[ 8:01 PM ]
Alas otso na ng gabi at kakatapos tapos lang namin maghapunan.
Naglalakad ako ngayon dito sa garden papunta sa pinakadulong bahagi, kung saan ako lagi pumupunta.
Suot ko ang black coat ko.
Ilang beses na ba akong humihinga ng malalim?
Hindi mabilang.
Nang makarating sa dulong bahagi agad akong umupo sa paboritong pwesto ko, sa ilalim ng puno.
"Lord, kumusta na ho ang lola? Masaya ho ba siya sa kalagayan ko ngayon?"
"Bakit ka ba ganyan?"
Nagulat ako sa taong biglang sumulpot sa tabi ko.
Kanina niya pa siguro ako sinusundan.
"Kiko." Bulong ko.
Ngumiti ito, pero hindi ito ang ngiting nakasanayan ko.
Ngiti na parang nababahala.
"You've got it right Aika, nababahala ako." Sambit nito sa tila malungkot na tono.
"Bakit naman?"
"Hindi ko kasi alam kung anong magiging reaksyon ko sa nalaman ko tungkol sa'yo."
Huminga ako ng malalim at napatungo.
"Pasensya na." Bigkas ko.
"Sana ay hindi ka kaaway Aika, naniniwala ako sayo." Sambit nito at pilit na ngumiti.
Hindi ko na alam kung anong mararamdaman ko.
"Hindi naman kita masisisi. Kahit ako ay hindi ko na kilala ang sarili ko."
"Aika umiiyak ka ba?" Nag-aalalang tanong nito atsaka ko lamang napagtanto na humihikbi na pala ako.
Ano na ang gagawin ko?
"Francis hindi ko na alam." Sambit ko.
"Tumahan ka na."
"Paano sila Precious? Sila Denaia? Paulo? At Fli--"
"OMG!" Parehas kaming nagulat ni Francis sa kinauupuan namin at agad na napatingin kung saan nanggaling ang tinig.
Nakita namin sina Precious, Denaia, at Paulo na gulat ring nakatingin sa amin.
"Sino sa inyo?" Gulat na tanong ni Denaia.
Napakunot ang noo ko.
"H-h-huh?" Tanong ni Francis.
Itinaas ni Precious ang hawak niyang relos.
"I-i-inayos k-ko kasi itong detective pocket ko. Bukod s-sa ginawa ko siyang parang relos ay tinanggalan k-ko rin ito ng tunog upang walang makarinig sa akin kung sakaling may nadedetect m-m-man akong Elv-elvarian." Utal-utal at tila gulat na bigkas ni Precious.
Sinalakay ako ng kaba.
Sa sobrang kaba ko ay napahagulgol na lamang ako.
T-t-totoo ba? Isa ako sa kanila?
"Aika bakit? Anong nangyari?" Alalang tanong ni Denaia at lumapit sa'kin para yakapin ako.
Unti-unti ring lumapit si Precious sa akin ngunit napatigil ito.
"Denaia stay away from her." Bigkas ni Precious habang nakatingin sa relos na hawak niya.
"What? May mali ba?" Nagugulohang tanong ni Denaia.
"No Precious nagkakamali k--" Hindi na naituloy ni Francis ang sasabihin niya ng sapawan siya ni Precious sa pagsasalita.
"Shut the fuck up Francis. Denaia I said stay away from that girl!" Hindi na napigilan ni Precious na sumigaw.
BINABASA MO ANG
Dim Academy (Completed)
FantasyIto ho ang unang storya na gawa ko. This story is inspired by the facebook group of Wattpadim Academy. Kaya ang ibang mga characters na makikilala nyo rito ay makikita nyo sa Wattpadim Academy. Wattpadim Academy? Isa po itong facebook group na para...