Part 12:Welcome Back

59 12 1
                                    

2 Years Later....

Lavender's POV

Dalawang taon na ang nakararaan...

Hindi ko parin malaman kung ano ang dahilan ng pagkawala ni Yohan.

Hindi ko matanggap sa sarili ko na iniwan niya ako dahil sa isang dahilan na di ko matukoy kung totoo iyon o tanging kasinungalingan lamang.

<flashback 2years ago>

Nagising ako.
Pagmulat ko ng aking mga mata ,nasilaw ako sa liwanag ng kapaligiran.

Puro puti kasi ang nakapaligid sa akin at napagtanto kong nasa hospital ako.

Nakahiga sa hospital bed at may benda sa ulo.

"Urghhh"ungol ko habang sapo ng dalawa kong braso ang aking ulo.

"Lavender!"dali daling lumapit sa akin si Jin oppa nang makitang nagkamalay na ako at marinig ang ungol ko.

Nakasunod sa kanya si Taehyung oppa.

"Tawagin ko lang ang doctor"sabi ni Taehyung oppa tsaka lumabas ng pinto.

Pagdating ng doctor ay kaagad akong in examine at nang matapos ay kaagad ding umalis matapos sabihing kailangan ko na lang magpahinga dahil wala naman daw naapektuhan sa maselang bahagi ng ulo ko.

Inilibot ko ang paningin ko....
Baka sakaling makita ko siya,pero bigo ako.
Hindi ko masilayan ang gusto kong makita.

Missing Piece(COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon