Chapter 10

12 1 0
                                    

Nakaramdam ako ng pagyugyog  kasabay ng pagsasalita ng isang pamilyar na tinig.

"Wake up Aika! Ano ba kasing ginagawa mo sa labas ng alas dos ng madaling araw?" Rinig kong tanong ni Precious.

Gusto ko pang matulog!

"Hmm." Pag-ungol ko rito atsaka nagtalukbong ng kumot.

"What the hell Aika!? May pasok pa tayo!" Inis na bigkas nito.

Nanlaki ang mata ko ng mapagtantong tama ang sinasabi niya.

Oo nga! May pasok pa kami. Aiish!

Agad akong bumangon at mabilis na kumilos.

"Hay nako! Nagulat ako kanina ng biglangmay kumatok sa pinto natin alas dos ng madaling araw! I swear I was about to freak out when I realized na wala si Aika sa kama niya! And then oh my gosh! I slowly walked towards the door then slowly opened it, there I saw Aika!" Tila mahabag damdamin na kuwento ni Denaia pagkapasok na pagkapasok ko sa banyo.

Napatampal nalang ako sa noo ko.

"Eh saan ka nga ba kasi galing Aika!? Hinayaan mo pang umalis ka ng walang dalang susi! Jusko Aika! May kinakalantaryo ka bang lalaki!?" Bigkas ni Precious na parang isang nanay na nagagalit sa kaniyang anak na umuwi ng dis oras ng gabi.

"WALA!!" Buong lakas na sigaw ko.

Narinig ko naman ang bahagyang pagtawa nila.

Mamaya na ako mag-eexplain, hintayin nila akong matapos maligo.

Nagmadali ako sa pagligo at halos madulas na sa sobrang bilis ng pagkilos ko.

Matapos ay agad akong nagbihis at lumabas ng banyo.

"Nagpunta ako sa Library. Nagbasa ng mga history books pero wala naman halos napala." Aba't tignan mo nga naman, nakuha ko pang magsinungaling! Hello? Nakapagteleport ako at nabasa ko rin na katulad ko ay hindi rin nagbabago ang pulse rate ng mga Elvarians kahit anong kilos nito.

"Hey Aika!?" Bigkas ni Denaia at winagayway pa ang kamay nito sa harap ko.

Tila nahulog ako sa isiping may posibilidad na isa nga akong Elvarian.

"B-b-bakit?" Utal-utal na tanong ko rito.

"Tinatanong ka namin ni Precious kung bakit hindi ka manlang nagpaalam? We know na you can do whatever you want since it's your own body but just to remind you Aika, una curfew na non, pangalawa bago ka palang dito at sa sobrang laki nito there's a possibility na maligaw ka, you know might as well informed us para naman nasamahan ka namin or alam namin kung anong ginagawa mo sa labas sa gitna ng curfew!" Bigkas nito at tumingin pa kay Precious na siya namang tumingin sakin.

"Sorry." Sambit ko.

"Hays okay! Malaki ka naman na and I think kaya mo na ang sarili mo. We're just concerned about you, you know?" Bulalas naman ni Precious at pumamewang pa.

Ngumiti ako ng pagkalawak-lawak.

"Mahal niyo ako?" Bigkas ko.

Nagkatinginan silang dalawa at nagtatakang tumingin sakin.

"Yehey mahal niyo ako! Nag-aalala kayo sa'kin!" Tuwang sambit ko habang sinusuklay ang buhok ko.

Ang swerte ko talaga sa kanila!

"Yeah because we're friends!" Bigkas naman ni Precious.

"Or best friends rather!" Masayang bigkas naman ni Denaia.

Natigil ang pag-uusap namin ng may marinig kaming tatlong katok.

"Girls!? What took you so long?" Rinig namin ang iritableng boses ni Paulo.

Dim Academy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon