[AIKA/JANA]
Ang dilim...
Nasaan ako?
Para akong nasa isang tulay.
Tulay na sobrang dilim.
"Hello!? Anybody here!?" Sigaw ko ngunit nag-e-echo lang ang tinig ko.
Nasaan ba ako?
Nagulat ako ng biglang may isang babaeng tumatakbo habang mahigpit na kalong kalong ang isang sanggol.
"Jana? My daughter... No matter what happens just live your life to the fullest okay!? Always remember that mommy loves you so much!" Umiiyak na bigkas nung babae na tila ba kinakausap ang sanggol.
Jana? Jana who?
Maya maya pa ay biglang napalitan ng kagubatan ang paligid ko.
Inilibot ko ang paningin ko at nakita ko ulit yung babaeng may bitbit-bitbit na sanggol.
Tila balisa ito at palingon lingon sa paligid na para bang may humahabol sa kanila ng sanggol na dala dala niya.
Bigla siyang napahinto ng may makasalubong siyang isang babae.
"Tulong! Tulongan mo ako!" Sambit nito ngunit tila gulat na ekspresiyon lamang ang mababakas mo sa itsura nung babae habang nagpapalit-palit ang tingin nito sa sanggol at sa kaniya.
"S-s-siya ba ang itinakda?" Utal-utal na bigkas nung babae.
Nakita kong biglang natigilan yung babaeng may hawak na sanggol.
"I-i-ik-ikaw ang bumigkas ng p-propesiya!?" Gulat na saad nito.
"Ako nga." Sagot nito.
"Tulungan mo ako!" Desperadang sambit nung babaeng may hawak na sanggol.
"Ngunit paano? Walang lugar ang mga engkantadang katulad ko sa lugar ninyo. Sa mundong ibabaw kami tahimik na namumuhay. A-a-ayokong madamay sa gulo ninyo!"
"Papatayin nila ang anak ko! Ano mang oras ay maaari silang lumitaw dito at patayin ang anak ko!! Pakiusap!" Pagpupumilit nito atsaka agad na ibinigay ang sanggol sa babae.
"Alagaan mong mabuti ang anak ko. Ituring mo siyang parang tunay mong anak. Ikaw na ang bahala sa kaniya! Tumakas na kayo!" Sigaw nito.
Biglang may kung anong bilog na itim ang lumitaw na tila ba itim na lagusan at pumasok doon ang babaeng kanina'y may hawak na sanggol at tuluyan na itong nawala.
Sa kabilang banda ay nakita ko naman ang babaeng pinagbigyan ng sanggol na may kung anong binubulong at sa isang iglap ay bigla silang naglaho.
Unti-unti ulit napalitan ang itsura ng kapaligiran ko.
Tila nasa loob na ako ng isang kubo ngayon.
May nakita akong isang maliit na batang tumatakbo.
"Lola! Lola! Lola Berna!" Sigaw nito habang tumatakbo papunta sa isang matandang babae na tila nagluluto ng kung ano sa kusina nila.
Pansin ko na tila kumukulog at kumikidlat sa labas ng kubo.
"Hija magdahan dahan ka at baka ikaw ay madapa." Saway sa kaniya ng Lola niya.
"Lola ang galing ko 'no! Sabi ko sayo babagyo eh! Ayaw mo pang maniwala sa akin!" Tila nagmamalaking sambit nito.
"Ikaw talagang bata ka!" Natatawang sambit ng matanda sa bata.
"Pero kahit ang galing ko Lola nagtataka pa rin ako kung paano ko po nagagawa iyon." Inosenteng bigkas nung bata.
BINABASA MO ANG
Dim Academy (Completed)
FantasyIto ho ang unang storya na gawa ko. This story is inspired by the facebook group of Wattpadim Academy. Kaya ang ibang mga characters na makikilala nyo rito ay makikita nyo sa Wattpadim Academy. Wattpadim Academy? Isa po itong facebook group na para...