#73 in Vampire :)
NAGISING ako sa malakas na tunog nang alarm clock na nasa gilid ng aking kama. Pikit matang pinatay ko ito at nagtaklob ng unan sa mukha.
"Five minutes pa!" Antok na antok kong sabi.
"Bumangon kana d'yan."
Agad akong napamulat matapos marinig iyon.
"A-aquiro!?" Nauutal kong sabi habang nakatingin sa kanyang nakapanlalaking pandekwatrong nakaupo sa single na sofa.
"It's already eleven am, magtutulog ka lang ba maghapon?" He asked.
Umiling-iling ako at kagat labing hinila ang kumot pataklob sa suot kong manipis na pantulog.
Nakakahiya! Wala pa naman akong suot na bra! Nakasanayan ko na ito t'wing matutulog dahil ang bilin sa akin ni Keil ay naka-cancer daw kapag may suot na bra.
Salamat na lang at hindi iyon napansin ni Aquiro. At saka paano ba siya nakapasok ng apartment at kwarto ko?
"A-anong ginagawa mo dito?" T
tanong ko. Naiisip ko pa din 'yung nangyare kagabi. Nakumpirma ko na isa siyang bampira at sinabi niya sa 'kin na pag-aari na niya ako."Sinusundo ka, ngayon ang araw na ipapakilala kita sa kanila, magbihis kana kanina pa ako nandito."
"Ha?!" sagot ko.
"Teka! Sigurado ka bang ngayon na?" Kinakabahan kong tanong.
"Of course." napapalunok ako ng tumayo siya at lumapit.
"Pero inaantok pa ako." usal ko at umiwas tingin.
Ikaw ba naman ang titigan ng isang gwapong nilalang na ito. Ewan ko lang kung hindi ka mailang.
Hinawakan niya ako sa chin pabalik ng tingin sa kanya. Muli kong napagmasdan ang kanyang mukha. Normal ang kulay ng mga mata niya at suot-suot ang makapal niyang salamin. Ang dating niya ngayon ay ang Aquiro'ng nakilala ko dahil na rin sa balot niyang kasuotan.
"Masyado ng mahaba ang tulog mo kaya tumayo kana dyan," malumanay pero seryosong utos niya.
Hinalkan niya ako sa pisngi at saka hinawakan sa kamay. Ang lambot ng kamay niya.
"Dane.."
"Hmm?"
"Can I ask you a favor?"
"Sige, ano 'yun?" tanong ko.
"Pwede bang huwag ka mailang sa 'kin?"
"Ha..hindi naman ako naiilang sayo e," sabi ko at ngumiti.
"Talaga? gusto ko lang masanay ka sa pagiging madikit ko, did you get my point?" sabay smile niya.
Lord! Bakit habang tumatagal lalo siyang pa-gwapo ng pa-gwapo sa paningin ko. Para siyang isang alamat.
Tumango lang ako bilang sagot.
NASA TAPAT na kami ng bahay nila Aquiro. Mahigpit ang pagkakapit ko sa laylayan ng kanyang damit habang naglalakad kami papuntang pintuan papasok. Kanina pa ako nakakaramdam ng kaba, bakit nga ba hindi?
Kung bampira si Aquiro malamang ang pamilya niya ay ganoon din. Marami din akong negative thoughts na naisip.
"Hey, don't be scared just hold my hand."
"Kinakabahan ako Aquiro."
"Don't be, kasama mo ako," tapos hinawakan niya ako sa kamay ng mahigpit.
Kahit papaano ay nabawasan ang kaba ko. Mukhang tama siya. Ang pakiramdam na magdait ang palad namin ay parang safe na safe ako.
Pagkabukas niya ng pintuan ay hindi ko inasahan na kakaibang mundo ang sasalubong sa akin.
BINABASA MO ANG
Owned By A Vampire
Vampire[Published] "Once you enter my world, you're mine." TN: Not edited. ©2017 CrystalineG