chapter 5
...
......
Two weeks have past, everything is back to normal. Boring na klase, asaran, aral konti ..... Pati si Nikee nakalabas ng ospital. Maan is nowhere to be found, sabi nila nagmigrate na raw siya with her family abroad. I hope she can move on after all that happened that night...
Oy!!! tol, tulala ka ha.. laway mo tumutulo oh... tsk panira naman tong si Leny, nagiisip ako dito eh. Tsk nama...
Hininhintay ko lang si Hanes..
Kung may maganda sigurong naidulot sakin yung insidenteng yun eh, yung pagiging magkaibigan namin ni Hanes. Ever since that night, we became friends. Not that close pero at least nakakausap ko na siya ng matino. Hindi yung puro tanong. I tried to ask her several times kung pwedeng manligaw pero hindi ako makatyempo. Ang hirap talaga ng babaeng to.
Uy, di ba kinausap kana ni Nikee. Hindi si Hanes yung tipong niloloko... tsk naglitanya nanaman...
NIkee...
Si Nikee nga pala!!!, Hindi ko pa siya nakakausap since that day. Ang dami kong gustong itanong sa kanya pero alam ko namang hindi niya ko sasagutin. Hindi naman kasi magoopen up sakin yun eh ...
Hmmmm si Leny kaya may alam...
Eleonor...
POtpot!!! ulitin mo pa!!! Sabing Leny eh!!! ..
ay oo nga pala, ayaw niyang tinatawag siya ng Eleonor.
Ok, chill... Leny, kelan mo pa nakilala si Nikee?..
Hmm. I just met her last sem. Gang fight din yun, magisa lang ako. Tapos super ang dami nila, puro lalake pa, good thing napadaan sila Nikee at Jealou. Ayun, tinumba namin silang lahat....
grabeh pala, first meeting palang sapakan na kagad....
Uhm, Pero may kilala kabang Kenneth? or may alam kang kilala ni Nikee na Kenneth?.. tsk sana meron...
Nope, we seldom talk about guys in school. Madalas puro gwapong lalake lang, foreigners ganun.. Teka!!! bakit ang dami mong tanong?!! ...
Wala naman, sigeh pupuntahan ko na si Hanes sa room niya. .. Salamat Leny...
.
.
.
Hanes' POV
Honey!!!
Anu ba naman yan?!!! Andito nanaman tong lalaking to!! Nakakasira ng araw!!!..... Pero kahit asar ako dito, malaking pasasalamat ko sa kanya. Kahit na alam niyang dehado siya nung mga panahon na yun, pumunta parin siya. I don't know if he's real or not, I don't know if I can trust him or not pero isa lang ang alam ko,
..............hindi siya masamang tao.
Pwede ba, wag kang feeling close. Hindi porket niligtas mo ko that night ibig sabihin pwede mo ng gawin ang lahat ng gusto mo. ..
Grabeh ka naman!!!! Pagkatapos kong ialay ang buhay ko sayo, susungitan mo ko?? Grabeh, lagi nalang niyang pinamumukha sakin yung ginawa niya. Kainis!!!!
Anu ba kailangan mo?.. make it quick, kelangan ko ng umuwi.
Pagluto mo ko sa condo ko... please:) Ang kapal!!!!