"Dane..tapos kana ba, kanina pa naghihintay si Iroh?" tanong ni Xen.Tumingin muli ako sa salamin bago sumunod sa kanya. Syanga pala ngayong araw na ito ang nakatakdang kasal namin ni Aquiro, sa totoo hindi ko maramdaman ang saya, marahil siguro mas nangingibabaw sa akin ang kutob na may mali sa mga nangyayareng ito.
Tumingin ako kay Xen na nauuna saking maglakad, kakaiba ang dating ng aura niya ngayon.
Mahabang pasilyo ang nilakad namin bago kami huminto sa isang malaking pinto na kulay abo.
"Pumasok ka sa loob"
"Hindi ka ba sasama?" tanong ko.
"Hindi" tipid niyang sagot ng hindi manlang tumitingin.
Binuksan niya ang pintuan at sumenyas na pumasok ako. Tumango lang ako at sumunod, pagkatapos noon ay narinig ko nalang ang malakas na pag-sara ng pintuan.
Napasinghap ako at tumingin sa kabuuan ng silid.
Sobrang ganda...kulang ang salitang ganda para i-deskripsyon ang silid na ito.
Napangiti ako habang minamasdan ang paligid. Mayroong malaking kama na itim at puti, makintab na kulay crema ang sahig, mayroong cabinet ng mga libro at sa tabi ay ang malaking salamin, napangiti ako ng makita ang sarili.
Pero...wait?
Diba ikakasal kami ni Aquiro? So, bakit dito ako dinala ni Xen?
Hindi ba dapat ay simbahan or anong pwedeng pagdausan ng kasal?"Saan ka pupunta?" Halos matalon ako sa gulat ng biglang sumulpot nalang si Aquiro sa likod ko at.....
Naka-topless sya!!?
Seryoso siyang nakatingin sakin habang nagpupunas ng basa niyang buhok. Napalunok ako ng mapatingin sa abs ni Aquiro.
"Bakit namumula ka?" takang tanong ni Aquiro at lumapit pa sakin.
Napapalunok ako habang papalapit siya ng papalapit pati iyong abs niya. Ayan naaah!
"Ah..w-wala to" sagot ko at umiwas tingin pakiramdam ko ay bigla akong pinagpapawisan.
"Okay then, magbibihis lang ako saglit" nakangiting sabi niya at daglian akong tumalikod.
Hayss. Wala akong balak panuorin siyang magbihis.Saka akala ko ba kanina pa itong si Aquiro naghihintay?
Pero hindi ko inasahan ang susunod na pangyayare. Napasinghap ako sa hangin ng maramdaman ko ang mainit na katawan at brasong pumulupot mula sa likod ko.
"Aquiro!" Gulat na gulat kong sabi.
"Gusto lang kitang yakapin" sabi niya. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko, sa isang iglap para ako naging tuod sa tayo ko.
"A-a..quiro.." Hindi ko malaman ang mararamdaman ng biglang idampi ni Aquiro ang mga labi niya sa balikat ko patungong leeg. Para akong nilalamon sa ginagawa niya at namalayan ko nalang ang sarili kong napapikit.
"Nauuhaw na ako sa dugo mo..." Bulong niya at marahang kinakagat ang tenga ko pabalik sa leeg animo'y nang-aakit. Pakiramdam ko ay para akong nanghihina lalo na ng mas humigpit ang yakap niya, saglit pa ay mabilis kong naramdaman ang labi niyang sumakop sa'kin. Kung para sa unang beses na idampi niya ang labi sa labi ko ay mas kakaiba ngayon.
Mas agressibo at animo'y uhaw na uhaw.
"I want you...Dane.." Paos niyang saad sa pagitan ng halik napatitig lang ako sa kulay pula niyang mga mata.
"Pero akala ko ba kas--" hindi ko natuloy ang sasabihin ng hagkan niya muli ako na parang wala ng katapusan.
Mas palalim ng palalim. Naramdaman ko nalang ang mabilis na paglapat ng likod ko sa kama. Kung paano niyang nagawa iyon ay hindi ko alam.
![](https://img.wattpad.com/cover/110598822-288-k454946.jpg)
BINABASA MO ANG
Owned By A Vampire
Vampire[Published] "Once you enter my world, you're mine." TN: Not edited. ©2017 CrystalineG