Chapter 8

245 16 5
                                    


Nathan's POV (Friday, 3:00 A.M.)





*Phone Ringing*

"Hello? haaay." Sagot ko habang naka-pikit pa at humihikab. Sino ba to? Ang dilim dilim pa tumatawag na.


[Bakit ganyan yung boses mo? Wag mong sabihing natutulog ka pa!?" Napadilat ako nung narinig ko yung boses ni Margy. Hala! Ngayon nga pala yung outing namin!] Hoy Nathan Kades! Andito na kaya silang lahat! Baka naman gusto mo ng mag-ayos?" Nakakatakot talaga si Margy kapag ganito yung boses niya.


"Eto na po madame! Nag-iimpake na po!!! Maliligo nalang." Pero naka-higa pa rin ako shh lang kayo baka bangasan ni Margy yung anghel kong mukha. Aba! Binabaan ako. Tss. Suplada talaga.

"Yaya Maya!" Sigaw ko mula sa kwarto ko.


"Ano! Na-Nathan?" Hinga na hingal na sabi ni Yaya. Hay! Tumakbo nanaman to paakyat.

"Ya! Diba sabi ko wag na kayong tumakbo paakyat ng 3rd floor? Paano kung mahulog ka sa hagdan? O kaya naman hingalin ka ng sobra? Tsk. May edad ka na ya! You should take care of yourself."


"Ikaw talagang bata ka! Take care of myself... Eh bakit mo ko tinawag kung gusto mo ko mag-pahinga?" Oo nga noh? Minsan naiisip ko na gawing secretary to si Yaya Maya ang talino kasi eh.


"Talaga to si Yaya! Halika nga dito! Penge akong hug!!" Sabi ko habang naka open arms. Pag niyayakap ko si yaya parang niyayakap ko na din si Mom.

"Asus! Kung hindi ko lang alaga ang mommy mo dati hindi kita pag-tyatyagaan eh." Wow ha. Sinamaan ko ng tingin si Yaya. "Biro lang anak. Ituring mo kong mommy mo hangga't kailan mo gusto. Nak wag mong iisipin na hindi ka mahal ni mommy mo. Nagawa niya lang yun kasi nasaktan siya sa ginawa ng daddy mo pero tao lang din ang daddy mo, lalaki. Nag-kakasala. Kaya sana mapatawad mo na ang Daddy mo at mabalik ang dati niyong samahan." Napangiti ako sa sinabi ni Yaya at the same time tumulo ang mga luha ko. Napatawad ko na siya. Matagal na.


"Osiya! Bakit mo ba ako tinawag?" Tanong ni yaya at kumalas sa pag-kakayakap namin agad ko namang pinunasan ang luha ko para hindi niya makita aasarin nanaman ako neto ng 'Putotoy' yun kasi tawag niya sakin dati.

"Tulungan mo po ko mag-impake hehehe." Lapad ngiting sabi ko. Kinurot niya ako at ngumiti ng malapad. Ang cute talaga ni Yaya hahaha. 


"Sige nak, kukunin ko lang yung mga maleta mo at ilabas mo na yung mga damit mo." Nginitian ko lang siya at lumabas na siya ako naman pumasok sa closet room sa loob ng cabinet ko. Yung cabinet ko kasi mukhang normal na cabinet lang pero pag pumasok ka dun may pinto sa loob at pag pasok mo dun sa pinto andun yung totoo kong closet na kasing laki ng salas namin. Hindi kasi kasya sa cabinet yung mga damit and other stuff ko.


"Hmm.. Ano kayang magandang suot-"

*Phone rings*

"Kole?"

[Kung binibilisan mo kaya noh!!?] Langya si Margy pala to. Sakit sa tenga nun ah.


"Nag-iimpake na nga kami ni Yaya!" Tss nakakainis talaga tong inday na to minsan.

[What? Sabi mo nag-impake ka na? Liar!] Sinabi ko ba yun?


"I mean nag-iimpake ako ng additional clothes. He.. He.."


[Basta! Bilisan mo! Uubusan ka  na namin ng Pesto bye!]

"Marg-" Aysh! Langya! Favorite ko yun eh. Ang tagal naman ni yaya. Lumabas ako ng kwarto at pinuntahan siya sa storage room andun kasi yung mga maleta ko. "Ya! Ano.. Hehe.. Una na ko kila Margy ha! Pahatid nalang kila Kaigo (bodyguard) yung mga gamit ko. And yung cameras ko don't forget ha! My favorite perfume and my laptop! Loveyou!" Kiniss ko si yaya sa noo at labas na ng room.


Deeply Inlove With My Fake FiancéTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon