Sixteen

8.2K 297 36
                                    

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko habang nanatiling nakayakap ng mahigpit si Aquiro.

"Dane..." sambit niya ng hawakan ang magkabilang pisngi ko.

Parang natuyo ang laway ko at hindi makapagsalita nanatiling nakatitig ako kay Aquiro.

Ngumiti siya.

"Ganan ka ba talaga kailang sakin?"

At doon lang ako parang bumalik sa sarili ko. "Hah? Hindi ah! Nakakagulat lang kasing nandito ka" sagot ko at tumingin sa ibang direksyon.

"You're lying" sabi niya at tumawa.

Hindi ko alam pero na-aamaze ako sa tawa niya, ang sarap pakinggan at panuorin.

Pero---

"Bakit mo naman nasabing nagsisinungaling ako ha?" Nakasimangot kong tanong at lumayo sa kanya. Umupo ako sa kama at tumingin sa lapag. Hays. Tama naman talaga siya naiilang ako.. sino bang hindi?

At kinakabahan din akong malaman niya kung gaano kalakas ang tibok ng puso ko.

Habang nandyan siya.

"Dahil nababasa ko ang nainiisp mo"

Napaangat ako ng tingin sa sinabi ni Aquiro.

"Nababasa mo naiisip ko?" tanong ko habang naalala na sinabi niya rin iyon sa panaginip ko.

"Oo, kaya nga nalaman ko kaagad na may gusto ka sakin"

"Ano?!" Sabi ko dahil sobrang lakas ng confident ni Aquiro. Nakakapanibago lang from sungit biglang humihirit siya ng ganito.

Humalakhak siya.

"Bakit Dane hindi ba't toong may gusto ka sakin?" Diretsong tanong niya habang nakatingin ng diretso sa mata ko.

Ramdam ko naman ang pag-iinit ng pisngi ko. Hay!

"Hindi ah!" Mabilis na tanggi ko at umiwas ng tingin. Jusmeyo! Parang malalaglag ang puso ko sa sobrang kaba at bilis ng tibok.

"Uhm..gusto mo bang ipaalala ko sayo?"

"Aquiro! Magtigil ka nga" naiilang ko talagang tugon.

Tumawa siya pero ilang sandali pa ay katahimikan ang bumalot samin.

"Alam mo Dane..ayaw ko talagang mag-lalapit ka sakin noong una palang" napatingin ako kay Aquiro ng magsalita siya.

"...pero makulit ang isang mortal na tulad mo..palagi mo 'ko sinusundan at pinipilit kausapin ka" sabay ngiti niya.

Muli ko namang naalalang bampira si Aquiro. Natatandaan kong nakompirma ko ito ng sundan ko siya sa kanilang bahay pero sunod na dun ay yung lahat ng nangyare sa panaginip ko hanggang ngayon ay hindi ko parin alam kung anu ba talaga nangyare sa pagsunod ko kay Aquiro.

Hinawakan niya ako sa kamay. Parang may kuryenteng dumaloy sa buong sistema ko sa init ng palad niya.

Tumingin ako kay Aquiro nakatitig siya sakin habang naka-half smile.

"I love you Dane...since the day i saw you...and my love for you became more deeper when you choose to enter my world"

Hindi ko malaman kung paano magrereact nanatili ang mga tingin ko sa kanyang mga matang punong puno ng sinseridad at katotohanan.





UMAGA nalang pero hindi parin ako pinapatulog ng sinabi ni Aquiro.

"Dane!"

"Kiel?" Sabi ko ng bumukas ang pinto ng kwarto.

"Couz, wala ka bang balak pumasok?" Tanong niya.

Hala!

"Papasok!" Sagot ko at bumangon.

"Bakit couz?" Tanong ko ng mapansing nakatingin siya sakin at nakataas pa ang kilay.

"Couz, natulog ka ba?" Tanong niya.

Ganon ba ka obvious?!

Napatingin ako sa salamin at shoot! Bongga ng eyebags ko.

"Natulog couz!" Pagsisinungaling ko.

"Bulaan" sabi niya at inirapan ako pero pabiro.

Lumabas ako ng kwarto at sumunod kay Kiel na nagluluto ng agahan.

"Mukhang hindi ka talaga natulog couz, tignan mo pinagsasalin kita ng mainit na tubig pero malamig ang sinalin mo" sabi ni couz at bumuntong hininga.

Sumimangot lang ako at kinusot ang mata. Tignan mo nga naman ngayon ako tinamaan ng matinding antok.

"Akin na nga yan Dane! Upo kana dun"

"Couz..sorry" natatawa kong sabi at naupo na.

"Tss...naku Dane for sure tulog ka mamaya sa klase mo"

"Mag-hahalf day nalang ako couz" sagot ko.

"Ikaw bahala couz, basta pumasok ka pa rin"

"Oo naman heheh" sabi ko. Sabay nun ay nagsimula na kaming kumain.

"Couz..pansin ko lang parang namumuti ka tapos putla? Wala ka bang kakaibang nararamdaman?" Biglang tanong ni Kiel at muli ko na naman na pansin ang balat ko.

Hindi talaga siya normal sa totoo kung kulay.

"Wala naman couz..okay lang ako" sagot ko at ngumiti.

"Ang weird lang couz ng kulay mo.." sabi niya tapos parang nagdududa siya talaga sa pagbabago ng kulay ko base sa pagtingin niya.

Pagkatapos namin kumain ay bumalik ako sa kwarto ko at humarap sa salamin.

"Ano bang nangyayare sa balat ko?" Bulong ko sa sarili.

Ang putla talaga tapos ang puti.

"Teka ano naman to?" Sabi ko ng makita ang marka sa leeg ko. Para siyang kagat ng kung anu tapos na tuyo dahil sa katagalan.

Bakit ngayon ko lang ito napansin?

Napaano to?

At saan galing?

---to be continue. Bitin talaga siya :P

Owned By A VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon