"Are you sure they are good to eat?" tanong ko habang nakatingin sa pagkaing niluto ko.
"Rule number 5, sit properly" he said kaya umayos ako ng upo. Daming arte ng lalaking to. Nakita kong tinikman ni Kevin ang niluto ko. Hinintay ko lamang kong ano ang reaksyon niya.
"Masarap?" tanong ko.
"Try for yourself" saad nito kaya naman kumuha ako ng kutsara at tinikman ang niluto kong nilagang baboy.Napaubo ako ng malasahan ko ang nilagang baboy.
"What the fuck, ang alat" reklamo ko."Rule number 6, bawal ang magmura habang nasa harap ka ng pagkain." sabi nito. Inirapan ko nalamang siya, ang daming rules, kainis.
"Ano gagawin mo?" tanong ko ng makita kong titikman niya uli ang niluto ko.
"Kakainin ko tong niluto mo" walang emosyong sabi nito.
"Huwag mo ng kainin baka magkasakit ka sa sobrang alat niyan" nakanguso kong sabi.
"If you don't eat it, how do you know where you made mistake. So for the next time you cook, how are you supposed to know what else you need in cooking this dish? What ingredients to add or what to reduce?" seryosong sabi nito habang nakatingin saakin. Tumahimik nalamang ako, alam kong tama siya.
"PROBLEMA mo, ba't ka nakabusangot?" usisa ko kay Charmayne ng mapansin kong nakasimangot siya.
"May lumalandi kasi sa crush ko" nalulungkot niyang sabi kaya napatawa ako. Ang layo ng ugali niya sa kuya niya, napaka childish niya samantala yung kuya niya sobrang seryoso.
"College ka na bes, nagkakacrush ka pa?, ano ka high school?" prangkang tanong ko.
"Ewan ko sayo, suportahan mo nalang kaya ako" nakanguso niya sabi. Ang cute cute ng babaeng to.
"Sino naman lumalandi sakanya?" tanong ko, sasakyan ko nalang pagkachildish ng kaibigan ko.
"Si Ellena" saad niya. "Yung flat chested?" tanong ko, sunod sunod naman siya tumango. Humagalpak ako ng tawa.
"Flat Chested tapos malande, tawag dun Landede " natatawang sabi ko. Humagalpak din ng tawa si Charmayne.
"By the way, ipaliwanag mo nga saakin kung bakit kayo naging magkapatid nung Kevin na yun?" I asked
"He's my half brother" bulong nito saakin. Nanlaki naman mata ko sa sinabi niya.
"Paano nangyari yun?" naguguluhang tanong ko. Huminga muna ng malalim si Charmayne bago mag salita.
"My mother is a mistress" sabi nito habang nakatingin sa baba.
"Huh?" hindi maproseso ng utak ko ang sinabi ni Charmayne. "Anak si kuya sa unang asawa ng dad namin"
"Does Kevin's mother know about you?" tanong ko. Umiling naman siya. "Hindi ba nagsusumbong si Kevin sa mama niya?" usisa ko. Umiling naman ito.
"Sa katunayan nga tinutulungan pa ako ni kuya na itago ang sekreto ng mama ko" she said and smiled fakely.
"Unbelievable, yung lalaking yun tutulungan ka? Ang sama ng ugali nun" wika ko.
"Ang harsh mo sa kuya ko, mabait naman siya" she said. "Mabait his ass" mataray kong sabi.
"Ouch" daing ko ng may tumamang bola sa ulo ko, ang sakit. Lumingon ako sa pinanggalingan ng bola.
"Aay sorry natamaan ka" madramang sabi ni Matilda. She's a volleyball player that's why I know her. Tumayo naman ako at kinuha ang bola.
"Sinadya mo ba yun? Ang layo namin sa volleyball court paano mo ako matatamaan? naghahanap ka ba ng gulo?" galit na tanong ko.
"Ganyan ba talaga umasta ang mga pulubi,? asal kalye?" mataray na sabi nito at lumapit saakin.
"Ano sabi mo?"
"We all know na naghihirap na ang pamilya niyo. So bitch huwag ka ng magtapang tapangan, wala na kayong pera" nakangisi niya sabi.
"Bitch? Iludlud kaya kita sa beach na sinabi mo." Galit kong sabi at malakas na binato sakanya pabalik ang bola.
"How dare you!" gigil na sigaw nito at sinabunutan ako. Hindi ako magpapatalo kaya sinabunutan ko rin siya at malakas na tinulak kaya natumba ito.
"Bago mo ako angasan, siguraduhin mo muna kung kakayanin mo ba ako o hindi." galit kong sabi.
"Ms. Castilo! Ms. Villanueva" umalingaw ngaw ang galit na boses ni coach sa buong court.
"Ano na naman itong kaguluhang ginawa mo Ms. Castilo?" galit na tanong ni coach.
"She's the one who's started first" I said then tinuro si Matilda na nakaupo parin sa sahig.
"Wala ka na ngang ginawang tama dito sa team ko, gagawa ka pa ng gulo?" natahimik naman ako sa sinabi ni coach. Ito na ata karma ko palagi kasi akong nag skip tuwing practice namin.
"Mag practice kayo ni Ms. Villanueva. Hindi kayo titigil hangga't di ko sinasabi" galit nitong sabi at tinulungan si Matilda para tumayo. Wth!
"Okay girls pwede na kayong umuwi" anunsyo ni coach kaya nagsitigil sila sa paglalaro at nagpunta sa girls restroom para mag bihis. Naiwan nalamang kami ni Charmayne at coach Nuevas
"At kayong dalawa, start now!" sabi nito.
NATAPOS ang practice namin, nananakit ang wrist ko. Bandang 8 pm na kasi kami pinauwi.
May narinig akong kumatok sa pinto kaya lumapit ako dito at pinihit ang door lock para mabuksan. Hinawakan ko naman kaagad ang aking kanang pulso ng maramdaman kong nananakit na naman ito.
"You need to cook again. Your cooking skill is still lacking, you must try again" bungad ni Kevin ng mabuksan ko ang pinto. Wala manlang hello?
"Do I have to do it?" nakasimangot kong tanong. "Masakit ang kamay ko, hindi ko mga maigalaw"
"Okay, I cook for you tonight. But you must watch while I cook" wika nito kaya napayakap ako sa kanya sa sobrang tuwa.
"Yeehey, thaank yoouu" sabi ko habang nakayakap parin sakanya.
"Enough" masungit na sabi nito at tinanggal ang yakap ko sakanya.
BINABASA MO ANG
Remembering Him
Romance"If you leave without a reason don't come back with an excuse" -Kevin Jayce Arnejo [Highest Ranking : #761 in Romance]