Maulan ang gabi at mag-isa akong naglalakad sa isang masukal na daan. Tanging kidlat ang nagsisilbing tanglaw ko. Pigil hikbi ako sa pag-iyak habang nakayakap ng mahigpit sa hawak kong manika.
Hindi ko alam ang pupuntahan ko. Nahinto ako ng makita ang isang pamilyar na figura.
Sa dilim na kitatayuan nito ay kitang kita ko ang kulay pulang mata niya.
Napasinghap ako sa takot at sumigaw, sunod na nangyare namalayan ko nalang na nasa harap ko na siya.
Hindi ko maaninag ang mukha niya pero ramdam ko ang seryosong tingin nito sakin habang umiiyak ako sa sobrang takot.
Paatras ako ng paatras habang siya ay papalapit ng papalapit, hanggang sa tumama ang likod ko sa puno kasabay noon ang biglang pagkidlat pero bigo akong makita ang mukha niya.
"Dane!"
"A-aquiro!" Sigaw ko at nagising mula panaginip na iyon.
"Ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong niya at hinaplos ang pisngi ko.
"Okay lang.."
"Sigurado kaba?" Usisang tanong pa niya habang diretsong nakatingin sa mga mata ko.
"Uhm ayos lang ako"
"Aquiro, pinapatawag ka ni Syna" sabay namin nilingon ang ang babaeng pumasok si...
XEN
"Sige..susunod nako" sagot ni Aquiro saka siya bumaling sakin.
"Maiwan na muna kita dito" saka niya ako ginawaran ng halik sa pisngi bago ako naiwang natulalang nakatingin sa kanila ni Xen na sabay na lumabas.
"Ano ba Dane! Kilig ka naman!" Sabi ko sa sarili at napahagikgik ng tawa.
Tumayo nako mula sa pagkakahiga at tumingin sa malaking salamin. Napanguso ako sa suot kung damit. Hindi pa rin ako nakakapag-palit mula kahapon. Nakakahiya naman! Pero kagaya ng sinabi ni Aquiro uuwi rin naman niya ko mamaya.
At sa tingin ko kailangan ko talagang magpalit. Nakakahiya naman kay Aquiro na baka ang baho ko na. Hayy. Nilibot ko ang paningin sa buong silid nagbabakasaling may makitang damit na pwede kong suotin.
Mabuti nalang ay may nakita akong loong sleeve na itim sa sofa.
Kinuha ko ito at inamoy. Ang bango! Amoy ni Aquiro.
Hinubad ko na ang suot kung puting tshirt ng biglang may nagsalita.
"DANE!!" Halos mapatalon ako sa gulat. Dali dali kong tinakpan ang dibdib ko gamit ang braso at napatungo sa pagkapahiya.
Pwede bang kainin nalang ako ng lupa? Kahit hindi ako nakatingin sa kanya ay ramdam ko pagtitig niya.
Ano ba tong ginawa ko? Nakita ni Aquiro!
Aish!!!
"Sorry" narinig kong paumanhin niya saka ako nag-angat ng tingin. Nakatingin siya sa kabilang side at bahagyang namumula ang pisngi.
"M-magbihis ka muna" nauutal at napapalunok na utos niya at mabilis na nawala sa paningin ko.
Arghh. Nakakahiya ka Dane!
Pagkatapos ko magbihis ay lumabas na ako ng silid naabutan ko si Aquiro na nakatungo habang nakasandal sa pader na para bang ang lalim ng iniisip niya.
"Aquiro tapos na.." Nahihiyang sambit ko.
"Okay then, let's go kanina pa tayo hinihintay sa centro" lumapit siya sakin at hinawakan ako sa kamay, sabay kaming naglakad sa pasilyo patungong centro.
"Aquiro pagkatapos ba nito makakauwi nako?"
"Y-yes"
Bakit ganon pakiramdam ko hindi siya sigurado at nagsisinungaling si Aquiro? Natigil ako sa pagiisip ng pumasok na kami ng Centro.
Nakakakilabot pa rin ang pakiramdam habang naglalakad patungo sa trono ni Syna. Maraming mga pulang mata ang nakatingin sakin na hindi mo malaman kung anu ang nasa isip nila.
Inanyayahan kami ni Syna sa hapagkainan para kumain. Namamangha akong nililibot ang paningin dahil puro ginto ang nakikita kong gamit nila.
Nandon si Xen at Deves at ang ibang bampira ay nanatiling nakatayo sa gilid. Napapalunok ako habang nakatingin sa mga pagkaing nasa mahabang mesa gawa ito sa ginto ganon din ang mga upuan.
"Kumain ka" nakangiting anyaya ni Syna at iniabot sakin ang bowl na mukhang dinuguan ang laman.
"Salamat po"
"Are you sure with the food? Kumakain ka ba niyan?" Mahinang tanong ni Aquiro na nasa tabi ko. Pansin ko ang mga pagsulyap ni Xen kay Aquiro.
Hindi ko na iyon pinansin at nagsimulang isubo ang pagkain. Lahat sila ay nakatingin sakin na wari mo ba'y tinitignan ang reaksyon ko.
Pinilit kung lunukin ang bawat karneng lasang dugo. Gusto kong masuka pero ayoko gumawa ng eksena.
Kahit si Aquiro ay mukhang nagulat sa tuloy-tuloy na pagkain ko marahil sigurong inasahan niyang iduduwal ko iyon.
"Mukhang nagustuhan mo ang pagkaing inihanda namin sayo" masayang tugon ni Syna.
"Oo naman po!" Sagot ko at kumuha ng maraming ubas at isa isa iyong isubo upang alsin ang dugong panlasa ko dahil sa kinain.
"Maswerte ka at ikaw ang napiling pakasalanan ni Aquiro" ani pa ni Syna at ininum ang dugong nasa kupita.
Napalunok ako at pilit na ngumiti.
"Bakit Syna hindi nyo pa sabihin sa kanya kung bakit talaga siya nandito" biglang sabi ni Deves.
Nagbago ang reaksyon ni Syna at biglang naging pula ang mata.
"Manahimik ka Deves! Ang lahat ay nasa plano!"Pagkatapos nun ay mabilis na nawala si Syna at ang mga bampirang kanina'y nasa paligid namin.
Napaamang ako habang naiisip ang huling sinabi ni Syna. Bigla ay parang kinutuban ako at kinabahan.
'Ang lahat ay nasa plano?'
Tumingin ako kay Deves na ganon nalang ang sama ng tingin sakin. Hindi ko naiintindihan. Parang may mali...
Napalunok ako ng mawala na siya sa paningin ko saka bumaling kay Aquiro.
Nakatitig siya sakin at mukhang nabasa niya na ang iniisip ko.
"Malalaman mo rin ang totoo" ani niya at tumingin kay Xen.
Bakit ganon? Bakit kakaiba ang paraan niya ng pagtingin kay Xen. Para silang nag-uusap.
Napalunok ako at mas humigpit ang kapit sa kamay kong namamawis.
"Ano ba talagang totoo?" Mahinang tanong ko para akong maiiyak, pakiramdam ko ay nasa isa akong malaking panganib na hindi ko alam ang totoong nangyayare.
"Dane...hindi kana makakaalis dito.."
---
BINABASA MO ANG
Owned By A Vampire
Vampire[Published] "Once you enter my world, you're mine." TN: Not edited. ©2017 CrystalineG