[AIKA]
Naramdaman ko ang kirot sa ulo ko kaya't hinawakan ko ito.
Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko.
Puting kisame.
Puting pader.
Puting tiles.
Halos lahat ay puti.
"Nasaan ako?" Marahang sambit ko.
"Queen!" Rinig kong sigaw ng isang pamilyar na tinig.
Hindi ko mabosesan kung sino ito.
Isang babaeng may maamong mukha at katamtamang haba ng buhok.
"Aika! I'm glad you're now awake!" Saad naman ng isang babaeng may mahabang buhok at mukhang mataray.
Bukod sa kanilang dalawa ay may dalawang lalaki pa ang lumapit sa akin.
Isang nakangisi na tila nagmukhang mayabang ang bumati sa akin ng...
"Hi Aika!"
At isang lalaking ngiting ngiti ang nagsabi naman ng...
"After 1 week, nagising ka rin!!" Masayang sambit nito at saka mas nilawakan pa ang ngiti.
Ngunit unti-unting nawala ang ngiti nito ng magtama ang mga mata namin.
"Shit!" Bulalas nito.
"Bakit Francis? Anong nababasa mo sa kaniya?" Tanong ng babaeng may maamong mukha.
"Ano? Hindi pa raw ba siya makapagsalita?" Tanong naman nung babaeng may mahabang buhok.
"Dude bakit parang namutla ka?" Bigkas naman nung lalaking nakangisi atsaka inakbayan yung lalaking kanina'y palaging nakangiti.
"What happened Aika!? Anong nangyari sayo?"
Rinig kong bigkas nung lalaking kanina'y ngiting ngiti kahit hindi bumubukas ang bibig niya.
Nagtaka ako.
"Bakit? Nasaan ba ako? Ano nga bang nangyari sakin?" Kunot noong tanong ko sa lalaking kanina'y sobrang ngiti.
Nakita kong nanlaki ang mga mata niya at tila tinakasan siya ng kaluluwa niya sa sobrang putla niya ngayon.
"Sino ba kayo?" Nagugulohang tanong ko at lahat sila ngayon ay lumuwa ang mata at sabay sabay na bumuka ang bibig.
"Oh bakit parang gulat na gulat kayo? Nasaan ba ako?" Nagtataray na tanong ko.
Ano? Tutungangaan na lang ba nila ako?
Aiiish!
Nakarinig ako ng bukas ng isang pinto at lahat sila ay sabay sabay na napalingon dito.
Sabay sabay silang nagsitakbuhan papunta sa likod ng lalaking walang emosyon na kakapasok pasok lamang.
"Anong nangyayari? Bakit parang takot na takot kayo?" Walang ganang bigkas nung lalaking kakapasok lamang.
Lalong napataas ang kilay ko.
Aba! Anong takot eh hindi nga sila nagsasalita at sino ba sila?
"F-f-flinn si-s-si Aika! Hindi ko na mabasa ang laman ng isip niya at parang bumaliktad ang nangyayari! Nababasa na niya ngayon ang isip ko!!" Utal-utal na bigkas nung lalaking masayahin.
Nakita ko ang hawak na tray ng pagkain nung lalaking kadarating lamang at naglalaman ang tray na ito ng samu't saring prutas.
Hindi pa siya nakakalapit sa lamesa sa gilid ko ay kinuha ko na ang isang apple sa tray na hawak niya.
BINABASA MO ANG
Dim Academy (Completed)
FantasyIto ho ang unang storya na gawa ko. This story is inspired by the facebook group of Wattpadim Academy. Kaya ang ibang mga characters na makikilala nyo rito ay makikita nyo sa Wattpadim Academy. Wattpadim Academy? Isa po itong facebook group na para...