TWENTY FOUR...

36 10 0
                                        

•Aimy•

Nabalitaan ko ang tungkol sa ipinagkalat sa buong school.
That Yohan is not really himself, meaning....Nathan is back!
At alam ko rin na magiging mahirap ang pagdadaanan ni Nathan Ngayong alam na ng buong school ang tungkol sa tunay niyang pagkatao.

Papasok na ako sa school campus nang makasalubong ko ang babaeng Nagkalat ng tunay na pagkatao ni Nathan;si Kesha.

"For sure...he is cursing on you right now"nakangising sabi ko.

Napatigil siya sa paglalakad.
Lumingon sa akin at Tinitigan ako.

"Who are you?"tanong niya.

"Nathan didn't tell you about me?"balik tanong ko sa kanya.

Kumunot ang noo niya.

"No"Umiling siya.

Bago pa man ako makasagot sa kanya,dumating na sina Lavender at Nathan kasama sina Taehyung at Jin.

Matalim ang titig ni Nathan Kay Kesha.
At alam kong matindi ang galit niya.

"Masaya ka ba ngayon?!"galit na tanong niya Kay Kesha.

Hindi umimik ang babae. Napayuko lang habang titig na titig si Nathan sa kanya.

Tumingin ako sa direksiyon ni Lavender at noon din ay napatingin siya sa direksiyon ko.

"Aimy-shi..."sambit niya sa pangalan ko.

Ngumiti ako sa kanya.
Nakunot noo naman si Nathan nang napatingin sa akin.

"Aimy?"tanong niya tsaka bumaling Kay Lavender.

"Hmmm...dating crush ni Yohan"nakangiting sagot ni Lavender.

Natawa ako.

"Parang Kailan lang talaga nang magtapat siya sa akin"nakangiting sabi ko.

Natawa din si Lavender.
Napangiti naman si Nathan pero agad ding Nawala nang Tumingin Kay Kesha.

"Hindi kita mapapatawad sa ginawa mo..Pero thank you rin dahil sa ginawa mo,madali na lang ang kasuklaman kita"madiin ang mga salitang binitiwan niya.

Napaluha si Kesha.
Hindi ko masisisi si Nathan,dahil sa dami na ng kanyang pinagdaanan sa buhay.

*°^~•*°^~••
•Kesha•

Missing Piece(COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon