Saoirse's POV---- FLASHBACK ----
"Happy Birthday to you!! Happy birthday to you!! Happy birthday, happy birthday.. Happy Birthday to you!" Yay! 16 years old na si ate.
"Happy Birthday ate!" I sweetly greeted her.
"Thank you, Baby piglet!" Sabay kiss niya sa forehead ko. Kahit mapang-asar siya I can say that I love my sister so much.
"Oh make a wish na ate!"
"Ang sweet naman ng babies ko." Napatingin kami sa yumakap samin, sino pa ba? My mom.
"Syempre mana kami sayo eh hehe.." Sabi ni ate kay Mom.
"Naalala ko ganyang ganyan din ako ka-sweet sa daddy niyo." Bigla naman nag-iba yung awra ni ate.
"Ahh.. CR lang ako Mom, Sirsh." Sabay lakad palayo ni ate.
****
"Ate? Andyan ka lang pala! Kanina pa kita hinahanap. Bakit wala ka dun sa party mo? Hinahanap ka na nila Mommy." Ang lungkot lungkot ng mukha niya.
"Why?" Tinabihan ko siya habang nakaupo siya sa may damuhan sa malaking field namin.
"Nothing Baby." Nako! Nag-sinungaling pa.
"Sa dinami dami ng taong pag-sisinungalingan mo, Ako pa? Eh kilalang kilala kita."
Huminga siya ng malalim at tumingin sakin. "Kasi naman.. Sa dinami dami ng araw na magiging busy si Daddy ngayon pang birthday ko?" May tumulong luha sa mukha ni ate and I gently wiped her tears.
"Alam mo ate.. para satin din naman yung ginagawa ni Dad eh."
"I know that. Pero duh! Ang dami daming tauhan na pwedeng gawin yun hindi ba pwedeng mag-excuse muna siya para sa mahalagang araw para sakin?"
"Ate.. Diba you know that our company is at risk right now? So dad really needs to be their specially at times like these." Hindi pa rin nag-iiba yung emosyon niya kaya gumawa ako ng paraan para sumaya siya.
"Alam mo, Eto dapat ginagawa sa mga taong malungkot eh." Sabay pahid ko sakanya ng icing ng cake na kinakain ko.
"Ah ganon ah?" Taas kilay niyang sabi at saka hinabol ako. Nang mahabol niya ko kiniliti niya ko ng bongga.
"Ateee! Ano b- Hahahahaha! Uy tama- Hahahahahaha!"
"Eto naman ang ginagawa sa taong sobrang ligalig." Sabay kaming nag-tawanan. Niyakap ko siya at ganun din siya sakin.
"Happy birthday pretty lady, I love you!" Sabi ko sakanya habang naka-yakap pa din.
"I love you too pretty girl." Haaay. Sana pag-tanda namin ganto pa rin kami.
---- END OF FLASHBACK ----
"I miss this girl so much." Sabi ko habang nakatingin sa picture naming dalawa ni ate dito sa table ko. Naiyak tuloy ako.
*Tok tok tok* Nilapag ko agad yung picture, agad na pinunasan ang luha sa mata ko at bumalik sa awra ko pag nandito sa office.
"Lady?" Sabi ng babae habang kumakatok sa pinto ng office ko.
BINABASA MO ANG
Deeply Inlove With My Fake Fiancé
RomanceLove is a flower you've got to let grow. Love is when the other person's happiness is more important than your own. Love is something that means very different things to different people. Love is everywhere. LOVE IS EVERYTHING. But.... can love make...