HANES POV
Uhm Lenny, nakita niyo ba si Jared?
Huh??Hindi eh. Kaw si Hanes diba. Sorry di naming siya nakita.
Asan na kaya yun? Hindi siya umuwi sa condo kagabi. Pano ko siya makakausap nito.
Ah.. eh si Nikee? Andito na ba siya?
Tama si Nikee nalang kakausapin ko.
Wala pa eh. Baka hindi pumasok yun.
Ok sigeh salamat nalang.
Hindi talaga ako mapakali dito. Nag-aalala ako, next week na yung kasal! Anung gagawin ko?? Hindi ko naman talaga alam na kuya pala niya yun. Tapos bakit magkasama sila ni Nikee dun sa party. Bakit hindi ako yung sinama niya??
Matapos magbell bumaba na ko sa canteen. Nakita ko dun si Jared, kasama niya si Loui. Buti naman pumasok siya sa school.
Papalapit n asana ako ng biglang lumapit sa table nila si Nikee.
Anu to??
Umupo siya sa tabi ni Jared.
Sila na ba??
Pinalitan na niya ko? Bakit ang bilis naman?
Hindi to pwede!! Ang kapal naman nila! Dito pa talaga sa school?? Kung galit siya sana hinayaan nalang muna niya kong magpaliwanag.
JARED’S POV
Uy, Jared pogi bakit mukhang down ka?
Pano kasi Loui. Si Hanes, Fiance ng kuya ko.
Huh!!!! Panong nangyari yun?? Tsaka paano mo naman nalaman??
Kagabi, yung party sa bahay. Dun sinabi nila Mom and Dad. Andun din yung family nila Hanes.
Pag naaalala ko na babadtrip talaga ako.!! PESTE!!
Anung sabi ng girlfriend mo?
Wala, ni hindi nga siya nagreact eh. Pangiti ngiti pa siya sa mga bisita.
Pano mangyayari yun. Eh dib a matagal ng na sa States yung kuya mo. Si Hanes naman kalilipat lang dito.
Ewan ko!! Basta ang alam ko nagmukha akong tanga kagabi. Ni wala ngang pumansin sakin, kahit sina Mom and Dad. Akala ko pa naman, andito sila kasi gusto nila akong makasama. Yun pala, another business trip lang to.
Nag-anak pa sila!!
Nakapagusap nab a kayo ni Hanes?
Hindi nga eh. Hindi ako umuwi kagabi. Pagkatapos kong ihatid si Nikee nagbar muna ako.
Nikee?? Pano naman siya napasok dito??
Speaking of the devil herself. Nakita ko nalang bigla si Nikee, papalapit samin.
Oy, Jared. Ibili mo nga ako ng chocolate bar tsaka four seasons, dali!!.
Haist di pa rin nagbabago. Masyadong bossy.
Ok fine. Loui saglit lang ha.
Uy, Bakit kailangan mo siyang ibili?? Wala ba siyang kamay hmmhauuummm
Buti nalang natakpan ko yung bunganga ni Loui, kundi baka nagka-riot na dito sa canteen. Alam kong masakit parin yung kamay ni Nikee dahil sa nangyari kagabi.