Kabanata 7

128 13 33
                                    

"May pinagtataguan ka ba? kanina ka pa linga ng linga. Hindi ka mapakali diyan" puna ni Charmayne habang naglalakad kami. Pupunta kami ngayon sa building ng mga law students, ayaw ko sanang sumama kaso pinilit niya ako.

"Ikaw nalang kaya pumasok doon, parang di ko kaya" mahinang sabi ko at napakamot sa batok ko.

"Kaya nga ako nagpapasama sayo dahil hindi ko kayang mag-isang pumasok doon" sabi nito saakin.

"May multo ba dito? Arrg bakit ka pa kasi pupunta doon?" tanong ko.

"Sinabi ko na diba sayo? pupuntahan ko si kuya, may importante akong sasabihin sakanya at tsaka walang multo doon hindi lang talaga ako sanay na mag-isang pumunta sa law school" sabi ni Charmayne

"Hindi ba pwedeng bukas nalang o mamayang gabi?, o di kaya sabihin mo nalang saakin at ako na magsasabi sa kanya mamayang gabi" sabi ko.
Pero pinandilitan lang ako nito ng mata. "Sabi ko nga pupunta na tayo" sabi ko. Ang sama kasi ng tingin niya.

Nang makarating na kami sa building, iniwan muna ako ni Charmayne dahil kakausapin pa niya si Kevin. Umupo muna ako sa bench at nilibot ang tingin sa paligid.

Ilang minuto akong naghinatay bago bumalik si Charmayne, kasama na niya ngayon si Kevin. Nang magtama ang tingin namin agad akong nag-iwas.

"Aalis na kami kuya, bye ate Kaye, bye kuya" sabi ni Charmayne. Nabaling naman ang tingin ko kay Kaye, nasa likuran siya ni Kevin. Parang linta dikit ng dikit kay Kevin, kainis!

"Ingat" narinig kong sabi ni Kevin. Nabaling naman ang tingin ko sakanya, agad akong umiwas ng makita kong nakatitig siya sa'kin.

I CLICK the switch when I entered the house. Tahimik ang buong bahay, wala pa ata si Kevin.

Nagtungo muna ako sa kwarto ko para magbihis. Nang matapos akong magbihis agad akong lumabas ng kwarto. May naamoy akong  adobo dahilan para kumalam ang tiyan ko.

Lumapit ako sa kitchen at nakita ko si Kevin na nagluluto. Ayaw kong tumingin sakanya, naalala ko kasi yung nangyari kagabi, sobrang nakakahiya, nakita niya ang hubad kong katawan.

Biglang lumingon si Kevin sa gawi ko kaya dali dali naman akong umalis at pumasok sa kwarto ko. Napahawak ako sa dibdib ko ng maramdaman kong malakas ang kalabog ng puso ko. Kalma ka nga Minute, hinga ka ng malalim.

Napaigtad ako ng may biglang kumatok sa pinto. Gosh! aatakihin ako sa puso nito.

Lumabas ako sa kwarto at nakita ko si Kevin na nakahalukipkip ang mga braso sa dibdib niya.

"Kakain na tayo" malamig niyang sabi at iniwan ako sa harap ng pinto. Tss sungit talaga.

Sumunod nalamang ako sa kanya, nakita ko ang mesa na may pagkain na, natatakam ako sa adobo.

"Let's eat" sabi niya. Kumuha ako ng kanin at adobo at nagsimula ng kumain. Nakailang subo palang ako ng makita ko si Kevin na nakatitig saakin. Umupo ako ng maayos baka iyon ang dahilan kaya siya nakatingin saakin.

Pinagpatuloy ko uli ang pagkain, halos hindi ko masubo ang kinakain ko ng mahagip ng mata ko ang gwapong mukha ni Kevin na nakatingin na naman sa'kin.

"May dumi ba sa mukha ko?" tanong ko. Umiling lamang siya at pinagpatuloy ang pagkain.

Natapos kaming kumain at naisipan kong manood muna ng movie sa tv, mabuti nalang dala ko yung usb ko.

Pinili kong panuurin ang Beauty and the Beast. Kahit paulit ulit ko na itong napanood hindi parin ako nagsasawa.

Nasa kalagitnaan na akong ng panonood ng biglang bumukas ang pinto ng office ni Kevin, lumabas siya at lumapit saakin.

Mayamaya lang ay naramdaman kong tumabi siya saakin.

"Seriously? nanonood ka niyan?" he asked. Pinandilatan ko naman siya ng mata. "Bakit? wala namang masama sa pinanonood ko" sabi ko at binaling uli ang atensyon sa pinanonood ko.

"19 ka na diba?" he asked kaya lumingon ako sakanya. "How did you know? stalker ka ba?"tanong ko pero hindi siya sumagot.

"Nga pala bakit ang hilig mong mangolection ng timepieces?" tanong ko.

"It's my hobby. I have been into them since I was young."seryosong sabi niya.

"Ano bang meron sa kanila? ba't ang hilig mo?" tanong ko

"Time can control so many things in people's life. But we can't control time at all. We cant change, turn back or accelerate it. That's how I start to collect timepieces to remind my self that I must not make a grave mistake" sagot niya.

"Ang lalim naman ng pinaghuhutan mo" natatawa kong sabi, nakita kong ngumiti siya. "Ang gwapo mo pagnaka ngiti ka" nanlaki mata ko sa sinabi ko. Walanju kang bibig ka ba't nagsasalita ka nalang bigla.

"Pero joke lang hehehe." palusot ko.
"Alam mo, parehas kayo ng mama ko. Mahilig din siyang mangolection ng timepieces kaya nga naging Minute pangalan ko." sabi ko.

Hindi na uli siya nagsalita kaya binalik ko nalang uli ang atensyon sa tv.

Mahina ako natawa ng makita ko si Kevin na nanonood din. Dami pang satsat kanina, manonood din naman pala.

Inaantok na ako, hindi ko naman pwedeng patayin ang tv dahil nanood din si Kevin baka sabihin pang bastos ako.

Nararamdaman kong bumibigat ang talukap ng aking mata, inaantok na talaga ako.

Nagulat ako ng pinatay ni Kevin ang tv. "Matulog ka na, alam kong inaantok ka" he said then binuhat ako ng pabridal style.

"Kaya kong maglakad Kevin" reklamo ko. Parang wala lang itong narinig at tuloy tuloy na naglakad papasok sa kwarto ko at hiniga ako sa kama.

"Good night" sabi niya at kinumutan ako.

Remembering HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon