Chapter 13

11 1 0
                                    

[AIKA] [ 9:03 PM ]

"Sigurado ka ba talagang balak kang puntahan dito at hanapin ng dalawang babaeng narinig mo sa kaliwang bahagi ng Black Dimension Aika?" Naniniguradong tanong ni Denaia.

Tumango tango ako.

"Malamang maya-maya pa ay naandito na sila." Walang ganang bulong ni Flinn na tama lang ang lakas para marinig namin.

"Paano mo nasabi dude?" Tanong ni Paulo.

"Ilang araw na ang nakakalipas matapos tangkain ng dalawang Elvarian ang plano nila tungkol sa bagong estudyante. At sigurado akong mauulit ulit ang routine nila. Tama ka Flinn!" Masayang sambit ni Precious.

Naguguluhan ako.

"Enlighten us guys medyo magulo." Nagugulohang sambit ni Francis.

"Hindi niyo ba naaalala na kapag may bagong estudyante dito sa Dim Academy ay palaging may dalawang Elvarian ang napag-uutusan para magmatyag sa bagong estudyante? At kapag hindi sila nakakaligtas dito sa Dim Academy sa mga plano nila ay makalipas lamang ang isa o higit pang araw ay magpapadala ulit sila ng panibagong dalawang Elvarian para ituloy ang plano ng naudlot na balak ng dalawa pang nauna." Kuwento ni Precious.

Tumango lamang si Flinn.

"Kung ganoon ang sinasabi ni Aika na narinig niyang dalawang babae ay siyang napag-utusan na ituloy ang plano ng dalawang Elvarian na pinatay o napatay ni Flinn noong nakaraang araw? Tama ba?" Tanong ni Paulo.

Tumango naman si Precious.

"Yes and that's their routine. Hindi sila titigil hanggat wala silang nakukuhang impormasyon tungkol kay Aika o sa bagong estudyante." Sambit nito.

"Kung gayon ay dapat bumalik tayo sa dulo ng garden para abangan sila!" Suhestiyon ni Denaia.

"Maaaring may makuha tayong impormasyon sa kanila kapag naunahan natin sila." Dagdag ni Francis.

Teka?

"Anong naunahan? Anong ibig ninyong sabihin?" Nagugulohang tanong ko.

"Gagawin natin silang bihag Aika. Maaaring sa paraang iyon ay may malaman tayo tungkol sa pagkatao mo. Kung bakit ka nila gustong makuha." Sagot ni Precious.

"Kung ganoon ano pang hinihintay natin? Tara na?" Yaya ni Paulo.

Akmang tatayo na sana ako ng magsalita si Francis.

"Teka hindi tayo dapat magpadalos dalos. Kailangan nating pagplanuhan ito ng mabuti." Sambit nito.

"Paano?" Tanong ni Denaia.

"Malapit na magcurfew. Isuot natin ang mga coat natin para hindi tayo masyadong kita sa dilim. Mabuti rin siguro kung dadalihin natin ang mga weapon natin na ibinigay sa atin ni Queen Shaila. Pagdating natin doon ay maghiwa-hiwalay tayo. Hatiin natin sa tatlo tutal anim naman tayo, dapat siguro ay magpares-pares tayo." Sambit nito.

Tumango sila Precious at Denaia atsaka inihanda ang mga weapon nila ganoon rin sina Paulo at Francis, kinuha ko naman ang pocket knife ko sa bag atsaka inilagay ito sa bulsa ng coat ko.

"I'll go with Paulo." Bigkas ni Precious.

"Aika sak--"

"Sa'kin sasama si Aika."

Hindi naituloy ni Francis ang sasabihin niya ng putulin siya ni Flinn.

"O-o-okay I'll be with Francis." Bigkas ni Denaia.

Kahit naguguluhan ay tumango na lamang ako.

Gaya ng napagkasunduan ay naghiwa-hiwalay kami matapos naming makarating sa dulong bahagi ng garden kung saan madalas lumilitaw ang mga Elvarian.

Dim Academy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon