Two

13.2K 487 24
                                    

"Ilang araw akong mawawala Dane, sana sundin mo 'yung paaalala ko sayo."

"Bakit hindi mo'ko sama couz." sagot ko habang nagdidikit ng picture. Gumagawa ako ng scrapbook, project namin sa school.

"Kung pwede lang couz isasama kita, at saka may pasok ka hindi pwede."

"Kung sabagay dibale next time couz sama mo'ko pa maynila ha? Medyo nauumay narin ako dito sa probinsya."

"Oo naman, aalis na rin tayo dito basta tapusin mo lang ang highschool mo at sa Maynila na tayo titira."

KINAGABIHAN din ng araw na iyon ay hinatid ko si Kiel sa station ng bus pa maynila.

"Dane 'yung palagi kong paalala sayo at mag-iingat ka." nakangiting sabi pa niya.

"Ingat ka rin" nagbeso-beso pa kami bago siya umakyat ng bus.

Kumaway kaway ako kay Kiel habang papaalis ang bus na sinasakyan niya. Nang makalayo na ito ay nagsimula na akong maglakad pauwi ng apartment hindi na ako sumakay dahil nanghihinayang kasi ako sa seven pesos na pambayad sa tricyle saka medyo malapit lapit lang at nagtitipid din ako hindi naman kami mayaman ng pinsan ko. Kung baga sakto lang may panahong mapera kami at meron ding walang wala.

Nakakapagtaka lang na parang ako lang ang taong naglalakad ngayon, usually naman maraming tao dito at mga sasakyang dumadaan. Binilsan ko nalang ang paglalakad malayo layo din ang mga pagitan mga ilaw medyo matatakutin pa naman ako mag-isa.

Napahinto ako saglit at napatingala sa langit. Nanlalaki ang mata ko habang nakatingin sa buwan. Ang puting liwanag nito ay unti-unting nabalutan ng pula. Gusto kong mamangha sa nasaksihan, buong buhay ko ay ngayon lang ako nakasaksi na naging pula ang buwan ngunit mas nangibabaw ang takot sa akin nang makita ko ang grupo ng mga paniki na lumilipad papunta sa direksyon ko. Hindi ko napigilan ang mapasigaw at mabilis akong tumakbo.

"Tulong! Tulong!" Lumingon lingon pa ako sa mga paniking malapit na akong abutan.

Mangiyakngiyak ako sa kaba ng makakita ako ng matangkad na lalaking naglalakad.

"Kuya!!!" Dinambahan ko siya sa sa sobrang takot at natumba kami parehas sabay ng paglamapas ng mga grupo ng mga paniking humahabol sakin.

"Aquiro!" Gulat na gulat kong usal ng makita ko ang mukha ng lalaking dinambahan ko.

"Tsk, ang bigat mo." usal niya at saka ko napagtanto ang pwesto namin, nasa ibabaw niya ako at sobrang lapit ng mga mukha namin. Hindi ko naiwasan ang hindi mapalunok ng mapatitig muli ako sa mga mata niya, wala siya ngayong suot na salamin.

"Wala ka bang planong tumayo?" Masungit niyang tanong dali dali naman akong tumayo. Ano ba to' bakit ba hindi ko maiwasan ang hindi mamangha sa kanya hindi naman dati ako ganito.

Anong bang nangyayare sakin?

"Sorry." paumanhin ko, hindi siya sumagot sakin ni hindi manlang tumingin uli, busy siya sa pagpapagpag ng sarili.

"Umuwi kana." yun lang ang sinabi niya at tinalikudan muli ako saka napamulsang naglakad papalayo.

Ang sungit!

"Hoy! Aquiro!" Sigaw ko at sinikap na sabayan siya sa paglalakad.

"Hindi mo manlang ba ako ihahatid? Hindi mo ba nakita hinabol ako ng mga paniki kanina." sabi ko sa kanyang parang walang nadidinig at tuloy lang sa paglalakad.

"Ang sungit mo!"

Dedma pa din! Grabe ang lalaking to' over sa sungit! Ang weird weird pa kaya napapagkamalang bampira.

"Aquiro! Hallucination lang ba 'yung nakita ko kanina? O totoong naging kulay pula ang buwan." nakatingala kong tanong habang salubong ang kilay, nakakapagtaka lang na kanina naging kulay pula ang buwan tapos naging normal na uli.

Narinig ko lang ang pagbuntong hininga niya saka ako tumingin muli. Ang seryoso masyado! Ang gwapo pa naman.

Napangiti na lang ako sa naisip. "Aquiro thankyou ha?"

Doon siya huminto at tumingin sakin ng diretso.

"For what?" Bahagya pang tumaas yung kilay niya.

"Niligtas mo 'ko e...kasi..sympre kung hindi kita nakita at dinambahan malamang inanu nako ng mga paniki..kaya thankyou " sagot ko at ngumiti uli.

Umiwas siya ng tingin at tumingala. "But it doesn't mean I save you"

"Ha? Hoy! Aquiro teka lang!" Malakas na sigaw ko bakit ba ang hilig niyang mag-walkout!? Kausap pa e! Naalala ko pa naman 'yung nangyare noong isang araw na mabilis pa sa bulang naglaho siya sa paningin ko. Tinakot ko pa ang sarili ko kasi naisip kong baka nga bampira siya, pero ako na din ang nagsabing hindi totoo ang bampira kaya malamang dala na rin siguro ng pagod sa school kaya kung anu ano nakikita ko pati mata niya ay napagkakamalan kong nagiging pula.

Pero kanina 'yung buwan? Naging kulay pula? Dala pa rin ba ng pagod yun o totoo talaga?

"Aquiro!!!" Todo sigaw ko at nagpadyakpadyak pa.

And thank god huminto si sungit!

"What?!" Parang naiiritang tanong niya.

"Ihatid mo 'ko." lakas loob kong sinabi habang nakangiti.

Kumunot ang noo niya habang nakatitig sa mata ko na para bang binabasa kung seryoso ba ako sa sinabi.

"No.." Agad niyang sagot.

Sungit talaga.

"Sige na Aquiro? Wala ka bang concern sakin baka mapano ako sige ka, saka masyado akong maganda parang tanggihan mo heheh." siguro iniisip na ni Aquiro na ang kapal ng mukha ko pero wala akong paki. Ang weird lang dahil hindi ko mapagilang maging ganito sa kanya.

"Silent means yes, right?" Tanong ko pa.

Umiwas siya ng tingin kaya napangiti ako meaning payag nga siya. Nauuna siyang naglakad pero hindi na mabilis, nasa likod niya lang ako habang sira-ulong pangiti-ngiti. Pinagmamasdan ko ang likod niya, siguro hanggang balikat niya lang ako dahil masyado siyang matangkad.

"Ang galing mo naman! Paano mo nalaman na dito ako nakatira?" Namamangha kong sabi ng tumigil kami sa tapat ng apartment namin ni Kiel.

Kasi hindi ko naman sinasabi sa kanya kung saan ako nakatira kaya paano niya nalaman?

Ang weird talaga ng taong to'

"Pumasok ka na lang." malamig na boses sagot niya.

"Sungit talaga." bulong bulong ko sa sarili habang pinagmamasdan siyang naglalakad palayo, pero infairness hinintay niya muna akong pumasok sa pinto bago siya umalis.

Napangiti ako. "Salamat sa paghatid!" Habol na sigaw ko na siguradong madidinig niya.

~to be continue..~
Pls.vote & comment read my other story if you are interested. Kamsaaa.

Owned By A VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon