Chapter 4

423 12 3
                                    





Saoirse's POV

"Xandrake??!" Literal na nganga kaming tatlo. Anong ginagawa niya dito? Nagka-tinginan kaming apat at binigyan namin siya ng matinding death glare. Si Kobe naman hinihimas himas yung kamao niya at ang sama sama ng tingin sakanya.

"Ako nga mga bestfriends!" Pinasingkit nia yung mata niya at ngumiti ng sobrang lapad na mas lalong kinainis namin. Sasapakin na sana siya ni Kobe pinigilan lang namin siya.

"Uy Bros! Sorry na kasi! Patawarin niyo na ko huhu." Tss parang bata. Akala niya ganun ganun lang yun?

"Sorry? Pagkatapos mong umalis ng walang paalam. Pagkatapos mong mag-laho ng parang bula! Ni text, email, tawag? Wala! Tapos manggugulat ka ngayon? Ano ba kami sayo ha? Kaibigan mo ba talaga kami?!! Ha Drake!?" Nagulat ako sa sinabi ni Walter. Ngayon ko lang siya nakita na nagalit ng ganyan. Usually kasi sobrang tahimik niyan. Swerte nalang kapag kinausap ka niya with 50 letters.

"Walteroye." Tumango si Walter at tumahimik. Alam na kasi nila yung ibig sabihin kapag tinatawag ko sila sa buong pangalan. Tumingin ako ng diretso kay Xandrake at binaling niya agad yung tingin niya sa iba. Ngayon niya lang narealize na nakakahiya yung ginawa niya.  "Let him explain first."

"Guys, I am very sorry for what I've done. I know you won't believe in me. But I never wanted to leave y'all. It's so hard for me to think that I am miles away from the four of you."  Naka-tungong sabi niya. Sumenyas si Nathan na ipag-patuloy niya yung paliwanag niya. "Si Granny.. Nag-kasakit siya at dahil nga pinaka favorite niya ko sa lahat ng apo niya. Gusto niya ko makita ng malapitan sa huling hininga niya kaya ako pumunta ng London ng walang paalam sainyo. Ayoko lang kayong maabala tsaka alam ko naman na susundan niyo ko sa London kayo pa ba?" Sabagay, totoo naman yung sinabi niya eh. Susundan namin siya. Wala namang bago dun eh. Tuwing may problema ang isa samin kelangan mag-kakasama kami. Kahit nga yung iba nawiwirdohan samin kasi walang kahit sino makakapag-hiwalay samin. Unless may family bonding or urgent meetings and may sariling lakad.

"Bro pwede mo namang sabihin na... 'Dudes! Nasa London ako alam kong balak niyong sumunod pero wag na. Mag-focus kayo sa ginagawa niyo ngayon lalo ka na Kole Benedict Copeland intindihin mo yung kagwapuhan mo wag yung kapangitan ko.' Diba? Edi tapos. Maayos ang lahat kung yun yung sinabi mo." Binatukan ni Drake si Kobe. Siraulong Kobe to nagawa pang mag-biro. May pa kibit balikat pa siya.

"GGSS ka parin ba hanggang ngayon? Ano suntukan nalang oh!" Nilapitan ni Drake si Kobe at umilag naman si Kobe sabay nag cross sa kamay niya tas tinapat kay Drake? Demonyo lang?

"Sorry na best friend!" May patago tago pa si Kobe sa likod ni Walter. Kanina papakita niya pa kamao niya ngayon patago tago. Napatingin kami kay Xandrake na ngumiti ng napaka-lapad. Anong meaning ng ngiting yan?

"Best friend? So okay na?" Tumingin samin si Drake. Nag-katinginan kaming apat at napa-kibit balikat nalang sabay ngiti din ng malapad. "Alrigggghtt! Lez do the handshake signature!!" Ginawa namin yung handshake na ginagawa namin noon tuwing nag-kikita kita kami. Nakakamiss to. Buti nalang ayos na ang lahat. Ang bilis noh? Hindi naman namin matitiis ang kahit sino saamin. At dahil ayos na ang lahat...

"Tara sa fave spot?" Lapad ngiti kong tanong sakanila napa-ngiti din sila.

"I like that huh!" Pag-bibiro ni Nathan.
May naalala akong something.

"Paano tong mga to?" Tanong ko sakanila habang naka-turo sa mga pinatay ni Drake. Siraulo to lakas maka- Cardo Dalisay kanina. Pero in fairness huh! Ang tigas ng chest niya! Ngayon ko lang napag-tanto na hot pala si Drake.

"Duh! Parating na yung mga tauhan mo!" Pag-tataray ni Kobe. Ang bilis ah. Natawagan niya agad. Ngumiti nalang ako sakanya.

Sabay tumakbo kami papuntang kotse. Si Nathan ang nag-drive katabi sa harap si Walter. Kaming tatlo naman nila Kobe at Xandrake sa likod. Thank God buo na ulit ang Fifth Impact! Hehehe. Oh! Nabanggit ko ba na may banda kami? Tuwing bored kasi kami sisimulan kong kumanta at sasabay si Kobe sabay gitara ni Nathan, Drums ni Walter at Piano ni Drake. Lahat kami marunong kumanta pero napaka-anghel ng boses ni Kobe. Hindi mo aakalain na boses niya yung naririnig mo kapag kumanta siya. Yung mala- NeYo, John Legend, Elvis Presley, Bruno Mars at Ed Sheeran na boses niya oo bwiset siya na! Nakakainlove. YUNG BOSES. Sakto namang tumugtog yung favorite naming kanta.

Deeply Inlove With My Fake FiancéTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon