"Guys! Sabi ko sa inyo tara na! Anong---?"
Huh?
"Aika shh! Tulog na sila."- bigkas ni Paulo habang kinukumutan si Precious.
What? Nag CR lang ako saglit tapos tulog na sila?
"Teka? Anong oras na ba?"- tanong ko.
"It's already 10 PM. 1 hour before curfew."- sagot naman ni Francis habang inaayos ang pagkakahiga ni Denaia sa sofa.
"Kung ganoon ay kailangan na naming bumalik sa kwarto namin."- bigkas ko.
"Ang tanong. Kakayanin mo ba silang dalawa?"- tanong ni Paulo na ngayon ay nakaupo na sa ulonan ni Precious.
"Nah~ We'll help you."- sabat naman ni Francis.
"Mabuti pa nga."- bigkas naman ni Paulo.
"Okay. Salamat."- sagot ko.
"Tignan mo muna kung may mga tao pa sa labas."- sabi ni Paulo.
Naglakad naman ako papuntang pinto atsaka binuksan ito. Sumilip ako ng bahagya.
"Wala na."- sabi ko nang makitang wala ng mga tao sa labas.
"Okay. Open our door first, then buksan mo na rin yung pinto ng dorm nyo. Bilisan mo lang huh!"- sabi ni Francis.
Ginawa ko ang mga inutos nila.
At wala pang 5 minuto?
"Salamat! Salamat talaga. Ang kukulit kasi ng dalawang babaeng to e."- sabi ko at isinara na ang pinto.
Pinagmasdan ko ang dalawang babaeng ngayon ay natutulog na sa kanya kanyang kama nila.
Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na may tinatago rin pala silang childish side.
Akala ko ay ako lang ang may pagka isip bata sa amin e.
Pinatay ko na ang ilaw sa loob ng kwarto namin. Nilock ko narin ang pinto at tanging bintana na lamang sa tapat ng kama ko ang bukas.
Naaakit nanaman ako sa taglay na liwanag na dulot ng buwan.
Hinahangin ang kurtina nito.
Lumapit ako para dumungaw rito upang makita ang ibaba.
Pinagmasdan ko lamang ang labas, ang buwan? At dinama ang sariwang simoy ng hangin.
Ilang minuto rin akong nakatayo dito habang pinagmamasdan ang labas.
Maya-maya pa ay nakaramdam na ako ng lamig.
Isasara ko na sana ang bintana nang may makita akong isang taong naglalakad patungo sa garden.
"Flinn?"- bulong ko.
Ano kayang gagawin nya roon? Sasandal nanaman ba sya sa puno gaya kagabi?
Hindi ko na napigilan ang sarili ko kundi sundan si Flinn.
Bago ako lumabas ng kwarto tinitigan ko muna ang orasan.
"11:01"- bigkas ko.
Curfew na pala.
Kailangan kong mag-ingat.
Sinuot ko muna ang black coat ko bago tuluyang lumabas.
Dahan dahan kong tinahak ang daan palabas ng dormitoryo.
Mamaya may makakita pa sa akin at isumbong ako.
Nang makalabas ako sa building nitong dormitoryo, agad akong humanap ng madilim na parte ng daan para makapunta sa garden, kaya naman dali dali kong tinungo ang daan kung saan maraming puno at kaya akong takpan ng dilim.
BINABASA MO ANG
Dim Academy (Completed)
FantasyIto ho ang unang storya na gawa ko. This story is inspired by the facebook group of Wattpadim Academy. Kaya ang ibang mga characters na makikilala nyo rito ay makikita nyo sa Wattpadim Academy. Wattpadim Academy? Isa po itong facebook group na para...