SAOIRSE'S POV
*Phone rings*
"Hello?" Sagot ko habang naka-pikit pa rin. Inaantok pa ko haaay.
[Lady!! Hindi pa po ba kayo pupunta dito? Kanina pa po nag-aantay si Mr. Montecarlo! Nakalimutan niyo na po ba?] Nanlaki yung mata ko sa sinabi ni Andie. Hala oo nga pala! Aish! Nakalimutan ko. Anong oras na kasi ako naka-tulog kagabi kakaisip dun sa bumaril na yun.
"What! O-okay. I-I'm sorry. Omygod!" Yan nalang ang nasabi ko. Sh*t baka cinancel na ni Mr. Montecarlo yung deal.
"Andie! Hindi naman cinancel yung.. yung deal diba?"[Hay nako Lady! Muntik na! Pinigilan ko lang sabi ko otw na kayo kaya bilis na!]
"Okay thank you, thank you Andie!! I owe you one!! I'm on my way."
Naligo ako ng mabilis na mabilis na parang downy, ISANG BANLAW. At nag-bihis. Hindi na ko nakapag-ayos ng buhok kaya sa kotse nalang ako nag bun ng hair at nag lip tint nalang.
Pagka-rating ko sa office tumakbo na ko papuntang elevator yung ibang tauhan nagtitinginan siguro kasi hindi ako masyado nakapag-ayos tsaka wala na yung poise ko sa pag-lakad. Hay nako! Wala akong pake dyan ngayon. Kelangan ko yung deal na yun! Pagkabukas ng elevator tumakbo ako papuntang conference room haggard much.
"S-sorry po Mr. Montecarlo." Hingal na sabi ko.
"It's okay Ms. Smith." Buti naman hindi siya nagalit.
Huminga ako ng malalim at ngumiti.
"So! Let's talk about the deal?""Alright." Naka-ngiting sagot niya.
"Okay! Andie, hand me the company's infos. And start the powerpoint." Binigay agad yun ni Andie sakin at sinet-up yung powerpoint. Saka ako nag-discuss kay Mr. Montecarlo. Mukha namang natuwa siya sa pinresent ko. Kaya lang pinatigil niya ko sa pag-discuss.
"I think that's enough Ms. Smith." Naka-ngiti siya pero kinakabahan pa rin ako kasi feeling ko tatanggihan niya yung deal.
"Mr. Montencarlo?" Sana hindi siya tumanggi. Sana hindi siya tumanggi. Sana hindi siya tumanggi!!!
"Uhmm.. Ms. Smith Honestly, I like everything you've presented. Just give me some time to think of it." Binigyan ko siya ng nag-tataka look. So ano? Hindi pa siya sure sa pagiging business partners namin? "I just have to fix something before I confirm the deal. I'm sorry. I have to go." Yung ngiting ngiti kong expression napalitan ng poker face na naiinis na ewan! Mixed emotions kumbaga. Bakit ganun? Ang gulo niya naman. Lumapit sakin si Andie.
"Lady, Okay lang yan. Madami pa namang better na company kesa sa Montecarlo Corp."
"Thank you Andie. For comforting me
pero sayang talaga. Hayaan mo na." Pinipilit kong ngumiti pero nangingibabaw pa rin yung panghihinayang sakin. Sayang bigtime kasi yun tsaka matagal ko ng gustong maka-business partner yun si Mr. Montecarlo. Feeling ko tuloy ang baba baba ko. Feeling ko ang hina hina ko."Alam mo Lady, bilib nga ako sayo. To be honest.. Inspiration kita. Kasi ang galing galing mong mag-handle ng company. Ang talitalino niyo tsaka ang bait pa. Kahit na pinapakita niyo na masungit kayo alam ko sa loob niyo napaka-busilak ng puso niyo. Tanga lang talaga yun si Mr. Montecao dahil binalewala niya yung presentation mo. Actually, Malaking benefit din ang makukuha nila sa company na to. Hayaan mo! Makakahanap ka pa ng better kesa sa kanila."
"Thank you Andie." Niyakap ko siya. Napangiti naman kaming dalawa. Buti nalang andito si Andie para i-comfort ako.
"Sige Lady, lalabas muna ako. May aayusin pa kong mga documents eh. Just call me if you need something Lady." Ngumiti siya sakin at lumabas.
BINABASA MO ANG
Deeply Inlove With My Fake Fiancé
RomanceLove is a flower you've got to let grow. Love is when the other person's happiness is more important than your own. Love is something that means very different things to different people. Love is everywhere. LOVE IS EVERYTHING. But.... can love make...