(Author's Note: Brace yourselves sa mga taglish at grammar errors. Hindi ako perfect, Maganda lang. Syempre JOKE lang! Triggered na sila oh! Hehehe joke again. Anddd.. gumamit po ako ng maseselang salita dito kaya rated SPG po ito hehe. Enjoy reading!)Saoirse's POV (Thursday, 9:30 AM)
"Traydor ka, Ryder." Drake.
Nanlaki yung mata ko sa narinig ko. Anong nangyayari? Bakit sila nag-kakaganyan. Sa mga sandaling iyon nakaramdam ako ng kaba at takot. Kaba dahil kinakabahan ako sa mga nangyayari at takot dahil natatakot akong malaman kung anong dahilan ng lahat ng 'to. Hindi ko na napigilan yung sarili ko lumabas na ko ng pinto at laking gulat ko ng nakatutok sakin yung baril ni Nathan at nakatutok kay Nathan yung baril ni Drake.
"B-bitawan mo yan Nathan!" Bulyaw ko sakanya.
"Any last words? Margarette?" Ano bang nangyayari sayo Nathan?
"Nathan! Utang na loob bitaw-"
"ANY!!! LAST!! FVCKING WORDS!! SAOIRSE???!!" Pagpuputol niya sa sinasabi ni Drake. He really had gone so far. Nanginginig siya habang hawak yung baril at halata mong kinakabahan siya. Kilala ko si Nathan alam ko kung napipilitan lang siyang gawin ang isang bagay pero sa pagkakataong ito.. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa utak niya ngayon isa lang ang alam ko. Natatakot ako. Natatakot ako para sa sarili ko at para kay Nathan. Meron bang makakapag-paliwanag kung anong nangyayari ngayon? Sh*t naman. Anong nangyayari kay Nathan? Ilang segundo pa tumawa siya ng pag-kalakas lakas na parang tawa ng demonyo na kinainis ko. Hindi na..
Hindi na ikaw si Nathan Kades Ryder na kilala ko...
Naramdaman ko na tumutulo ang mga luha ko at nakita ko sila Mommy at sila Kobe sa tabi ni Drake na umiiyak pero hindi ko iyon pinansin dahil sa ngayon, nababalot ako ng galit at kalungkutan. Maging ako hindi ko naiintindihan ang mga nangyayari.
"Oh! Here comes the true friends and the mother!! Hahaha! Exciting to ah! Pano ba yan Saoirse? Ang dami nating audience. At ang masaya pa.. nanonood si Dear Mother mo. Last message for your mother? Huh Saoirse?" Sunod sunod na luha ang pumapatak mula sa mata ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
"Pare tigil mo na yan!" Sigaw ni Kobe.
"P*tang ina pare! T*ngina talaga. Manahimik ka!" Sigaw ni Nathan kay Kobe habang nakatingin kay Kobe at napa-taas ng mga kamay si Kobe. Nakatingin sakin sila Kobe, Walter at Drake na para bang humihingi sila ng patawad. Naiintindihan ko naman na hindi nila ako maligtas. Ibang iba na kasi ngayon. Hindi na mapipigilan si Nathan. Nasasaktan ako. Nasasaktan ako kasi nakikita ko silang umiiyak at mas lalong dinudurog ang puso ko na nakikita ko si Mommy na nag-mamakaawa kay Nathan na itigil na habang humahagulgol sa iyak. T*ngina. T*ngina lang! Lalapit na sana si Drake kay Nathan para pigilan ito pero tinignan ko siya at umiling nalang ako dahilan para wag na siyang pumunta pa. Ayoko na siyang madamay pa. Ayokong may ibang taong mapahamak dahil lang sakin. Tinatanggap ko na. Tinatanggap ko na na ito na ang oras ko. Alam kong makasalanan akong tao kaya haharapin ko tong parusa na ito. Umiling ako kay Drake at ngumiti. Ngumiti ako. Isang mahinang ngiti at tuluyan ng bumagsak lahat ng luha ko.
"Fvck up idiots! Stop that fvcking drama! Mukha kayong tanga! Tumigil na kayo kasi it's time for the highlight of the show!!" He smiled. Yes. He fvcking smiled. An evil one.
BINABASA MO ANG
Deeply Inlove With My Fake Fiancé
RomanceLove is a flower you've got to let grow. Love is when the other person's happiness is more important than your own. Love is something that means very different things to different people. Love is everywhere. LOVE IS EVERYTHING. But.... can love make...