•Author•
Naglalakad siya papasok na sa eskwelahan nang may humarang sa daraanan niya.
"Mr.Park...."nakangiting sabi niya sa pangalan ng matanda.
"Gusto kang maka usap ni Nathan"sabi ni Mr.Park.
Nakunot noo siya.
Ang pagkakaalam niya ay nasa school na ang binata."Ang sabi niya nasa school na siya..."turan niya .
Si Mr.Park naman ang nakunot noo sa sinabi ni Lavender...
"Eh sino yung nagtext sa akin?"tanong niya.
Napa isip siya.
Hanggang sa marealize niya ang isang bagay.
Napangiti siya."Baka naman may surpresa siya?"turan niya.
Napangiti rin ang matanda.
Tsaka tumango."Siguro nga"sang ayon nito.
Sumakay kami sa dala niyang sasakyan.Makalipas ang ilang minuto ay nakarating kami sa isang abandunadong lugar malapit sa school na pinapasukan niya.
"Bakit dito niya gustong makipag-kita?"nagtatakang tanong ni Mr.Park.
"Balik na lang po kaya tayo...mamaya baka ano pa ...."-Lavender.
Hindi niya natuloy ang gusto kong sabihin,nang may nagbukas sa pinto ng sasakyan.
"Baba!"utos ng isang lalaki sabay hila sa kanya.
"Sino kayo?!"tanong ni Mr.Park habang nagpupumiglas sa pagkakahawak ng dalawang lalaki.
"Huwag na kayong maingay! Sumunod na lang kayo!"bulyaw ng isa pang lalaki.
Kinaladkad sila papunta sa abandunadong gusali.
Pagdating nila roon,napamulagat siya..."Don Francisco..."sambit ni Mr.Park sa pangalan ng matanda.
Kagaya niya,nanlaki din ang mga mata ni Mr.Park.
Hindi maganda ang pakiramdam niya rito."Kumusta na Lavender?"naka ngising tanong ni Don Francisco Kay Lavender.
"Anong gagawin niyo Kay Lavender?"tanong ni Mr.Park Kay Don Francisco.
"Dalhin niyo na si Mr.Park sa mansyon. Bantayan niyo siya!"utos ni Don Francisco sa mga tauhan nito.
Nang makalayo ang sasakyan,lumabas si Kesha mula sa pinagtataguan nito sa likod ng pader.
"Kesha..."sambit niya sa pangalan ng dalaga.
"Diba sabi ko...Walang makaka agaw Kay Nathan sa akin!"sigaw nito sa kanya habang papalapit.
BINABASA MO ANG
Missing Piece(COMPLETE)
FanficRank #1 in my little pony. (11/26/18) Eunkook fan fiction. Tagalog and English ff. Gaano ka-importante ang TIWALA sa isang maayos na relasyon o pagsasama? Kaya mo bang pagkatiwalaan ang taong sinaktan ka't iniwan? Pero paano kung di ka na niya kil...