Fourteen

8.1K 325 42
                                    


TN: Epicfail! 'Yon masasabi ko sa mga comments and reaction nyo sa last chapter hahaha. Feeling ko tuloy hindi ako nag-tagumpay ang pakulo ko sa last chapter dahil walang nakagets haha.

Ganto kasi mga bess, naalala nyo ba ang chapter 4? Iyong masama ang panahon at sinundan ni Dane si Aquiro hanggang sa habulin siya ng paniki at tuluyang nakapasok ng gate nila Aquiro then chuchung nagkaroon ng convo sila tapos the whole chapter 5 to 13 ay PANAGINIP lang or HINDI SIYA TOTOO, back to reality lang ng magising si Dane, so.. ang aalamin natin ay iyong totoong nangyare talaga sa Chapter 4 at bakit halos isang buwan si Dane nakatulog. :D sana nagets nyo na. Sorry sa mga naguguluhan hoping na magets nyo. :D

Ps: wala pong binuburang alaala si fafa Aquiro ;)

_____

DANE

"Couz, sigurado ka bang gusto mo ng magpa-discharge?" Tanong ni Kiel habang tinitiklop ang mga damit ko at nilalagay sa malaking bag.

"Oo couz, ang boring kaya dito sa hospital" sagot ko at kumagat sa tinapay na hawak.

"Osige, babayaran ko lang iyong mga bills mo at kakausapin si Doc" paalam ni Kiel at lumabas ng silid.

Ilang araw na lumipas mula ng magising ako. Sariwa parin sa isip ko 'yong nangyare sa buong pagtulog ko. Wala akong matandaan kung ano ba talaga ang totoong nangyare ng sundan ko si Aquiro basta ang tanging malinaw ay iyong mga napanaginipan ko.

Hayy. Sumasakit na ulo kakaisip.
Ilang saglit pa ay dumating na si Kiel kasama iyong doctor na nagbilin lang ng mga gamot.

..
..
..
..

"Paano na ang pag-aaral ko sa probinsya Kiel?" Nag-aalala kong tanong ng makauwi kami sa tinutuluyang apartment niya dito sa Maynila.

"Dito kana mag-aaral couz, ayoko na maulit pa nangyare sayo doon at isa pa mas mabuti na ito malayo tayo sa panganib"

Kumunot lang ang noo ko dahil hindi ko siya maintindihan.

"Pero Kiel sa---"

"Dane makinig ka, mas gusto ko pang nandidito tayo, nakakalimutan mo na ba mga kagaya ni Aquiro ang pumaslang sa magulang natin?" seryosong saad niya na kinatahimik ko. Naalala ko ngang bata pa kami noong mamatay ang mga magulang namin at sinasabi niyang bampira ang pumatay sa kanila.

Pero bata pa naman ako noon at kakaiba na ang panahon ngayon kaya hindi ko maggawang paniwalaan.

"Sumunod ka nalang Dane, para sa kabutihan natin to', sige na magpahinga ka muna at magluluto lang ako ng makakain natin" naiwan naman akong napapaiisip sa mga sinabi niya.

..
..
..
..

KINAGABIHAN ay mag-isa ako sa apartment kinakailangan pumasok ni Kiel sa trabaho dahil halos isang buwan din kasi siyang nag-leave dahil sa'kin.

At naiisip ko pa rin iyong study ko sa probinsya kahit na sinabi ni Kiel na inaasikaso na niya ang lahat at i-eenrol nalang ako sa mapipili kong school dito. Sayang lang dahil ilang buwan ay graduation na din naman.

Tumayo ako mula sa pagkakahiga para itabi ang mga libro kong binabasa saktong napatingin ako sa malaking salamin na katabi ng aparado. Nahinto ako at pinagmasdan ang sarili.

Bahagyang kumunot ang noo ko ng makita ang malaking pagbabago sa natural kong kulay. What the???

Ang natatandaan ko safeguard lang naman ang ginagamit kong sabon, eh bakit ganito nako ngayon kaputi?

Hindi ako maaring magkamali dahil tingin ko mas maputi na ako kay Kiel dahil sa kulay ko ngayon.

Hindi rin naman ako umiinum ng mga gamot or anything na pampaputi? Teka!! Halaaa! Di kaya epekto ito ng halos isang buwan akong di nasikatan ng araw mula sa mahabang pagkakatulog sa hospital?

Hala bukas na bukas magpapaaraw nga ako. Mukhang hindi na healthy ang balat ko dahil masyadong putla ang pagkaputi. Kailangan ko din naman dahil bilin ni doc at mag-exercise daw ako para mastrech ang katawan.

At kagaya ng sinabi ko ay kinabukasan lumabas ako ng six am para mag-paaraw at magjogging. Tamang tama at maganda ang sikat ng araw at hindi siya masakit sa balat.

"Dane, bumalik ka kaagad ha..huwag ka rin masyado lumayo at pupunta sa padulo dahil gubatan na ang bahaging iyon, mahirap na mag-iingat ka" parang nanay na paalala pa ni Couz. Thought na alam kong nag-aalala lang siya sakin.

"Opo inay" sagot ko at humagikgik ng tawa.

Sinamaan niya ako ng tingin pero pabiro. "Che! Alis kana nga" sabay pagtataboy niya.

Tumawa ako at pinasak ang earphone sa tenga feel ko kasi kapag mag-jojogging ang nakikinig ng music saka namiss ko rin ang ganito matagal na din kasi iyong last time na nagjogging ako.

"Sige couz!" Paalam ko at nagsimulang mag-jogging palayo.

Mga ilang minuto na akong nagjojogging ng mahinto ako ng matanawan ang isang lalaki. Itim ang suot nito at mukhang pamilyar, nakatalikod siya sakin at naglalakad papalayo, kumunot ang noo ko sa pagtataka dahil iyong direksyong pupuntahan niya ay gubat na at wala ng bahay doon 'yon, yung sinasabi ni Kiel kanina.

Pinagmasdan ko ito ng mabuti ewan ko pero bumilis ang tibok ng puso ko kaya napahawak ako sa dibdib ko.

Hindi ako pwedeng magkamali, katulad na katulad niya ang built ng katawan ng taong naiisip ko. Kahit nakatalikod siya sa'kin alam kong siya 'yon----

Parang si Aquiro.

Pero impossible? Anong gagawin niya dito sa Maynila?

--
Rank #50 in Vampire! Yehey! :D thankyou guys!

Owned By A VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon