Part 9:Danger

62 14 4
                                    

Yohan POV

"Pumasok ka dito sa loob,may pag uusapan tayo"sabi ni lolo nang kumatok ako sa pinto ng kanyang officeroom para ipaalam na nakabalik na ako dito sa mansyon.

Malumanay ang boses niya pero ramdam ko na may masamang kahihinatnan ng pag uusap na to.
Alam kong nabalitaan na ni lolo ang tungkol sa amin ni Lavender.

"Maupo ka"sabi niya pagpasok ko.Nakatanaw siya sa labas ng bintana.

Naupo ako sa kaharap na silya.
Humarap siya sa akin at tinitigan ako ng matiim sa mga mata.

"Hindi ko inaasahang gagawin mo ang kinaaayawan ko sa lahat"madiing sabi niya habang naka halukipkip ang mga braso.

"Sa lahat ng bagay na puwede mong gawin para magawa mo ang ipinapagawa ko sayo,bat yun pa?!Bakit ang pakikipag relasyon sa kanya ang napili mong paraan?!"galit na sigaw niya sa akin.

Hindi ko na nakayanan ang pagsesermon niya sa akin.Kaya padabog akong tumayo at hinarap siya ng mata sa mata.

"Bakit po lolo,may sinabi ba akong papayag ako sa gusto niyo?!"galit na ring tanong ko.

Hindi siya nagsalita.
Nakatitig lang siya sa akin.

"Hindi ako papayag na manipulahin niyo ang buhay ko!Kaya kong  tumayo sa sarili kong mga paa!"pagpapatuloy ko.

Ngumisi siya sa akin.
Iba ang pakiramdam ko dito.Parang may gagawin siyang ikapapahamak ni Lavender.
Hindi.
Hindi puwedeng mangyari to!

"Hindi ko rin inaasahan na tratuhin mo rin ako ng ganyan"mahina pero madiing sabi niya.

"Oh....at least,hindi pala ako ang unang trumato ng ganito sayo.Sino po siya?Kilala ko po ba?"nakakainsultong nakangiti ako habang tinatanong ito sa kanya.

Missing Piece(COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon