"Hanggang pagbabanyo ba ay susundan mo ako?" Napapikit ako ng sabihin iyon ni Aquiro.
Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Dalwang araw na ang nakalipas mula ng halkan niya ako sa pisngi. Aminado akong kung anu-ano ng pumasok sa isip ko sa kanyang ginawa at hindi ko na rin mapigilan ang pagbuntot sa kanya. Siguro nga FC ako or should i say feeling close, pero maniwala man kayo at sa hindi i really want to know everything about him and i cannot control myself.
"Sorry." paumanhin ko habang napapatungo.
Dinig ko ang malalim niyang paghinga bago muling nagsalita. "Ilang beses ko ng sinabi sa 'yo na huwag mo akong sundan but you never listen Dane."
"Sorry na sabi" nakasimangot kong sabi at sinalubong ang mga mata niyang diretsong nakatingin sakin.
Umiling-iling siya sabay iwas tingin.
"Dane, hindi mo ako kilala."
Makahulugang saad niya."Kaya nga lumalapit ako sayo at sinusundan ka para makilala kita."
"Ang tigas ng ulo mo!" Inis na sabi niya ng ibalik ang tingin sakin. Halos matigil ang mundo ko saglit ng makita ko ang biglang pagkukulay pula ng kanyang mata. Mabilis lang ito pero nasisigurado kong hindi iyon malik-mata.
"Aquiro..." Hindi parin ako makapaniwala kung ganon hindi guni-guni ang nakita ko noon.
Posibleng..totoong bampira siya.
"Dane, ako ng nakikiusap sayo tigilan mo na itong ginagawa mo, bago pa---" tapos para siyang nag-alangan pang ituloy ang sasabihin.
"Sige na umuwi kana." pag-iiba niya ng usapan at tinalikudan ako.
"Bakit ba palagi mo akong tinataboy at palagi kang umiiwas?"
Ngunit hindi siya sumagot. Napatungo ako habang kagat kagat ang ibabang labi. Damang dama ko ang malamig na simoy ng hangin na hudyat na masama ang panahon kasama ang pagdidilim ng kalangitan.
"Dahil ano? ano bang rason mo?" Mahinang tanong ko pa.
"Umuwi kana bago pa buhumuhos ang malakas na ulan."
"Hindi!" Pagmamatigas ko.
"Bahala ka." matapos noon ay mabilis siyang nawala sa paningin ko.
Dahil doon ay mas lumakas ang tyansa na totoo ang hinala ko at ang sabi sabi nila tungkol kay Aquiro. Pero hindi ba't dapat akong matakot sa kanya? Kagaya noong kilabot na naramdaman ko noon pero bakit ngayon? Ni isang takot sa pagkatao ko ay wala akong maramdaman.
Ang alam ko lang ay hindi ko alam kung anu ang pumapasok sa isip ko. Matinding kursyunidad ang nanaig sa pagkatao ko na parang hindi ako matatahimik hangga't hindi nakukumpira ang aking hinala.
Namalayan ko ang sarili kong naglalakad sa gubat, tinatahak ang daan patungong kinatitirikan ng lumang bahay ng pamilya ni Aquiro sa nasabing gitna ng gubat.
Malakas na ang ulan ng hapon na iyon, tuloy tuloy lang ako sa masukal na daan, hindi ako sigurado sa dinadaanan ko. Sa pagkakatanda ko lang sabi ng mga kaklase kong nambubuyo kay Aquiro kapag nakita ko na ang malaking puno ng acasia sa likod daw noon ay ang bahay nila Aquiro. Ngunit mag-kakalhating oras na akong nag-lalakad pero wala parin akong nakikitang puno ng acasia. Madilim na rin ang paligid tanging kidlat lang at ilaw ng aking cellphone ang nagsisilbing tanglaw ko sa paglalakad, may mga nadidinig akong kuliglig ng mga hayop pero pilit kong iniignora iyon kasi ayokong takutin ang sarili dahil pagnangyare iyon ay talagang magpapanic ako kaya pilit akong nagiging kalmado.
Malakas din ang kutob kong makikita kona ang bahay ni Aquiro.
Bigla akong nahinto ng makarinig ng pamilyar na tinig saka ako napatingala sa langit. Malakas akong napasigaw ng makita ang nagkukumpulang paniki na papunta sakin.
"Ahhhhh!!!!" Tumakbo ako ng tumakbo ng mabilis. Halos makanda subsob ako sa damo at dapa sa mga bato. Hindi ko na maintindihan ang itsura ko, basang basa ako ng ulan at talagang madaming putik.
"Tulong!"
Hanggang sa matanaawan ko ang pigura ng isang taong nakatayo sa may di kalayuan.
Hindi ako maaring magkamali, siya 'yon. Sa likod niya ang lumang bahay na nakatayo napinapalibutan ng nagtataasang mga puno pero parang may kakaiba.
"Aquiro!!Tulungan mo 'ko!!!" Malapit na ako abutan ng mga paniki ng mawala siya sa paningin ko.
Buong sikap akong tumakbo hanggang makapasok ako sa malaking gate ng bahay nila.
Sa isip isip ko ay bakit bigla siyang nawala?Hingal na hingal ako matapos mawala din ang mga paniking humahabol sakin.
"I warned you...not just once but a lot of times." napaangat ako ng tingin sa pamilyar na boses na iyon. Pulang pula ang mga mata niya at mga labi, at hindi ko inaasahan na may ipuputi pa siya sa kanyang normal na kulay.
Para akong nagyelo sa kinatatayuan ko. "and now you enter my world." makahulungang sabi niya at ngumisi.
Nakakakilabot.
Hindi ako makapaniwala sa pagbabago ng kanyang reaksyon. Parang ngayon ko lang naramdaman ang takot at pagsisi.
"Wha..what do you mean?" Nauutal kong tanong. Kinakabahan. Hindi na ako makakurap sa pagkakatitig sa kulay pula niyang mata.
He smiled.
Para akong malulusaw sa kanyang ngiti lalo na ng hawakan niya ang aking kamay. Ang init init ng palad niya. Nakakapagtaka lang na huminto biglang ang ulan.
"Gaya ng sinabi ko, ilang beses kitang binalaan na tumigil ng pagsunod at pagdikit-dikit sakin pero masyado kang matigas ang ulo at nagpadala sa kursyunidad tungkol sa pagkatao ko."
Hindi ko pinansin ang sinabi niya.
"T-ama..tama nga sila isa kang b-ampira.." Nauutal kong sabi. Inalis ko ang pagkakahawak ng kamay niya at umatras. Paatras ako ng paatras habang siya ay palapit ng palapit at nakangisi.
"Yes, I' am." parang nakakaloko pang sabi niya.
"Pero bakit nga ba? Sunod ng sunod ka? May gusto ka ba sakin?" Nakangising tanong pa niya.
Napalunok ako. I can't believe this. Totoo nga..at malayong malayo ang ugali niya ngayon sa Aquiro'ng nakilala ko. Pero..may gusto nga ba ako sa kanya?
"And now you scared? Hindi ba't gusto mong malaman ang totoo?"
"P-pero.."
"Alam mo ba kung anong pinasok mo?" Tanong niya at hinawakan ako sa pisngi at hinaplos haplos iyon.
"Gate ng bahay nyo.." Sagot ko habang titig na titig sa mukha niya.
He chuckled. Napakasarap sa pandinig ng tawa niya. "Stupid." sabay pitik niya sa noo ko.
"Aray, bakit ba namimitik ka sinasabi ko lang naman ang totoo at saka hindi ako stupid" sabi ko at sumimangot.
"That's not what I mean, you're life is in danger."
"Ha? Teka.. Oo nga bampira ka pero Aquiro nasa labas lang ako ng bahay nyo, gate lang ang napasok ko, kaya paanong nasa panganib ang buhay ko?"
"Tss, hindi mo ba talaga nauunawaan?" Nauubusang pasensyang usal niya at hinawakan ako sa balikat.
"Look, pinasok mo ang mundo ko..at alam mo bang dahil doon..."
Titig na titig siya sa mga mata ko.
"...pag-aari na kita."
"Ano!!pag-aari mo'ko?!" Bulaslas ko. Hindi makapaniwala.
He smiled. Tumalikod siya at tumingala sa malaking bahay nila.
"Yes, you're mine Dane, tama ka sa nadinig mo...
.. you enter my world and you are mine now."
-to be continue-
Bitin ba? Hahaha. See you in my next Up^^kamsa;*
BINABASA MO ANG
Owned By A Vampire
Vampire[Published] "Once you enter my world, you're mine." TN: Not edited. ©2017 CrystalineG