Nathan's POV
"Bakit ngayon ka lang?Kanina pa kita hinihintay?"bungad na tanong ni Yohan sa akin.
Nagtaka ako kung bakit nandito siya sa mansyon.
Naka upo sa kama ko.
At bakit ako pinagpapawisan gayong malakas naman ang aircon at may ceiling fan pa sa magka bilang dingding ng kwarto ko.
At bakit ang dilim?!
"Kinakausap kita, Nathan..."pukaw sa akin ni Yohan.
"Ahm..."wala akong salitang masabi..
Nagtataka parin ako kung bakit siya nandito gayong....
"Halika,sama ka sa akin!"nakangiting yaya niya sa akin at tumayo mula sa kama.
Nagulat na lang ako nang biglang nasa harapan ko na siya.
Hinawakan niya ang isang braso ko...
Bakit ang lamig ng kamay niya?!
Hinila niya ako palabas ng kwarto ko...
Hinila niya ako hanggang sa hallway at doon nakita ko ang liwanag.
"Sandali lang!Wait!"bulalas ko habang nagpupumiglas ako sa pagkakahawak niya sa braso ko.
Patuloy siya sa paghakbang at ako naman ay patuloy lang sa pagpupumiglas.
"Yohan...stop it!"malakas na sigaw ko at pilit kumakawala sa pagkakahawak niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Missing Piece(COMPLETE)
FanfictionRank #1 in my little pony. (11/26/18) Eunkook fan fiction. Tagalog and English ff. Gaano ka-importante ang TIWALA sa isang maayos na relasyon o pagsasama? Kaya mo bang pagkatiwalaan ang taong sinaktan ka't iniwan? Pero paano kung di ka na niya kil...