[NAJA] [ 7:03 AM ]
"Kumusta na siya?" Tanong ni ate Marielle na kauupo-upo lang sa tabi ko dito sa sofa sa tabi ng kama ni Aika...
Or should I say Jana?
Bumuntong hininga ako.
"Dalawang araw na siyang nagpapahinga pero hanggang ngayon hindi pa rin siya nagigising." Malungkot na sambit ko.
Naramdaman kong hinimas niya ang likod ko.
"I know she's strong like your sister, like my best friend! Gigising rin siya." Bigkas nito.
Tumango ako at ngumiti dito.
"Sana nga." Bulong ko bago bumuntong hininga ulit.
[CARLO] [ 7:30 PM ]
Naglalakad ako ngayon sa hallway ng ospital kung saan nagpapahinga si Aika.
Papunta ako sa kwarto niya para sabihan si mama na napatulog ko na si Ella.
Silang dalawa kasi ni Queen Naja ang nagbabantay ngayon doon.
Balak ko rin magpaiwan para magbantay ngayong gabi kay Aika, hindi ko lang alam kung may magbabantay na ba sa kaniya o wala.
Pero sana ay wala pa.
Malapit na ako sa kwarto ni Aika ng mapahinto ako sa nakita ko.
Prenteng nakasandal si Flinn sa pader at nakatingala sa kisame habang nakapikit.
Kasabay ng paghinto ko ay siyang bukas naman ng pinto sa tapat ni Flinn at iniluwa nito sina mama at Queen Naja.
Dumiretso na ako at agad na yumuko sa tapat ni Queen Naja, senyales ng pagbibigay galang ko sa kaniya.
"Ma I'll stay here. Ako na ho muna ang magbabantay kay Aika." Bigkas ko.
"Sigurado ka ba anak?" Tanong ni mama kaya agad na tumango ako.
"Osiya sige. Kayong dalawa na muna ni Flinn ang magbantay kay Aika. Mauna na kami." Bigkas naman ni Queen Naja.
Bigla akong natigilan.
Kasama ko si Flinn?
Napabuntong hininga na lamang ako.
Para naman kay Aika ang gagawin ko at hindi para sa kaniya.
"Sige anak, mauna na ako at baka magising pa ang kapatid mo." Saad ni mama atsaka tuluyan na silang naglakad palayo ni Queen Naja.
Nagmadali akong pumasok at nagulat ako ng ganoon rin ang ginawa ni Flinn.
Para tuloy kaming nag-uunahan papunta kay Aika.
Hindi nga ba?
Ngumisi ako at narinig ko naman ang pag 'tss' niya.
Sabay naman kaming tumayo ng tuwid at inayos ang mga sarili namin.
Sa huling pagkakataon ay binigyan namin ng titig ang bawat isa.
Walang emosyong titig ang ipinakita ko sa kaniya, samantalang masamang titig naman ang ipinukol niya sa akin.
Tila nagpapakiramdaman kami kung sino ang unang kikilos at nagulat ako ng sabay kaming humakbang papasok sa pinto ng kuwarto ni Aika.
Para kaming mga sasakyan na nag-gigitgitan mauna lang.
At sa pagkakataong ito ay hindi ko inaasahan na sabay kaming makakapasok sa loob.
"Aish!" Bigkas ko at tinignan siya mula paa hanggang magtagpo ang mga mata naming dalawa.
"Tss." Rinig kong bigkas niya atsaka mabilis akong nilagpasan papunta sa sofa sa gilid ng kama ni Aika.
BINABASA MO ANG
Dim Academy (Completed)
FantasyIto ho ang unang storya na gawa ko. This story is inspired by the facebook group of Wattpadim Academy. Kaya ang ibang mga characters na makikilala nyo rito ay makikita nyo sa Wattpadim Academy. Wattpadim Academy? Isa po itong facebook group na para...