"Pwede maki-share?"
"Paupo ako ha?"
Still no answer.
"Okay, upo nako."
Lunch break ngayon, at saktong nakita ko si Aquiro dito sa field at agad ko siyang nilapitan. Mag-isa siyang kumakain sa isang bench na may mesa sa tabi ng isang puno ng narra.
"Aquiro, nga pala bakit hindi ka kumakain sa canteen?" Tanong ko. Never ko pa kasi siyang nakikitang kumain doon.
Hindi siya sumagot. As usual parang walang kumakausap sa kanya at wala siyang nadidinig.
Wala akong naggawa kondi pagmasdan siyang tahimik na kinakain ang dala niyang lunch."Anong ulam yan?" Curious na tanong ko habang nakaturo sa ulam niyang itim ang kulay. I don't know kung dinuguan ba 'yun or what. Masyadong malalapad ang gayat ng karne. Aswang ba siya?! Natawa ako sa sariling naisip.
Nag-angat siya ng tingin habang ngumunguya, muli akong napalunok ng magtama ang mata namin.
"What?" Pati ako ay napapa-english na sa paraan ng kanyang pagtingin.
Umiwas siya ng tingin at doon ako nakahinga ng maluwag. Bakit ba sa t'wing titig siya sa mata ko parang may mali. Hindi ko lang ma-figure out kong anu iyon.
Ang gulo.
"Gusto mo?" Nakangiti kong alok sa dalwang sandwich kong hawak.
Umiling-iling lang siya at kinuha ang baunan ng tubig niya para uminum.
"Apple juice ba yan?" Tanong ko pa.
Tumuloy lang siya sa pag-inum.
"Pwede patikim?" Akmang hahawakan ko yung tubigan niya ng tabigin niya ang kamay ko.
"No..don't touch it."
Bumuntong hininga ako at inis na binuksan ang orange juice bottle na binili ko sa canteen at uminum.
Ang damot! Titikim lang naman para kasing kakaiba yung pagkaapple-juice niya sobrang pula.
"Ganan ka ba talaga Aquiro? Masyado kang ilap sa tao?" Seryoso ko ng tanong ng matapos uminum.
Tapos na siyang kumain at nililigpit na niya ang kanyang malutuan.
Hinintay ko siyang sumagot kaso hindi.
"Aish, alam mo weird mo talaga, kung hindi ka siguro gagalaw iisipin kong tuod ka or kung hindi ka naman mag-sasalita iisipin kong pipi ka heheh."
I smiled widely.
"Aquiro, gusto kitang maging kaibigan, hindi ko alam kung bakit parang gustong gusto kong mapalapit sayo, gusto kong makilala ka, alam kung ang weird kahit ako ay na we-weirduhan kong bakit ganto 'yung pakiramdam ko, parang..hindi ko na kayang pigilan." usal ko habang napapatungo. Napapikit ako matapos masabi iyon kasabay ng malakas na kabog ng dibdib ko.
Ang natatandaan ko lang ay nagsimula ito noong araw na nilapitan ko siya at pinagtanggol sa mga nambubuyo sa kanya. Pakiramdam ko may nagbago sakin na naging weird ako pagdating sa kanya.
"Are you sure?" Napaangat ako ng tingin ng muling madinig ang malamig niyang boses.
Diretsong nakatingin siya sa mata ko na parang hinihigop.
"O-oo, so friends?" Inilahad ko pa ang kamay ko at ngumiti.
"No, I don't need a friend..I prefer to be alone." after saying that he left me.
Napapahiyang napatango ako habang kagat ang labi.
Ganoon ba niya kaayaw mag-karoon ng kaibigan?
BINABASA MO ANG
Owned By A Vampire
Vampire[Published] "Once you enter my world, you're mine." TN: Not edited. ©2017 CrystalineG