Chapter 14

9 1 0
                                    

"Anong nangyayari dito!?" Sigaw ng isang pamilyar na tinig.

Kasabay ng pagsigaw na 'yon ay siyang pagkawala ng dalawang Elvarian sa harap namin.

"Shit." Rinig kong bulong ni Precious matapos nitong makita ang tali na pinanggapos sa kamay ng mga Elvarian na naiwan sa damuhan matapos maglaho ang mga ito.

"Queen Naja." Bati nilang lima at sabay sabay na nagsitunguan upang magbigay ng galang sa nakatataas sa Dimensha.

Nanatili akong nakaluhod at umiiyak habang nakatalikod kay Queen Naja.

Nakarinig ako ng sunod sunod na yabag ng mga paa.

"Mama!" Rinig kong sigaw ni Precious.

Unti-unti akong tumayo at pinunasan ang mga natitirang luha sa mata ko bago tuluyang humarap sa kanila.

Nakita ko si Precious na nasa tabi na ngayon ni Queen Kira, si Denaia na nasa harap ni Queen Grace, si Francis na nasa tabi ni Lady Claire, si Paulo na ngayon ay hawak hawak na sa braso ng kaniyang ina, at si Flinn na hindi pa rin umaalis sa pagkakasandal niya sa puno.

Anong nangyayari? Bakit nasa harapan ko ngayon ang lahat ng Queens? Pati narin ang mga Kings? Maging sina Head Hunter Flare, Chief Guard, at sina Lady Claire at Lady Khaela.

May ilan ring guards ng Dimensha ang nakapalibot sakin.

"Itali siya." Rinig kong sambit ni Queen Naja sa mga guards na nakapalibot sa akin sa di kalayuan.

Ako ba ang tinutukoy niya?

"No!" Sigaw ni Francis at akmang tatakbo na sana papunta sa direksyon ko ng hilahin siya ni Lady Claire.

Naramdaman kong lumapit si Flinn sa akin at pumwesto sa harapan ko kaya naman marahang napatigil ang mga guards sa paglapit sa akin.

Marahil siguro ay alam nila ang kakayahan ni Flinn.

"No Queen Naja! Mabait si Aika!" Naiiyak na sigaw ni Denaia pero niyakap lang siya ni Queen Grace.

Nakita kong umiling-iling na lamang si Precious na tila naiiyak na.

"F-flinn na-n-natatakot ako. Anong nangyayari?" Nagugulohang tanong ko.

Saglit na nabalot ng katahimikan ang buong paligid dahil tila ba nag-uusap ang mag-amang sina Head Hunter Flare at Flinn sa pamamagitan ng nakamamatay na pagtitig sa isa't isa.

Napansin kong marahang napailing si Flinn atsaka ito humarap sa akin.

"Aika, just do whatever they want. Sundin mo lang sila. Hindi kita pababayaan." Bulong nito.

Naguguluhan man ay tumango nalang ako tanda ng pagsang-ayon sa sinabi niya.

Naramdaman ko na lamang na hawak hawak na ako ng ilang guard ng Dimensha habang ang ilan sa kanila ay tinatalian na ang kamay ko sa likod.

Tinanguan ako ni Flinn atsaka nginitian.

Hindi ko alam kung bakit sa ngiting iyon ay tila ba nakaramdam ako ng kasiguraduhan sa kaligtasan ko.

Nakayukong binaybay namin ang daan patungo sa gitna ng Dim Academy sa may fountain.

"Huwag niyo siyang kakalagan hanggat hindi ko sinasabi." Bigkas ni Queen Naja.

"Queen may pag-uusapan pa ho tayo." Bigkas ni Queen Lara na siya namang sinang-ayunan ng iba pa.

"Kira and Flare you know what you're going to do." Bigkas ni Queen Naja atsaka mabilis na nilisan ang lugar kasama ang ibang Kings and Queens.

Natira si Queen Kira at Head Hunter Flare kasama sina Lady Khaela at Lady Claire na siyang inutusan ni Queen Naja upang bantayan ako.

Matapos makaalis nila Queen Naja ay agad nila akong pinaupo sa isang upuan at ginapos rito.

Dim Academy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon