Someone's POV
"Akala ko ba,nagkakaintindihan na tayo?Bat naging ganun?!Answer me,Mr.Park!"sigaw nya sa kanyang secretary.
"Pasensya na ,Sir"nakayukong hingi paumanhin ng matanda.
"Kailangan po ba nating maging marahas sa Manila?!"sigaw nya sabay malakas na pinalo ang desk.Kaagad na napaangat ang ulo no Mr.Park at tinitigan sya ng matiim.
Bakas sa mukha nito ang pag aalala sa maaaring kalalabasan ng gagawin nya.Sa di nya kayang nakikita SYANG ganun eh!
Damn that old man!
Muli nyang napalo ang desk nya."Sige na,makakaalis ka na.Salamat sa oras mo"at napapikit sya dahil sa inis.
"Kung kailangan nyo po ang tulong ko,tawagan nyo lang po ako"sabi nito.Tumango lang sya rito.
Pagka alis ng kanyang secretary ay agad syang napaluha."Hindi ako papayag na gawin mo ang gusto mo sa kanya!Hindi ko hahayaang gawin mo sa kanya ang ginawa mo noon sa akin!Hindi.Itaga mo yan sa bato!"
**********

"Nandito na po ako"bungad ko sa matandang lalaking nakaupo sa swivel chair patalikod sa akin.
Sya ang lolo ko,ang Papa ng Papa ko.
Madalas nya akong sigawan dahil daw ayaw nya akong nakikita.Ang dahilan?Di ko pa alam.
Humarap sya sa akin at matiim na tinitigan."Sino sya?"tanong nito.Napakunot noo ako.
Hindi ko maintindihan ang sinasabi nya.
"Sino ho?takang tanong ko.
"Yung babaeng lagi mong kasa kasama at lagi mong pinupuntahan"sagot nya.Kinabahan ako ng matukoy ko kung sino ang tinutukoy nya.
Si Lavender!
Bakit nya alam ang tungkol kay Lavender?!
Paano nya nalaman na doon ako pumunta?!
Pinasusubaybayan ba nya ako?!
Ano ang gagawin nya kay Lav?!
Marami.Marami akong katanungan sa utak ko na diko kayang itanong kay lolo.
Nanatili akong nakatayo at nakatitig lang sa lolo ko."Tell me,who she is?Im asking you,Yohan!"sigaw nya sa akin.
Napapitlag ako nang sumigaw siya.
Nanginig ang buo kong katawan,dahil sa takot sa maaari nyang gawin hindi lang sa akin kundi pati narin kay Lavender."
L-l-lavender po.S-Siya po si si Lavender Raza"naiiyak na sabi ko w/ shaking voice.
"Lavender Raza"nakangiting sambit nya."Ang nag iisang anak nina Rose at Mark".
"K-kilala nyo po sya?" tanong ko.
"Yohan"sambit nya sa pangalan ko.
"Po?"ani ko.
"Gusto ko,lagi mo syang bantayan.Kilalanin mo sya ng mabuti.Kaibiganin mo"sabi nya.
"Magkaibigan po kami.At bakit po gusto nyong kilalanin ko sya ng mabuti?Ano pong gagawin nyo sa kanya?"sunud sunod na tanong ko.
"Basta. Gawin mo ang sinasabi ko.Kilalanin mo rin ang mga pumupunta sa bahay nila"dugtong nya sa ipinag uutos niya sa akin.
"E paano kung ayaw ko?"madiing sabi nya."Hwag mo akong subukan,Yohan!Hindi ako magdadalawang isip na igaya sa kanya,kapag di mo ako sinunod!Magka dugo nga kayo!"galit na sigaw nya sa akin.
"Ano pong sinasabi nyo?"kunot nuong tanong ko.Biglang nanigas sa kinatatayuan niya ang lolo ko.
Para kasing may kakaiba sa sinabi niya.
Sino ang tinutukoy niyang igagaya ako?
Sino yong kadugo ko?"Wala.Sige na.Umalis ka sa harap ko!"bulyaw nya.
"Hindi po ako papayag na may gawin kayong masama kay Lavender!"tiim bagang na sigaw ko sa kanya.
"Wala kang pinagkaiba sa kanya.Pareho kayo ng ugali.Tignan lang natin kung kaya mong protektahan ang babaeng mahal mo"nakangising sabi nya.Nanigas ako sa kinatatayuan ko matapos sabihin yon ng lolo ko.
"Once na may gawin kayong masama sa kanya,ako po ang makakalaban niyo!Hindi po ako nagbibiro!"galit Kong sabi matapos ay padabog kong isinara ang pinto ng office room niya.
"Tsch. Magkadugo talaga kayo,Nathan"madiing sabi nya.
BINABASA MO ANG
Missing Piece(COMPLETE)
FanfictionRank #1 in my little pony. (11/26/18) Eunkook fan fiction. Tagalog and English ff. Gaano ka-importante ang TIWALA sa isang maayos na relasyon o pagsasama? Kaya mo bang pagkatiwalaan ang taong sinaktan ka't iniwan? Pero paano kung di ka na niya kil...