Chapter 2

501 12 2
                                    



(Hindi ko pa po pwedeng sabihin kung sino siya eh hihi.)





SOMEONE'S POV

Haaay grabe nakakapagod tong araw na to pero nung nakita ko si Biggie nawala lahat ng pagod ko. Ang ganda niya pa din. Naalala ko nung unang beses ko siyang nakita ang cute cute niya.

------ FLASHBACK ------

"Anak, mag-iingat ka ha. Mag-aral ka ng mabuti kapag mataas grades mo mamaya, may french fries ka sakin pag sundo ko sayo!"

"Promise Daddy?"

"Promise, sweetie."

"Yeheeey!!"

"Oh, get inside na I love you darling!"

"I love you too Dad!"

"Psh! Grade 6 na ganyan pa din. Ano kinder? Pag maraming star sa kamay may lollipop?" Nakakainis.

"Inggit ka ba Dude? Bitter ka lang kasi hindi ikaw favorite ng Daddy mo."

"Wala naman akong pakielam kung hindi ako favorite ni Dad eh, Wala akong paki kung si kuya yung palagi niyang napapansin. Pag-kakamali ko lang naman nakikita niya. Tch! Magsama pa sila."

"Hahahahahahaha!" Siraulo to ah.

"Hoy Kobe! Anong nakakatawa?" Tawa pa rin siya ng tawa. Batukan ko to eh.

"Kala ko ba wala kang paki? Hahahaha eh kulang nalang pag-buhulin mo kuya't daddy mo!" Iniwan ko siya mag-isa dun. Bahala siya sa buhay niya magmukhang baliw kakatawa.

"Hoy Dude intayin mo ko!" Sinuot ko nalang yung headphones ko. Habang nag-lalakad ako may nabunggo akong matabang bata. Teka! Si french fries girl.
"Bulag ka ba? O sadyang tanga ka lang?" Bwisit to lechunin ko siya eh.

"Ako pa may kasalanan? Eh ikaw nga yang naka-earphones habang naka-pikit. Baliw ka ba? O sadyang tanga lang?" Tch gaya gaya.

Nag-flip siya ng buhok niya tsaka nag-lakad paalis. Parang nag-slow mo yung pag flip niya. Pfft. Cute. Wait. What? Cute? Ano ba tong iniisip ko? Hindi ko naman siguro siya gusto diba? Tss hindi naman totoo yang slow mo na yan eh.

"Hoy unggoy! Matunaw yan! Ay este mag-mantika hahaha!" Muntik na kong mapatalon sa nag-salita sa likod ko. Bwiset tong Nathan na to. Sulpot ng sulpot.

"H-huh? Nabunggo niya kasi ako. Tapos inaway ko siya yun yon! Di naman talaga ako naka-titig sakanya!"

"May sinabi ba ko? Ang dami mo namang sinabi. Halatang defensive ka." Pa smirk smirk pa tong hippopotamus na to. 

"Bahala ka dyan, papasok na ko sa room. Ayokong mag-linis ng di oras." Sumunod naman sakin si Kobe. Pagka-upo namin sa upuan namin sakto dumating si Madame Daiane.

"Good Morning, Class!" Buti nalang hindi masungit si Madame Lumapit sa tenga ko si Kobe at halatang may ibubulong.

"Dude, ang ganda ni Madame Daiane noh?" Sabi na eh. Lahat naman pinag-nanasaan neto eh.

"Baliw ka! Makinig ka!"

"Okay class! Introduce yourselves in front." What? Grade 3? Seryoso ba si Madame? Psh.

Pagka-tapos namin mag introduce may batang babae na mataba ang nadapa sa may pintuan. As usual lahat sila nagtawanan pati tong tatlong mokong kong katabi si Kobe, Nathan at Walter. Ah yan! Mga bestfriend ko yan. Pero ako? Instead na tumawa pumunta ako sa may pintuan at tinulungan maka-tayo yung bata.

Deeply Inlove With My Fake FiancéTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon