"Bilisan natin! Paparating na sila."
Napadilat ako sa isang boses ng lalaking narinig ko.
Nakatulog pala ako.
"Oops. Gising na sya."
Rinig ko namang bigkas ng isang babae.
Sino sila?
Bumangon ako sa pagkakahiga.
Hindi kaya nanaginip nanaman ako?
Pagbangon ko kinusot-kusot ko muna ang mga mata ko bago ako napatingin sa paligid.
Nandito parin naman ako sa kubo.
Pero may tatlong taong nakaitim na coat ang nakatingin sakin at parang hinihintay nila akong magising.
"Sino kayo?"- tanong ko.
Pinagmasdan ko sila isa-isa.
Isang babaeng may mahabang buhok na nakataas ang kaliwang kilay.
Isang babaeng may maamong mukha na hanggang balikat lamang ang buhok.
At isang lalaking nakangiti.
Pare-pareho silang nakasuot ng itim na coat.
Pinagmasdan ko lang sila.
Bakit parang pamilyar ang mga mukha nila?
"Ano pa bang hinihintay nyo? Kumilos na tayo."- mataray na sabi nung babaeng may mahabang buhok.
Teka?
"Sino ba kayo?"- naguguluhang tanong ko.
Hindi sila nagsalita at nanatili lang nakatingin sa'kin.
"Sorry Aika."- bigkas nung babaeng may maamong mukha.
Huh? Bakit?
Bakit sya humihingi ng tawad?
Nagulat ako ng bigla akong lumutang.
Lumulutang ako.
Bakit ganito?
"Sino ba kayo? Anong nangyayari?"- sigaw ko.
Maya-maya ibinaba na nila ako ng nakatayo.
"Wear this."- bigkas nung lalaking nakangiti at iniabot sakin ang itim na coat.
Napatitig lang ako dito dahil sa pagkagulo ng utak ko.
Sino ba sila? Sino ba talaga sila?
"I guess? Naguguluhan sya. Ako nalang ulit ang kikilos."- nakangiting bigkas nung babaeng may maamong mukha atsaka pinagalaw ang itim na coat gamit ang kaliwang kamay.
Lalo akong naguluhan ng makita ang ginawa nya.
Napapagalaw nya ang mga bagay.
Nagulat ako ng biglang tumaas ang dalawang kamay ko.
Napatingin ako sa babaeng may maamong mukha habang nakatapat sa mga kamay ko ang kanang kamay nya.
Kinokontrol nya ito.
Inilapit nya sa bandang itaas ko ang itim na coat.
At unti-unti nya itong binaba.
Nagulat nalang ako at suot ko na ang itim na coat na iniabot sa'kin nung lalaki kanina.
"Bilisan na natin. Nadedetect na ng Detector Pocket ang mga papalapit na Elvarian."- bigkas nung mataray na babae habang may kinakalikot na maliit na bilog sa kamay nya.
Tumutunog ito. Pabilis ng pabilis ang tunog nito habang tumatagal.
"Malapit na sila. Bilis hawakan nyo na sya."- dagdag pa nito.
BINABASA MO ANG
Dim Academy (Completed)
FantasyIto ho ang unang storya na gawa ko. This story is inspired by the facebook group of Wattpadim Academy. Kaya ang ibang mga characters na makikilala nyo rito ay makikita nyo sa Wattpadim Academy. Wattpadim Academy? Isa po itong facebook group na para...