iinit mukha ko tuwing naiisip ko yung nangyari kagabi.
"I'm sorry about last night" mahinang sabi niya. "It's okay, I was also wrong to tease you like that" sabi ko.
"How are you going to the Uni. Do you want to go with me?" malumanay niyang tanong. "Ah eh hindi na, kaya ko naman mag commute" wika ko. Tumango lamang siya sa sinabi ko.
"OMG omg omg magpapaletchon na ba ako bes? gusto ka ni kuya?" hysterical na tanong ni Charmayne. May pagka oa din to minsan.
"Oo, I was just teasing him. Hindi ko naman alam na kakagat siya sa panunukso ko" nakanguso kong sabi.
"Ayyiie, ang tanong gusto mo rin ba si Kuya?" tanong niya habang nakangisi.
"Ano bang klaseng tanong 'yan" reklamo ko."Come on, tell me" pangungulit ni Charmayne. "Ewan hindi ako sure,
basta pagnandiyan siya sa tabi ko masaya ako" nakangiting sabi ko at inalala yung mga nangyari last week."Aysus may gusto ka din ata sa kuya ko. Alam mo bang first time ni kuya na magconfess sa isang babae" sabi ni Charmayne. "Wala ba siyang naging girlfriend?" usisa ko.
"Wala" tipid na sagot niya.
"Bakit? bakla ba siya?" tanong ko."Of course not!,Actually takot siyang magmahal. He's afraid that he makes the same mistake as our father" paliwanag niya.
"Uuwi ka ba sa bahay ngayon?" pag-iiba ng topic ni Charmayne. "Syempre naman, wala naman akong ibang matitirhan" saad ko.
"Baka kasi may awkward chuchu like that pa kayo ng kuya ko" natatawang sabi niya. "Chuchu like that ka diyan" sabi ko sabay irap.
"Hatid nalang kita, dala ko naman ngayon kotse ko" wika niya. "Mabuti naman, ayaw kong magcommute ngayon" sabi ko.
"Salamat sa paghatid, Babye ingat" paalam ko at bumaba na sa kotse ni Charmayne. Pinagmasdan ko muna ang papaaalis na kotse niya bago pumasok sa bahay. Akmang bubuksan ko na ang pinto ng may nagsalita sa likod ko.
"Hi! bago ka dito?" lumingon ako para makita ang ang may-ari ng boses na iyon. Shit! ang gwapo ,ba't ang daming nakatirang gwapo sa village na ito?.
Medyo pawisan siya pero mukhang hot parin, meron din siyang hawak na bola, siguro galing siya sa paglalaro ng basketball.
"Ahh oo" nahihiyang sabi ko.
"I'm Ethan Cruz" pakilala niya sa kanyang sarili at inilahad ang kanang kamay, agad ko naman itong tinanggap. "Minute Castilo" pakilala ko.
"Nandoon lang bahay namin, malapit lang dito" nakangiting sabi niya habang tinuturo ang bahay nila. "Aahh"
"Tapos ka na bang magpakilala?" Nagulat ako ng marinig ko ang boses ni Kevin. Para tong kabute bigla bigla nalang susulpot.
"Yow Kevin! musta?" sabi ni Ethan.
"Fine" masungit na sagot ni Kevin at pumasok na sa bahay. Ang sungit talaga nito."Sorry, ganun talaga yung mokong na yun" sabi ko.
"Sanay na ako dun. Btw, Girlfriend ka ba niya?" usisa ni Ethan, may pagka chismoso din pala to. Ngumiti ako ng peke at sumagot " Hindi".
"Eh bakit kayo tumitira sa iisang bubong?" naguguluhan tanong niya.
"Long story, bye na" paalam ko at pumasok na sa bahay at sinarado ang pinto.Inilapag ko ang bag ko sa sofa at naupo, kapagod ngayong araw.
Umayos ako ng upo ng biglang bumukas ang pinto ng silid ni Kevin at iniluwa nun siya, naka bihis pambahay na ito ngayon. "You're going to cook again" seryosong sabi niya.
"Ah.. eh pero" ayaw ko na maulit ang nangyari kahapon. Ilang ulit akong natalsikan ng mantika kahapon, parang na trauma na ata ako.
"No buts! Don't worry tuturuan naman kita" sabi niya at ngumiti sa'akin. Totoo ba itong nakikita ko ngumiti si Kevin. Shit! pwede na akong mamatay, dejuklang.
Nagbihis muna ako bago magtungo sa kitchen. Nakita ko si Kevin na naka apron na.
"Ano lulutuin natin?" tanong ko ng makalapit na sakanya. "Fried Chicken" halos malaglag ang panga ko sa sinabi niya. seryoso?
"Na trauma na ako kahapon kita mo to madami na akong paso, iba nalang Kevin" reklamo ko.
"Paano ka matototo kung hindi mo susubukan uli?" masungit na tanong niya. "Oo na nga lang"
"WOW HA! infairness hindi na tumatalsik. Ano ginawa mo Kevin?" tanong ko habang nakatingin sa seryosong mukha niya.
"Bago mo isalang ang manok sa kawali, siguraduhin mo munang hindi ito frozen. Ang tubig kasi sa priniprito and dahilan kung bakit tumatalsik ang mantika" paliwanag ni Kevin. Bakit ang daming alam ni Kevin?
"Kaya pala, kahapon kasi.. ah nevermind" sabi ko at tinitigan na naman ang mukha ni Kevin, ano kaya ginawa ng parent niya. Bakit naging ganito ka kagwapo si Kevin.
"Kevin paano ka ginawa?" halos manlaki mata ko ng masabi ko iyon. Nakita kong ngumisi siya at tumingin sa'akin. Shit! kailangan ko ata hawakan ng mahigpit ang waist band ng panty ko. Makalaglag panty kasi ngiti ni Kevin.
"Gusto mong malaman?" nakangisi niyang tanong.
BINABASA MO ANG
Remembering Him
Romance"If you leave without a reason don't come back with an excuse" -Kevin Jayce Arnejo [Highest Ranking : #761 in Romance]