Chapter 9

14 1 0
                                    

Matapos ang lunch break, abilities naman ang sunod naming subject at si Queen Rosenda naman ang magsisilbing guro namin dito. Halos mamangha ako sa mga kakayahan ng kaklase ko. May nag iinvisible, meron naman sobrang flexible ng katawan niya as in parang wala na siyang buto. Tinuruan lang kami ng mga basic knowledge ni Queen Rosenda kung paano hasain ang abilities namin.

Matapos nito ay si Queen Kira naman ang magtuturo sa amin. Kaniya kaniya kaming palit ng P.E uniform namin at kaniya kaniya ring punta sa field sa likod nitong building.

Isa isa kaming pinapwesto ni Queen Kira sa mga posisyon namin.

"Pila at humarap sa akin." Utos nito.

Agad kaming sumunod.

"Sidewards." Walang ganang sabi nito.

Sinunod namin ito upang magkaroon ng espasyo ang gilid ng bawat isa.

"Tatakbo kayo sa loob ng limang minuto. Pagkatapos ay sukatin ninyo ang pulsuhan niyo sa loob ng sampung segundo." Sambit nito.

Mag iistretching palang sana kami nang biglang magsalita ito.

"Timer starts now."

Sa gulat ay napatakbo na lamang ako at nakita kong ganoon rin ang ginawa ng mga kasama ko. Tinakbo namin ang field hanggang sa matapos ang oras na ibinigay sa amin.

"Okay! 5 minutes is over! Now ang pulsuhan naman!!" Sigaw ni Queen Kira.

1..4..6..8..11..13..15.

"Enough!! Lumapit kayo sa akin para mailista ko ang pulse rate niyo!!" Sigaw ulit nito.

"15" bulong ko

Napalunok ako at napahinga ng malalim nang mabawi ko ang hininga ko.

Inisa isa niya kami. Karamihan ay 20 pataas ang pulse rate nila.

Nagtaka naman ako.

"15 po." Sagot ko nang bumaling sa akin ang tingin ni Queen Kira.

"What!?" Gulat na tanong ni Denaia.

Tumingin ako rito.

"Seriously?" Tanong naman ni Precious.

Tumango ako.

"Why? How?" Nagtatakang tanong ni Denaia.

"Hindi ko alam. Ayon ang bilang ko e." Sagot ko.

Nilagpasan ako ni Queen Kira at sunod na tinanong ang iba hanggang sa matapos ito.

Bumaling ang tingin sa akin ni Queen Kira habang naglalakad ito patungo sa direksiyon ko.

"I will give you 5 minutes upang tumakbo ulit. Pagkatapos ay sa akin ka dumiretso ako ang magsusukat ng pulso mo." Bigkas nito nang makahinto sa harapan ko.

Sumunod na lamang ako.

"Timer starts now."

Tumakbo ako, takbo, takbo, takbo, bakit ba pinaulit pa ako? Napapagod na ako ha. Hay nako!

"Enough!" Sigaw ni Queen Kira at agad naman akong tumakbo sa pwesto niya.

Tahimik na hinawakan nito ang pulsuhan ko. Matapos ang sampung segundo ay tumingin ito sa akin.

"Okay. Change your clothes. Tapos na tayo. Pwede na kayong bumalik sa  classrooms niyo at hintayin na lamang ang huling magtuturo sa inyo." Saad nito at naglakad na palayo.

Lumapit sa akin sila Denaia, Precious, at Francis.

"OMG girl! Nakakapagtaka ang pulse rate mo." Bigkas ni Precious.

Dim Academy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon