Fifteen

8.3K 316 34
                                    


"Na-enroll na kita sa university Dane, bukas na ang simula ng pasok mo"

"Ganon kabilis?" tanong ko at lumapit sa mga grocery na dala ni Kiel at isa isang nilabas mula sa kahon.

"May kakilala akong teacher dun at tinulungan niya akong ma-enroll ka agad"

I just nodded at hinanay sa ibabaw ng ref ang mga delata. "Couz, naibili na rin kita ng mga gamit para papasok ka nalang bukas"

"Thank you Couz ha.." nakangiting pasasalamat ko.

Ngumiti lang siya sakin bilang tugon.

KINABUKASAN ay sinamahan ako ni Kiel sa school.

"Couz, dito classroom mo"

"Naks, di aircon" natatawa kong sabi.

"Haynaku, pumasok kana sa loob" utos niya.

"Sige couz, ingat"

"Ikaw rin" paalam niya at tuluyang umalis.

Nang makaalis si Kiel ay pumasok na ko sa loob ng room. Kagaya ng inaasahan nakatingin sakin ang mga bago kung classmates at napatungo nalang ako sa pagkailang at hiya. Laking pasasalamat ko nalang ng may dumating ng teacher.

"You must be Dane Samonte" puna sakin ng guro ng mapansin ako. Tipid akong ngumiti.

"Come here" sabi pa nito at sumenyas na lumapit.

Pumunta naman ako sa unahan at humarap sa mga kaklase ko.
"Please, introduce yourself"

"Good morning, I'm Dane Samonte" nakangiti kong pagpapakilala.

"Hello, Dane" bati nong mga kalalakihang nasa dulo at sinuklian ko lang ng isang ngiti.

Sunod nun ay tinuro ni Ma'am ang magiging upuan ko. Sa gilid ito sa tabi ng bintana. Naglakad na ako papunta don habang nagsasalita si mam sa unahan.

"Well, aside from Ms. Samonte,
meron pa kayong magiging bagong kaklase"

Huh? As in meron pa?

"Kyaaah! Ma'am lalaki po ba?!" tanong nung isang maiksi ang buhok at makapal ang kilay na nasa unahan.

"Oo nga ma'am! Sana gwapo!!!" Sabat pa nung isa at nagtitili.

"Hindi 'yan lalaki! Paniguradong chix yan kagaya ni Miss, Samonte" sabay tingin sakin nung classmate kung lalaki na maraming hikaw sa tenga at kumindat.

"Ssshhh..quiet class" suway ng guro.

"Please come in Mr. Flores" sabi ni ma'am at sabay sabay kaming napalingon sa pumasok.

Halos lumuwa ang mga mata ko sa sobrang gulat.

Si...

A-AQUIRO!!?

What the heck he doing here!? Bigla ay nagflashback muli sakin ang mga nangyare sa panaginip ko.

Lahat lahat..

"Class meet, Aquiro Flores" nakangiting sabi ni ma'am saka nag-angat ng tingin si Aquiro.

At saktong nagtama ang mga mata namin.

Seryoso siyang nakatitig dahilan para mapalunok ako sa pagkailang at kusa akong umiwas tingin.

Hindi ako makapaniwalang nandidito siya.

Nung lunck break ay agad na nagsilabasan ang mga kaklase ko, mabilis ko namang niligpit ang mga notebook na nakapatong sa aking mesa at nilagay sa bag.

Tumingin ako kay Aquiro na seryosong inaayos rin ang gamit niya. Ibang iba ang dating niya ngayon marahil siguro nakasuot siya ng uniform kumpara sa dati naming school na halos balot na balot siya ng kasuotan, mas maaliwalas siyang tignan kumpara noon. Nakasalamin pa rin siya at sobrang puti at mapupula ang labi.. idagdag pa na medyo gulo ang buhok niya at talagang sobrang gwapo.

"Are you done Miss Dane?" halos mapatalon ang puso ko sa sobrang gulat.

"Huh??"

"Tss..nevermind..nice to see you here Dane" sabi niya at bahagyang nagsmirk saka naglakad na palabas.

ARGH!

"WAIT AQUIRO!?" pigil ko, huminto naman siya at lumingon sakin.

"Bakit ka nandidito sa maynila? At bakit ka nag-aaral dito?" Dirediretso kong tanong habang nakikipagtitigan sa mga mata niya.

"Bakit Dane ikaw lang ba pwedeng mag-aral sa Maynila?" Masungit niyang sagot at aaminin ko parang bumalik siya doon sa simula kung paano siya magsungit sakin.

Sumimangot ako at nakita ko naman ang pag-angat ng gilid ng labi niya.

"And you almost forgot huh? Let me remind you Dane. ....you're mine...at kahit saang lupalop ka pa magpunta talagang susundan kita..dahil pag-aari kita."

Para akong natuyong dahon habang nakahabol tingin sa kanyang naglalakad palayo. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko saka ako napahawak sa aking pisngi na ginawaran niya ng halik.

***

"Kanina ka pa tulala may problema ba?" Tanong ni Kiel sakin habang naglalapag siya ng mga pagkain sa mesa.

"Uh! Hindi couz iniisip ko lang 'yong dati kong school" pagdadahilan ko kahit ang totoo ay naiisip ko parin ang mga sinabi ni Aquiro. Hindi ko siya maunawaan.

Ang gulo lang.

"Couz, wag mo na isipin 'yun.. okay"

Tumango ako at naglagay ng pagkain sa pinggan.

Pagkatapos kumain ay naglinis ako ng katawan at nagpalit ng pantulog saka humiga sa kama.

Nakatitig lang ako sa cyling fan dahil hindi parin ako dinadalaw ng antok.

Aish!

"Aquiro naman bakit ba hindi ka mawala sa isip ko" nakasimangot kong sabi sa sarili at bumuntong hininga.

"Because you love me.." napabalikwas ako ng bangon ng may marinig na nagsalita mula sa gilid ko.

Wtf.

"AQUIRO!" Gulat na gulat kong sabi habang nakaupo siya sa gilid ng kama ko at nakangiti.

"Yes, my lovely Dane?" tanong niya at sa isang kurap lang ay nandito na siya sa mismong harap ko..

"A-aquiro ano ginagawa mo dito?" Nauutal kong tanong sa sobrang lapit ng mukha namin.

Para akong yelong na estatwa at hindi makagalaw.

"Gusto kitang makita at mayakap ng ganito.."

And the next thing, niyakap niya ako ng sobrang higpit.

Jusko ang puso ko!

--

Owned By A VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon